Alexus 62: fOreVER

1.2K 51 14
                                    

Azel's POV

Nakapahalumbaba lang ako rito sa library dahil wala yung ibang professor namin kasi nabigyan ata sila ng ticket patungong ibang bansa.

Sa pagkakaalam ko, si Miss Shana ang nag-utos nun kay Miss Zoe. Hindi ko na alam ang dahilan nila kasi wala rin naman akong mapapala kung malalaman ko man.

"Gumiling ka sa harap ko, Gabrielle."

Mabilis akong napailing nong maalala ko yon. Akala ko talaga gagawin ko yon pero nagbibiro lang daw siya sabi ni Miss Crystal sakin. Hindi raw kasi ganong babae si Miss Shana. Ang naaalala kong sinabi niya, mas malala pa raw siya sa inaakala ko.

Bumuntong-hininga ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung pumunta kami ng Japan. Na-enjoy ko yung lugar at medyo nagiging close ko na rin ang ibang mga Tree dahil nagkasundo kami sa mga bagay-bagay.

Naalala ko pa nun na naalimpungatan ako at nakita ko si Miss Shana na naka-upo sa tabi ko at pinagmamasdan ako ng tahimik. Akala ko nananaginip ako pero totoo pala. Hindi raw kasi siya makatulog kaya sinamahan ko muna gumala dahil hindi na rin naman ako makatulog nun.

Nauna rin kaming umuwi rito sa Pilipinas kasi marami pa raw siyang gagawin. Si Shaw lang ang kasama namin kaya mukhang importante nga talaga ang pag-uwi namin.

Si Frances naman, nag-out of town. Medyo nababaliw na ata at pumunta rin ng Japan. Hindi para gumala, para higaan yung kama kung saan natulog ang Alexus. Kama lang nung tinulugan nina Miss Shana at Miss Yuki ang pinunta niya ron kaya napapailing ako. Fan na fan talaga siya.

Wala pa akong natatanggap na tawag pero mukhang nasa klase ngayon si Miss Shana. Nakita ko siya kanina na pagala-gala pero mag-isa lang siya at nagmamadali ata. Hindi ko alam kung bakit. Nakakapagtaka nga dahil wala siyang kasamang mga guwardiya na sundalo.

Napabuntong-hininga ako at nag-review. Kahit na walang quiz, gusto kong may laman ang utak ko. Ang dami ko pang oras na natitira at ngayon ko masasabing ang tatamad ng mga professors namin ngayon.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng library pero hindi ko ito tinapunan ng tingin. Baka estudyante lang na gustong mag-review ang pumasok.

"It's nice to see you here, Azel." Napa-angat ako ng tingin at ngayon ko lang na-realize na si Miss Zoe pala yung pumasok. Nag-flashback tuloy sakin yung Alexus.

Tumayo ako at nag-bow. "G-good afternoon, Miss Z-zoe."

"Anong ginagawa mo rito? You don't have class?"

"W-wala po."

"Oh, I see."

Umalis na siya sa harap ko at may hahanapin atang libro kaya sinundan ko siya ng tingin. Huminto siya sa pang-28th na bookshelf kaya nagtaka ako. Anong gagawin niya ron?

Umupo ako at pilit na inaalala kung bakit pamilyar sakin ang bookshelf na yun. Parang nakapunta na ako ron, eh. Bahala na nga.

Tumayo na ako at lumabas ng library. Madaming estudyanteng pakalat-kalat at mukhang wala rin atang mga klase. Bakit naman kasi nila binigyan ng ticket yung mga professors? Konti lang tuloy yung mga prof ngayon.

Kahit mainit, naglakad ako papunta sa kabilang building para makapunta ako ng cafeteria. Hindi ko kasi matagpuan si Erin. Hindi ko naman siya nakita kanina.

Dumaan ako sa hindi masyadong dinadaanan ng mga estudyante at sa pagkakaalam ko may mga abandonadong classrooms dito. May namatay na kasi rito.

Hindi ako chismosa pero marami raw kasing mga grupo rito sa university. Iba't ibang grupo pero hindi naman siguro nabibilang ang Alexus doon kasi unang-una, hindi nag-aaral dito yung iba. Pangalawa, hindi sila mamamatay tao. Pangatlo, gusto nila yung na-e-expose sila.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon