A/N: Hindi nako mag-sosorry. Ilang beses ko na na-explain kung bakit late ako mag-UD. Bahala na po sa mga makakaintindi at sa hindi. Hindi ko na rin na-edit. May pasok pa ako! Oh men! Btw, here's the update.
Fool
Special Chapter 10: She's Back
Kaoru's POV
"Bakaaa!" sigaw ko pagkakita ko kay Baka my loves na kasama ni Skye sa table.
Hinawakan niya ako sa mukha bago pa ako makayakap sa kanya. "Wag kang mag-iskandalo, Babo." -.-
Hmmm.. Ambango naman ng palad niya. Nakakaadik! Tinaggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko. "Eh!? Na-miss kita eh!" Kumapit ako sa braso niya.
Tinaggal niya ang pagkakakapit ko sa braso niya. "Hn. Nagkita pa lang tayo kanina."
"Hmf! Meanie ka talaga, Baka," naka-pout na sabi ko. Ano bang masama kung ma-miss ko siya kaagad? Adik ako sa kanya eh!
Bago pa ulit ako makapag-salita, lumapit na sa table sina Julian at Penny.
"Hello princes and cutie," bati ni Skye. Tapos nagtatakang napatingin siya kina Penny at Julian. "Who is he?" tanong niya. Ehem! I smell something! Pero siyempre, hindi na lang ako kumibo. Baka mabatukan pa ako ni Alistair. -.-
"He's Julian. New classmate namin ni Kaoru. Transfer student siya," sagot ni Penny. Skye just nodded. Pero halata sa mukha niya ang pagiging uneasy.
Naglahad ng kamay si Julian at ngumiti. "Nice to meet you."
Tinaggap iyon ni Skye. "Same here." Wow naman! Ang gentleman talaga nitong si Skye pogi!
Bumaling naman si Julian kay Baka ko. "Hello. Nice to meet you."
Baka just stared at Julian's hand. Blanko ang mukha.
Hala? Awkward much?
Anong nangyari kay Baka? Nabighani ba siya masyado sa kamay ni Julian? Bakit tinititigan niya lang?
Bigla na lang tumayo si Baka at hinawakan ako sa damit. "Hn. Gusto ko munang magpalamig sa labas. C'mon babo," sabi niya sabay hila sa akin palabas ng canteen. Hindi man lang ako binigyan ng time mag-react.
Nang makalabas kami, tuloy-tuloy niya pa rin ako hinila. "Psst! Woi! Saan mo ako dadalhin?"
"Basta sumama ka na lang," seryosong sagot niya.
Ano bang nangyayari sa kanya? Kabastusan yon ah! Nakikipagkilala nang maayos yung tao, babanatan niya nang ganun. Di ko ma-gets 'tong si Alistair minsan.
"Hoy Baka! Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa yon!?"
Hindi siya sumagot. Tuloy-tuloy lang siya sa paghila sa akin.
"Hoy! Kinakausap kita! Wag mo akong isnabin!" inis na ngayong sabi ko. Ang labo rin kasi ng isang 'to eh. Nakaka-stress!
"Just shut up. Sumunod ka na lang."
Haist! Ano ba kasing nangyayari sa kanya!?
Wala na akong nagawa. Mas malakas siya sa akin eh. Hinintay ko na lang na huminto kami.
Tumigil kami sa puno niya, as usual na naman. Ito na yata ang korte naming dalawa. -.- "Ano yon?" nakapameywang na tanong ko. Oha! Taray ng lola niyo!
"Nothing," straight face naman na sagot niya.
Napaawang ako ng labi. "Kinaladkad mo ako mula roon hanggang dito, tapos nothing!? Baliw ka ba!?" inis na sabi ko. Pinaglololoko yata ako ng lalaking 'to eh.
Tinignan niya ako na parang may gusto siyang sabihin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
After a while, he sighed defeatedly. "That guy, I've seen him somewhere."
Napakunot ako ng noo. "Who? Julian?"
He nodded.
"Saan naman?"
"I don't remember. But he's really familiar."
Napa-isip ako. Saan naman kaya posibleng makita ni Alistair si Julian?
Hmmmmm....
Nanalaki ang mata ko. "Alam ko na!" bulalas ko na may kasama pang taas ng hintuturo.
"Huh?"
"Model siya!" nakangiting sabi ko. "At malamang, nakita mo na siya sa isang ad or bilboard or magazine!" Hihi! Ang galing ko talaga! Iyon lang ang posibleng explanation doon.
"W-what?" nakakunot ang noo na sabi niya.
Ay binge! "Model siya! Nakita mo naman diba? Pogi na, matangkad pa! Bagay na bagay maging model ng bench! Yakang-yakang makipag-sabayan kina Lee Min Ho at Lee Donghae!"
Natahimik sandali. Nakatitig lang sa akin si Alistair.
"Oh bakit?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako.
I snapped in front of him. "Hey! Bakit ka ganyan maka-tingin!? Nabighani ka na naman sa akin? Na-fall ka na naman?" I grinned. Natablan na naman ng kagandahan ko si Alistair. Tsk! ^0^
*pak!*
"Aray! What was that for!?" sabi ko habang hinihimas ang bumbunan ko. Hampasin ba naman!?
"Stupid." =.=
"At bakit!? Huh?" Siguro, nanlalaki na naman ang butas ng ilong ko.
"Hn. Gwapo pala huh. Sa kanya ka na," sabi niya. Tapos tumalikod siya sa akin at naglakad ng nakapamulsa.
Natigilan ako sandali habang nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love (MCMLMF Season II)
Teen Fiction"My Crush, My Love, My Fiancé?!" Season II.