Past
Nagising ako sa sumunod na araw na naka unan sa dibdib ni Ian, ibang saya ang naramdaman ko sa oras na iyon. Pakiramdam ko ay safe na safe ako.
Tinitigan ko ang mukha ni Ian. Kahit saang anggulo ay napaka gwapo talaga nito. I traced my fingers through his jawline, I felt his teeth clenched as he slowly opened his eyes.
"Morning." bati ko sabay halik sa kanyang pisngi.
"Morning." naaantok pa niyang tugon. "What time is it?"
"Mag a-alas nuwebe na."
"What?" bulalas nito sabay tayo at dahan-dahang nagbihis. "Bakit ngayon mo lang ako ginising? Alam mo naman na may exam pa ako, diba?"
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko na binalewala lang ang kanyang pag susungit.
"Hindi na. Mali-late na ako,eh. Tapos magkikita pa kami ni Ch-." hindi na niya natapos ang iba niyang sasabihin nang marealize niya na ako ang kanyang kausap.
Pilit akong ngumiti. Ayokong masabi niya na affected ako pero hindi ko rin naman naiwasang isipin na kahit paano ay concern din pala siya sa feelings ko.
"Pupunta din ako sa school mamaya. May exam pa din kasi ako. Kita na nalang tayo. Dito ka ba mag di-dinner?"
Umiling ito. "Pupunta si mama mamaya,eh. Mag di-dinner daw kami."
"Ganun ba. Sige."
Alas dos nang hapon ako pumunta sa school. Nasalubong ko sa daan si Angelo, mukhang malalim ang iniisip nito. "Okay ka lang? Parang ang layo ng iniisip mo, ah." Bungad ko sa kanya.
"Okay lang ako. Mine-memorize ko lang ang napag-aralan ko."
Sabay na kaming pumasok sa room. Alas tres ng hapon ko natapos ang aking exam sa Chemistry, naunang natapos ni Angelo ang kanyang exam kaya hinintay niya ako sa labas ng room, napag kasunduan kasi namin na pumuntang mall para icelebrate ang aming final exam. Pagkatapos naming mamili ay dumiretso na kami sa isang sikat na kainan sa loob ng mall. Papaupo na kami ng may tumawag sa amin.
Si Chloe.
Muli na namang nanikip ang aking dibdib nang makita kong kasama nito si Ian. Nagulat din siya nang makita niya ako, pero nang dumako ang paningin niya kay Angelo ay bigla na lamang nagbago ang timpla ng kanyang mukha. Hindi ko na lamang iyon pinansin, sinenyasan namin sila na sa ibang upuan na lamang kami ni Angelo pero mapilit si Chloe kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang.
Si Chloe at si Ian na ang umorder ng aming pagkain, habang naghihintay sa aming mga order ay nag kwentuhan kami ni Angelo tungkol sa aming exam.
"How's your exam?" maya-maya ay tanong ni Ian.
"It was fine." Si Angelo ang sumagot.
"I wasn't talking to you." Parang napahiya naman si Angelo sa tinuran na iyon ni Ian. Masama ang tingin ni Ian ng tumitig siya sa akin. I know he wanted me to answer pero umandar ang pagiging maldita ko. Naalala ko kasi ang kasinungalingan na sinabi niya sa akin.
Kasama ang mama mo, ah. Napa isip ko na lamang sabay irap sa kanya.
Hindi na kami tumagal pa ni Angelo. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam agad kami na umalis. Sinabi naming mag si-sine pa kami at kagaya ng aking ini-expect ay nakita ko ang pagka inis sa mukha ni Ian na agad namang napalitan ng galit. Hindi ko siya maintindihan, bakit siya pa itong nagagalit, e, siya na nga itong nag-sinungaling sa akin.
Pagkalabas namin ni Angelo sa mall ay dumiretso na itong umuwi samantalang ako ay bumalik sa loob upang libangin ang aking sarili. Ilang oras din akong tumambay sa bookstore, nang makaramdam ng pagka bored ay umuwi na rin ako. Pagka pasok ko sa aking apartment ay nagulat na lamang ako ng makita ko si Ian na nakaupo sa sofa at mukhang galit.
BINABASA MO ANG
Love Me for a Reason
RomanceFriends with benefits at no strings attached.Ito ang tawag sa relasyon na meron si Karla sa bestfriend niya na si Ian. Kahit walang kasiguradohan ay pinatulan pa rin niya ang ganoong set up dahil sa pagmamahal niya sa binata at sa akala na mapapa ib...