Chapter Four

9.4K 400 139
                                    

“Breathe in, breathe out. Oh my god.” Bulong ni Rhian sa sarili habang nakatingin sa salamin. Ngayon na kasi ang final interview niya at ngayon niya malalaman kung magkakaroon siya ng trabaho o uuwi siyang luhaan at kakain nanaman siya ng nakachopsticks. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang mukha at inayos ang buhok.

“This is it Rhian. Go go go gurl, keribels mo to teh! Just trust in inang bathala and everything will go zoom zoom!!” Words of encouragement nito sa sarili. Tumango ito at ngumiti sa salamin.

“Haay.” Buntong-hininga nito. “Ang ganda ko talaga. Shet! Okay bye mirror this is it!!” Sabi nito sa sarili at sa salamin. Lumabas na siya ng banyo at tsaka kinuha ang bag at lumabas ng apartment niya. This is it na talaga. Pumara siya ng taxi at sinabi kung saan siya paparoon. Ngumiti ito at tinapik ang pisngi.

“Wish ko lang pegasus papalu true chizmax itey!!” Sabi nito sa sarili. Napatingin naman ang driver sa kanya at napakunot ang noo.

Ano daw?

“Haish.” Tiningnan naman ni Ralph ang phone at napailing. “Grabe ha!! Isang linggo na kaming di nagkikita tas ni isang araw nung isang linggo na ‘yon di man lang niya ako tinawagan o tinext. Ibang klase.” Sabi nito sabay lapag ng phone sa tabi niya. Nakaupo ito ngayon sa sofa niya. Mamayang hapon pa ang pasok ni Ralph ngayong hapon kaya eto siya ngayon. Nakaupo sa sofa niya habang pinipilit tawagan si Abie.

Isang oras na niyang ginagawa ito.

“Hindi ba niya ako namimiss? Anong klase ba ‘tong babae na ‘to? Sa gwapo kong ‘to natiis niya ako ng isang linggo? Ang kapal ng mukha.” (A/N: Mas makapal mukha mo actually pasalamat ka gwapo ka) Sabi nito sabay singhal. Napakmot naman siya kanyang ulo at napakagat ng labi. Di mapakali si Ralph, ano ba kasi meron at natiis siya ng babaeng ‘yon ng isang linggo? Dati tatlong araw lang siya kung tiisin nito pero hindi eh. Ngayon umabot ng isang linggo!! Seven days!! 168 hours!! 10080 minutes!! Wag nyo nang tanungin kung ilang segundo di na kaya ng powers ko.

Ralph naman kasi, baka busy. Alam mo namang in demand na architect ‘yang si Angela.

 

Eh miske ba in demand siya dapat magtext man lang siya!! Di man lang niya ako kinamusta!!

Ralph naman, napakapaimportante mo naman.

Babae Po AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon