Chapter Five

5.6K 284 90
                                    

"You must be Marian Navarro right? Come in, I've been waiting for you."

Agad namang sinundan ni Rhian ang boss niya. Oo boss na talaga agad dahil itsura pa lang ng lalaking nasa harapan niya ay parang ayaw na ata niyang umalis sa building na 'to. Napakapogi naman kasi no! Tapos yung boses lang, pakshet teh!! As in pakshet talaga. Tapos yung amoy pa nito shems kung di nga mamasamain gusto atang isipin ni Rhian na nagpapapogi ito sa kanya pero syempre charot lang.

Di pa nahihire feeler na agad. Hehehe

Umupo ito sa kanyang swivel chair na kulay black at sumandal.

"Please sit, make yourself comfortable." Sabi nito kay Rhian sabay turo sa upuan sa harapan niya. Ngumiti lang si Rhian at umupo sa kanan. Sa totoo lang tuod na tuod si Rhian, hindi niya maalis ang tingin sa mukha ng boss niya, sobra kasing gwapo at tsaka para bang pamilyar ito sa kanya. Feeling ni Rhian nakita na niya ito kung saan man o dati. Napakunot pa nga ang noo niya habang maiiging tinititigan ang mukha ng boss niya, pilit inaalala kung sino ang natatandaan niya sa mukhang ito.

Napataas naman ang kilay ni Patrick. Kung di nyo naitatanong medyo nakakailang yung pagtitig ni Rhian sa kanya ngayon. Seryoso kasi ang tingin nito habang papalapit ang mukha, para bang lumalapit upang matingnan siya ng mabuti. Nakaramdam siya ng kaba at napaisip siya. May naalala ba siya sa akin? Isip ni Patrick. Agad naman siyang umubo at napa-iling bigla si Rhian, medyo nagising sa kanyang pagmumuni-muni.

"Is there a problem?" Tanong ni Patrick. Napa-iling lang si Rhian at napakagat ng labi niya.

"Sorry sir, wala po. May naaalala lang po ako...sa inyo." Sagot ni Rhian. Napalunok naman si Patrick, para bang bigla siyang naging balisa sa huling parte ng sagot ni Rhian. Ngumiti siya ng pilit at tinaas ang kilay.

"What do you mean?" Tanong nito.

"May naalala po talaga ako sir sa mukha nyo, para bang nakita ko na kayo before." Napapikit si Rhian at napahawak sa noo niya. Pilit na inaalala kung sino ba ang natatandaan niya kay Patrick. Tinitigan lang si siya ni Patrick habang siya naman ay napapapadyak na. Ilang segundo rin ang lumipas nang biglang

"AYON NAALALA KO NA!" Sabay turo kay Patrick. Para naman nagulat si Patrick sa bigla nitong pagturo sa kanya. Habang pinipigil ang hininga, ngumiti lang ito. Hinihintay kung ano man ang sasabihin ng babae sa harapan niya ngayon.

"Kamukha nyo sir yung bidang lalaki sa My Love from the Star!" Masiglang sabi nito habang nakangiti. Bigla namang nakahinga ng maluwag si Patrick sa sinabi ni Rhian. Muntik na. Isip nito. Natawa naman ito ng marahan at napakibit-balikat.

"Well, I always get that comment I think. The actor must be flattered." Pabirong sagot ni Patrick. Ngumiti lang si Rhian at medyo nahiya. Yung enthusiasm naman kasi niya sa sagot niya para bang bata na binigyan ng candy.

"Pero sir, pareho kayong pogi. Siguro mas pogi ka ng isang paligo." Sambit ni Rhian na agad naman niyang pinagsisihan. Napatakip siya ng bibig at nagkatinginan sila. Sa totoo lang gustong tumawa ng malakas ni Patrick, wala pa ring pinagbago si Rhian.

"Sir I mean-"

"It's okay. It's okay. Shall we start the interview?"

Tumango naman si Rhian. "Yes sir."

"First and foremost, how sure are you that you want this job? Being the executive assistant?" Tanong nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Rhian.

Ngumiti si Rhian. "Well, I cannot think of any-"

"What makes you think you can be an executive assistant of this company?" Direstong tanong ni Patrick. Tumigil ng sandali si Rhian at para bang kinabahan ng konti. Mukhang mag-iiba na ata aura nung lalaking 'to. Ngumiti lang ulit si Rhian.

"I am aware and well-known to the capabilities this company is finding for. I know my strong points and I am confident to say that it fits all the qualities this company is demanding an applicant to have." Sagot ni Rhian. Tumango naman si Patrick at sumandal sa kanyang upuan.

"And what are these strong points?"

"I'm an organized person, I stand up to my words and my responsibilities, I am technology and research literate and most of all I have a very flexible personality and excellent interpersonal skills which means I can work with all the management levels with a well performance."

"Does your communication skills extent to the foreign or out of the world languages?" Biglang tanong nito.

Isang malaking quesiton mark naman ang mukha ni Rhian. Ha? Ano daw? Anong connection nung out of the world languages? Ano yon ailen?

"Pardon me sir?" Tanong ni Rhian. Tumawa ng marahan si Patrick at umiling.

"Nothing, nevermind." Sagot nito. Wew out of the world din mga questions mo no. Isip ni Rhian.

"Anyway. Just a few more questions to see if you are really fit for this position." Sinarado ni Patrick ang folder at nilagay sa desk niya. "So Marian, do you have a boyfriend?"

Para namang huminto ang mundo sa narinig niya.

Boyfriend?????????????

Gustong matawa sana ni Rhian pero dahil job interview 'to bakit kelangan pang itanong yon??????

"Eh?" Yon lang ang lumabas sa bibig ni Rhian. Tumaas ang kilay ni Patrick.

"Didn't you hear my question? I asked you if you have a boyfriend? Para malaman ko kung mayroon kang ibang bagay na dapat pang paglaanan ng oras, so the workload I'll give you for the day wouldn't meddle that much with your personal life." Seryosong sagot ni Patrick. Hindi rin maintindihan ni Rhian kung anong mararamdaman niya, kung magfefeeling maganda ba siya at mag-aassume na trip siya ng boss niya or kung ano man yung appropriate na maramdaman niya ngayon.

"Marian?"

"Wala po sir." Sadly. Gusto niyang idugtong.

"Okay, are you willing to do extra workload I might assign you at unlikely times, you know emergency or stuff?"

"Yes sir."

"So you will do it?"

"Yes sir."

"Good. 30 thousand pesos. Is that enough starting for you?"

"Yes sir...what 30 thousand pesos????????" Biglang napataas naman ang boses niya. Agad rin naman nagsorry si Rhian. 30k for starting??? Shetbols mga beks, parang di ata nakeri ng dyosa niyong bida yon.

"What?" Tumaas naman ang kilay ni Patrick. "Nabababaan ka ba?"

"Hindi ang taas nga eh!!!"

"Ah so ayaw mo?"

"Di ah! I mean no sir sorry I'm super good with it. Like really really good with it god bless you." Mahinahong sagot ni Rhian. Di siya makapaniwala, jusko if ever na hired na siya agad niyang susugurin si Papa Lawrence at pupunasan niya ito ng panyo at ipagdadasal sa poong nazareno.

Natawa naman ng marahan si Patrick at tumango. "Well then, you're hired. When can you start?" Napangiti naman ng pagkalaki-laki si Rhian. Shet papa lawrence ang laki mong blessing.

I'M HIRED??????????????????????

"As soon as possible sir." Masigla niyang sagot kay Patrick.

"Good. Your training starts tomorrow. Be here on time okay?" Tumango lang ito ng paulit-ulit habang may pagkalaki-laking ngiti.

"Yes sir. Thank you!!!"

Babae Po AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon