"Karla, nasa labas si Ian. Hindi ko alam na pupunta siya."
Tumango lamang ako bilang tugon sa binalita ni Jade. Aaminin ko na nagulat ako, hindi ko alam na naka uwi na pala si Ian galing Europe. Ganun pa man ay hindi ako umalis sa aking inu-upuan.
I composed myself. Dalawang taon na rin mula noong huli kong nakita si Ian; mula noong araw na may huling nangyari sa amin na kinabukasan ay bigla na lamang itong nawala. Nalaman ko nalang mula kay mama na umalis pala ito papuntang Europe.
Whatever his reason, I didn't ask. I didn't care. It was ice-clear that he left me without a word, no goodbyes, no thank yous.
Agad kong binura sa aking isipan ang nangyari noong araw na iyon dahil ayoko nang balikan. Tama na ang sakit. Hindi na iyon mababalik pa.
"Would you mind if I sit here?" nilingon ko ang nag salita. It was Alex, he was my classmate when I was in high school and he used to court me.
"Not at all." Tugon ko naman sabay offer sa kanya sa bakanteng upuan na katabi ko. "So, how are you? Balita ko may sarili ka nang business."
"Yes. It is a retail store." Hindi nawala sa boses niya ang pagiging proud sa kung ano ang na achieve niya. "And I heard that you are now one of the best organizers here in town. At ang ginawa mo sa venue natin ngayon ay walang katulad."
I smiled. Isang taon na rin na nag o-operate ang business ko kasama ang aking pinsan at bestfriend na si Irene, sa isang taon na 'yon ay masasabi ko na maganda talaga ang naging tabok, marami na kaming naging mga clients at halos buwan-buwan ay may na o-organize kaming party. Ako ang naka toka sa children's party at sa photography, gusto ko kasi na kahit paano ay mararamdaman ko na malapit lang ako kay James, si Irene naman ang naka assign sa wedding at debut party dahil iyon naman talaga ang hilig ng pinsan ko.
"Thank you but it is more of my cousin's idea." Totoo 'yon. Si Irene ang nag suggest na gawing enchanted ang theme ng alumni nila. "Anyway, here is my card. Please call me kung may kakilala ka na mag papa-organize ng party. O kung malapit na ang birthday ng anak mo, pwedeng ako mag organize. Bibigyan kita ng discount."
Tumawa naman siya sa ginawa kong pag ma-market. "I will hire you as an agent for my company someday. I'd be delighted kung ikaw ang mag o-organize ng party ng anak ko but sad thing is wala pa akong anak. In fact, I am still hunting for a wife." Hindi ko nalang pinansin ang makahulugan niyang sinabi. Ininom ko nalang ang laman ng aking champagne glass.
Nang naubos ang laman ng aking baso ay agad akong nag-excuse sa kanya para mag refill, sa daan ay nasalubong ko si Irene kasama ang long-time boyfriend niyang si Landon. Binati ko ang dalawa at saglit na nakipag kwentuhan.
"Nakita kita sa table mo, lalapit sana ako para batiin ka pero mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo ni Alex so hindi ko nalang tinuloy." Tinawanan ko nalang ang kakaibang tingin na iyon ni Irene, iniisip siguro niya na may special kami na pagtitinginan ni Alex.
"Nag-uusap lang kami tungkol sa business. Sa totoo nga niyan ay binenta ko na rin ang business natin sa kanya para naman ma-introduce niya sa mga kakilala niya." Sabi ko nalang.
Nag excuse na ako para bumalik sa aking table, hindi ko na nakita pa si Alex doon, na bored siguro kaya naghanap ng ibang makaka-usap.
"Karla?" si Deon iyon, pinsan ni Ian na ka-batch ko sa high school. Tumayo ako at yumakap sa kanya, na miss ko siya. Ilang taon rin kaming hindi nagkita. Ang huling nabalitaan ko ay sumunod siya kay Ian sa Europe para doon ipag-patuloy ang pag-aaral. At sa ayos at tindig niya ay masasabi ko talagang naging successful ang pag aaral nito at tiyak rin na asenso na ito sa buhay. "I never thought I'd see you here."
BINABASA MO ANG
Love Me for a Reason
RomanceFriends with benefits at no strings attached.Ito ang tawag sa relasyon na meron si Karla sa bestfriend niya na si Ian. Kahit walang kasiguradohan ay pinatulan pa rin niya ang ganoong set up dahil sa pagmamahal niya sa binata at sa akala na mapapa ib...