Chapter Six

9.3K 334 237
                                    

"Ehehehehe, ha haha. Ha hahaha he hehe."

Hindi mapigilan ni Rhian ang ngiti sa kanyang labi. Sobrang saya lang niya, feeling niya kasi nakajackpot siya isipin mo may trabaho na siya, mataas pa ang sweldo tapos,

Ehem, yummy pa yung boss niya.

Patuloy lang siya sa pagtawa habang napapahawak sa kanyang pisngi. Walang salitang kayang magdescribe sa nararamdaman ngayon ni Rhian, kung makikita mo siya ngayon hindi mo mafifigure out kung masaya nga ba siya o kinikilig.

"Hihihi...Hahahahaha." Sabi ni Rhian habang umiiling-iling at abot langit ang ngiti.

"Anong problema ng babaeng 'to?" Tanong ni Ralph habang nakadekwatro at nakatingin kay Rhian.

"Last time I saw her she was crying inside the chapel for some stupid reason now I came back she's laughing I bet this is for some stupid reason again." Sagot ni JC habang nakatingin kay Rhian na patuloy lang sa pagtawa. Agad namang inapakan ni Ralph si JC.

"What the—"

"Nasa Pilipinas ka na magtagalog ka." Bulong ni Ralph.

"Seriously Ralph, until now?"

"Hihihi." Pagtawa ulit ni Rhian. Napabuntong-hininga si Ralph. Kinuha niya ang kutsra at tsaka binato kay Rhian, sumakto naman ito sa ilong niya.

"ARAY! MASAKIT HA." Sigaw ni Rhian sabay hawak sa kanyang ilong. Nakita niyang natawa ng marahan si JC at si Ralph naman halos hindi na mapinta ang mukha.

"Batuhin kaya kita ng pinggan ha." Pagpatuloy ni Rhian sabay hawak sa pinggan.

"Eh kung patayin kaya kita gamit 'tong tinidor na 'to. Tatawagin mo kami dito sa North Park para ano? Titigan ka namin habang tatawa-tawa ka dyan mukha ka kayang timang." Inis na sabi ni Ralph. Tumango naman si JC sa sinabi nito. Napairap si Rhian at napahawi sa kanyang buhok. Kahit kailan nga naman no killjoy 'tong magbest friend na 'to. Masama bang maging masaya? Isip ni Rhian.

"Eh bakit kasi 'di ka umorder ako pa ba oorder para sa'yo? 'Wag mong sabihing hindi mo maintindihan yung menu kasi English." Pang-aasar ni Rhian. Bigla namang natawa si JC. Napalingon si Ralph kay JC at tiningnan ito ng masama kaya bigla naman itong napatigil.

"Bakit mo ba kasi kami pinatawag dito? Bakit sa North Park pa pwede naman sa Jollibee." Sagot ni Ralph sabay kuha at basa sa menu.

"Tsk tsk. Hay nako Ralph. Alam o ikaw 'yung pinakamayaman sa atin dito pero ikaw rin yung pinaka-kuripot. Hindi ko gets promise."

"Hindi ko rin gets pagkatao mo. Promise." Pabalang na sagot ni Ralph. Gusto pa sanang sumagot ni Rhian at asarin pa lalo si Ralph pero naalala niyang good mood nga pala siya ngayong araw. Hindi dapat mastress ang beauty niya dahil sa kaibigan niyang hindi mahilig mag English at isang malaking torpe ng Makati. Napapikit na lang si Rhian minasahe ang kanyang noo sabay hinga ng malalim.

Tinitingnan lang siya ni JC habang nakakunot ang noo.

"Di ko kayo pareho gets. Kung walang Abie si Ralph I would have assumed magkakatuluyan kayo in the end." Bulong ni JC sabay iling at tingin sa menu. Agad naman napadilat at napatingin si Rhian sa kanya. Ngumiti si Rhian at hinawakan ang menu.

"Alam mo JC namimiss ko 'yung mga panahong hindi ka nagsasalita." Pasweet na sabi ni Rhian habang nakangiti at binabasa ang menu.

Ngumisi si JC. "Alam mo Rhian, hindi kita namimiss at all." Sagot niya.

"ISA KA PA RIN NO GUSTO MO RIN BANG BATUHIN KITA NG PLATO. KAJIRITS KA NG FESLAKES MAHABAG VERZOSA JUSKO LORDE." Natawa naman ang dalawang lalaki. Minsan talaga past time na nilang dalawang asarin si Rhian kasi biglang kung anu-ano na lang ang sinasabi nito. Napasinghal si Rhian at binaba ang menu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Babae Po AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon