Alexus 87.5: Missing Piece

210 18 3
                                    

Manchu's POV

Kanina pa ako tingin nang tingin sa cellphone ko at sa mga taong nasa paligid ko. Maingay ang paligid pero hindi ko man lang magawang umalis dahil ang saya sa pakiramdam na nakabalik na ulit ako sa special house ko—ang casino! Hihihi!

Ngumuso ako pagkatapos dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang stress ko. Ngayon ko nga lang din naramdaman na nasa Pilipinas na talaga ako. Huhu.

Wala na 'yung snow at autumn. Hindi na rin ako makakagala ng malaya at makakakain ng mga gusto ko. Limited na rin ang money ko. Hindi kagaya do'n na card lang ang gamit ko.

Seryoso na ba 'to?

Ang gulo naman ng nararamdaman ko. Masaya na stress na hindi ko maintindihan!

Bumalik ako sa realidad no'ng maramdaman ko na naman 'yung nanginginig sa bulsa ko. Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko pero hindi ko na lang pinapansin.

Wala akong ganang kausapin si Daddy at pabigat lang din naman ako sa kanya kaya wala ring silbi ang paghahabol niya sa 'kin.

Ayoko ring manahin ang business niya dahil lang sa nag-iisa akong anak! Nooo waaay!

Tumingin ako sa paligid at sinisipat ang bawat taong tumitingin sa akin o 'di kaya 'yung mga taong may hawak ng cellphone. Kanina pa kasi ako hindi mapakali. Para bang may nakatutok sa 'kin kahit hindi ko naman nakikita.

Mapurol na ata ang senses ko simula nang magkaanak ako.

Nanlaki ang mga mata ko at napasapo ako sa noo. Oo nga pala! 'Yung anak ko!

Tumayo ako bigla kaya napatingin sa akin ang mga katabi ko rito sa casino na pinuntahan ko.

"Ma'am?"

Ngumiti lang ako at nagmadaling umalis dito. Marami pa nga akong nababangga pero sa susunod na ako magso-sorry kapag nakita ko ulit sila. Kung makikita ko man sila.

Hinanap ko kaagad ang big bike ko at napangiti. Ibinigay 'to sa 'kin ni Wine kagabi dahil simula nang umalis ako ay binawi ni Daddy lahat ng ibinigay niya sa akin kasama na ang Toy Shop ko para lang pabalikin ako.

Ang kaso ay hindi ko naman ipagpapalit ang anak ko para sa mga materyal na bagay!

Natutunan ko lang 'yun nang maipanganak ko ang baby ko.

Sumakay na ako at mabilis na pinatakbo ang motor pero nirerespeto ko pa rin naman ang traffic rules kaya wala akong naging violation. Medyo malayo rin ang condo mula sa casino kaya minsan ay naiirita ako kapag nakikita ko si Zeus kahit na hindi naman niya kasalanan 'yun.

Kung gusto niya ako, dapat ibigay niya rin sa 'kin ang gusto ko! 'Yung malapit sana sa casino na apartment! O 'di kaya, hindi niya talaga ako gusto? Na napilitan lang siya dahil nagkaanak kaming dalawa?

Umiling ako at nagpokus sa pagda-drive. Nasi-stress lang ako lalo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung gusto niya ako o hindi. Minsan sweet, minsan walang pakialam.

Ano nga ba 'yung sweet na ginawa niya sa 'kin? Hmmm... gaya na lang nang pagluto niya ng umagahan. Sweet kaya no'n! Siya din ang naglo-laundry ng mga labahan namin. Ah! Mayro'n pa! Binibili niya din 'yung mga gusto namin ng anak ko na laruan.

'Di baaa? Ang sweet!

Napansin ko ang sasakyan ni Zeus sa dulo kaya nag-park ako sa tabi nito. Para naman akong binuhusan ng tubig no'ng hawakan ko ang kotse niyang malamig. Sumaglit lang naman ako pero hindi ko alam na mauunahan pala niya akong umuwi.

Mukhang kanina pa siya nandito.

Ilang beses kong gigil na pinindot ang button ng elevator sa labas hanggang sa loob nito nang makapasok ako.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon