Chapter Two

8.3K 348 76
                                    

“Pre ayos ka lang?” Tanong ni Ralph. Nanganak na si Noneen at nasa kwarto na ito; natutulog. Syempre, dahil sa sobrang pagod, hindi nga naman biro maglabor ng 6 na oras. Si Ralph, Abie at JC ay nasa loob ngayon ng kwarto ni Noneen habang si Lawrence ay sinamahan si Rhian sa nursery, hindi kasi niya ito nakita sanhi kung bakit ngayon nakaupo si JC sa sulok habang may hawak na ice pack na nakadampi sa kaliwang pisngi nito.

Sinuntok lang naman siya ni Rhian kanina sa may garden.

Tahimik lang si JC na nakaupo. Di na rin ito makapagsalita. Ang sakit kasi ng nararanasan niya ngayon. Aba lintek nga naman no. Nagmamagandang loob lang siya tapos siya pa ang nadisgrasya.

“Sorry pare, akala ko medyo nawala na ang pagiging notorious ni Rhian kaso…” Sabay kamot sa ulo at tingin kay JC. “…hindi pa pala.” Tumango na lang si JC. Nakalimutan kasi niya na huwag maliitin si Rhian, binigyan nga pala siya nito ng black eye dati nung college pa sila.

“Isang linggo na ‘yung In ‘n Out ha.” Bulong nito.

“Di ba pwedeng tatlong araw na lang? Di pa ako sumusweldo.” Tanong ni Ralph. Totoo nga naman, sa katapusan pa ulit ang sweldo niya.

“Ulol mo, ikaw nga ‘tong pinakamapera sa kwarto ngayon.” Sagot ni JC. Totoo rin ‘yon. Kung alam nyo lang kung magkano ang sinusweldo ni Ralph pwera pa dito ang mga bonus.

“Sige na nga!!” Bumukas naman ang pinto at pumasok si Lawrence. Nakita nilang may dala-dala itong pagkain at inabot sa kanila. Agad naman kinuha ito ni Ralph dahil nakita niyang Burger King ang dala ng kapatid. Haay, umuulan ata ng burger.

“Oh asan si Rhian?” Tanong ni Ralph. Nagkibit-balikat na lang si Lawrence at tsaka tumabi sa asawa.

“Sabi niya iiyak lang daw siya sa chapel.” Sagot ni Lawrence. Napatingin naman silang tatlo kay Lawrence. Napakunot ang noo ni JC habang si Abie naman natulala lang kay Lawrence at si Ralph ayon nakanganga, dapat kasi isusubo na niya yung burger eh.

“A-ano? Iiyak sa chapel?” Naguguluhang tanong ni Abie. Nakakapagtaka naman kasi bakit iiyak yon sa chapel? Anong dahilan? Sa sobrang tuwa?

Ha?

Babae Po AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon