Chapter Three

8K 317 33
                                    

"Pinapunta mo ba ako dito para panuorin kang kumain ng sadamukal??" Reklamo ni Ralph habang nakadekwatro at nakatingin ng seryoso sa kanya.

Nasa Tokyo Tokyo sila ngayon, dahil sa 'di maaya ni Rhian si Noneen na samahan sya at si JC naman ay 'the number you dial is not in service' ang drama, wala syang choice kung di tawagan si Ralph para samahan sya sa ritual niya tuwing nabwibwisit sya o masama ang loob sa mundo.

Ang kumain ng nakachopsticks.

Kung di nyo maitatanong hindi talaga sanay na sanay si Rhian gumamit ng chopsticks, nabwibwisit lang sya sa paggamit nito. Ang katwiran niya: aanhin mo pa ang chopsticks kung meron namang kutsara at tinidor. Kung baga, what's the point of making yourself suffer? Chorvaneness!! Ika niya.

Pero pag bwisit siya sa mundo (actually yung definition nya ng mundo ay isa o dalawang tao lang) bigla silang nagkakasundo ng chopsticks. Feeling kasi nito bawat tusok ng chopsticks ay parang bawat saksak sa taong kinaiinisan nya at kada subo ay ang pagkamatay nito.

Yup, medyo morbid si Rhian in a way.

"Wara nahm ahn karshi ahkoh shinabi fanurihn moho rang ahkoh." Sabi ni Rhian habang puno ng pagkain ang bibig.

"Ha?" Tanong ni Ralph dahil naguluhan siya sa sinabi nito. Nilunok naman ni Rhian ang nginunguya nitong pagkain at tsaka uminom ng red ice tea.

"Puta sabi ko kumain ka na lang!!" Inis na sagot nito at tsaka sinumpak ang buong tempura sabay kanin. Di malaman ni Ralph ang gagawing reaksyon sa itsura ni Rhian ngayon. Hindi mo malaman kung may laban ba ng pabilisan makaubos ng bento ngayon.

"Sus, ayoko. Baka pabayaran mo lang sa akin yung kakainin ko. Wag na." Sagot ni Ralph. Agad syang binato ng chopsticks ni Rhian.

"Hago!" Nguya. "Pfuwede bah." Nguya. "Wug kah nuh lahang." Lunok. "Maarte binayaran ko na 'yan lamon na bili!" Sabi nito. Napabuntong-hininga na lang si Ralph. Eh wala rin naman syang magagawa di ba? Tsaka masarap pa naman itong inorder ni Rhian. Kinuha ni Ralph ang chopsticks at tsaka inalis ang balot nito at pinaghiwalay.

"Itadakimasu." Bulong nito. Napatingin naman si Rhian sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Ano bang sinasabi ng abno na 'to? Isip ni Rhian. Nagpatuloy na lang ito sa pagkain ng bento niya. Kung di nyo maitatanong tatlong bento, isang ramen, dalawang 8 pc California Maki ang inorder nito. Yup, hindi sya gutom.

"Bakit nga pala ako inaya mo ngayon? Hindi na lang si JC o si Angela? Kaclose mo rin naman 'yon ha." Tanong ni Ralph.

"Angela?" Napahinto si Rhian sa pagkain at nagtanong.

Babae Po AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon