Chapter Two

17 1 0
                                    

Present Day


Monday, late na akong naka pasok sa opisina dahil nangulit na naman si mama sa papalapit na death anniversary ni papa. Mabuti na lang at nakiusapan ko si Irene na siya na muna ang tumao sa opisina habang wala ako.

Pagpasok ko ay nakabihis at nag hahanda na rin siya para umalis. Busy din kasi siya sa pag aasikaso sa nalalapit niyang kasal. "Good morning.." bati ko sa kanya.

"Good morning. So kumusta ang pag uusap ninyo ni tita?"

"The usual. You know she always wins. Anyway, thank you for filling up for me." Humalik ako sa pisngi niya.

"No biggie. Para saan pa't naging mag business partners pa tayo? Pagkatapos ng kasal, I promise I'll make it up to you." Malambing naman niyang tugon.

"Wala 'yon. Alam mo naman na wala rin akong pinag kakaabalahan. Just get married and I'll be happy. Okay?"

We hugged each other.

"O siya, mauna na ako. And before I forgot, may customer nang naghihintay sa'yo."

May customer na pala. Dali-dali akong pumunta sa aking opisina.

"I'm sorry for keeping you, may emergency lang kasi. Family ma-," hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin nang makilala ko ang aking customer.

What the hell is he doing here?

"What are you doing here?" tanong ko kay Ian.

"Is that how you treat a customer?" sarkastiko niyang tanong.

I sighed and went to my desk. I stole a glimpse at him. Puti ang suot niya na sweater at running pants. Napansin ko rin ang medyo basa pa niyang buhok. Siguro bago lang ito natapos mag gym.

"I ran." He said as if he knew what I was thinking.

Hindi ko nalang iyon pinansin. I cleared my throat and sit.

"So what can I do for you?"

"May problema ba kayo ng pamilya mo?" he asked.

I looked at him. Seryoso ba siya? Anong pakialam niya sa pamilya ko? Surely he wouldn't be that interested.

"It's no big deal." I tried to focus myself in the papers I was checking, I couldn't let myself be distracted by his stare.

"Try me." Muli akong tumingin sa kanya. Seryoso nga siya.

"Okay then. Pinipilit ako ni mama na umuwi sa amin para sa death anniversary ni papa this weekend." Hindi ko na pinansin ang naging reaksyon sa mukha niya.

"I'm sorry." Narinig ko na lamang na sabi niya.

"Thank you pero okay na ako."

"I should've been there. Alam ko kung gaano mo kamahal ang papa mo."

Mapait akong ngumiti. Kasabay ng pagkamatay ng papa ko ay ang pagka sakit din ni James kaya hindi ako nakapunta sa lamay at sa burol. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, hindi ko kayang iwan ang nagiisang tao na nagbigay sa akin ng rason para patuloy na mabuhay. Pero ilang araw din pagkatapos ng burol ni papa ay namatay si James sa sakit na dengue. Gumuho ang mundo ko noon.

Nakuyom ko ang aking kamao sa naalala. Napatingin ako sa larawan ng anak ko sa aking mesa, mag ti-three years old na sana siya ngayong September, pinigilan ko ang aking sarili na umiyak. Tumingin ako kay Ian, kamukhang- kamukha niya ang aming anak. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung makikita niya si James? Pinaalala ko ang aking sarili na minsan na rin niyang hindi kinilala ang anak namin noong buntis pa lamang ako, hindi ko makakalimutan ang sinabi niya na nag sisinungaling lang ako at ginawa ko lang daw iyon para balikan niya ako. Na desperada lang ako na balikan niya.

Love Me for a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon