Chapter 18: Welcome

5.3K 119 29
                                    

Basahin po ang author's note sa ilalim. Siguradong magkakaroon ng katanungan sa isip niyo sa chapter na to. :)

Chapter 18: Welcome

Penny's POV

I slumped my self in the couch. Ugh! What a tiring day. Katatapos lang ng fashion show and it was a big successs. Hindi ko inaasahang mapupuno ang veneu. Kahit mga celebreties at politicians, dumalo. May mga nag offer na nga kaagad na bibili ng mga designs ko. At may nag offer rin ng TV guesting next week. Napangiti ako. Lahat ng pagod ko nitong mga nakaraang buwan, sulit na sulit naman.  

I took a shower before going to bed. Pwede akong matulog kahit hanggang anong oras na gusto ko. I have a month of break. Masyadong matagal pero susulitin ko na lang. Naisip ko na, maybe I really need a break. Hmm. Ano kayang magandang gawin sa isang buwan na 'yon? 

Umiling ako. Iisipin ko na lang siguro 'yon sa mga susunod na araw. Sa ngayon, a good rest will do.

Pagkatapos ko mag shower, dumiretso na kaagad ako sa kama. Hay! Finally! Ngayon ko naappreciate ang kama ko. My whole body hurts. Parang ngalay na ngalay. Matutulog talaga ako nang mahaba ngayon.

My phone suddenly rang. Napatayo ako sa gulat. Buwiset naman kasi si Natalie. Ang ingay ng isinet niyang ring tone ko. Para raw yon kapag nasobrahan ako ng tulog, instant alarm clock na kaagad kapag tumawag siya. What a lame excuse. Alam ko namang ginawa niya lang yon para asarin ako eh. -.- 

Unregistered number ang tumawag. Dali dali kong sinagot ang phone ko. 

"Hello?"

(PENOOOOOOOOY~!)

Inilayo ko kaagad ang cp ko sa tainga ko. Ano ba naman yan!? Ang lakas na ng ringtone, ang lakas pa ng bungad ng bunganga ng bruhang to. Oo, si Kaoru nga ang tumawag. Obvious naman eh.

"Problema mo? Makasigaw wagas!"

(Ang sama mo talaga! Isang buwan tayong hindi nakapag usap, ganyan pa ang sagot mo!)

I smiled softly. Na miss ko 'tong bruhang to ah. "Isang linggo lang," pagtatama ko. "Sorry naman po. Bruha ka! Namiss kita. Balita diyan?"

Humagikgik siya sa kabilang linya. (Saang diyan ba ang tinutukoy mo? Dito ba sa Italy o sa Pinas?)

Nanlaki ang mga mata ko. "Nasa Italy ka!? Eh paano ka makakapunta dito!?" bulalas ko.

(Wow ha? Makasigaw?)

"Ngayon alam mo na ang feeling," straight face na sabi ko. "Oy! Wag mong ibahin ang usapan. Paano ka napunta diyan sa Italy? Paano na yung pagpunta mo rito?" 

Unrequited Love (MCMLMF Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon