Alexus 79: Rules

1K 52 50
                                    

Shana's POV

"Second, nasa likod mo!" Rinig kong sigaw ni Hermione, nagmura pa siya pagkatapos at rinig namin ang mabigat niyang paghinga. "Hindi pa tayo kasal kaya ingatan mo ang sarili mo!"

"Eighth, shut up. Ang cringey!" Naiinis na sabi ni Zoe kaya natawa ako.

Ang cringey naman kasi talaga. Kailan ba natutong bumanat si Hermione?

"Sinusundan mo na ang yapak ni Fourth, Eighth." Komento ni Wine.

"Nagmana kaya ako sa 'yo." Maangas na sabi ni Hermione

Narinig ko ang bungisngis ni Yuki. "Mother Fourth, are you there?"

"Huwag kayong maingay. Nagko-concentrate ako." Ini-imagine ko tuloy kung paano 'yong concentrate na sinasabi ni Crystal. Parang imposible naman ata 'yon.

Naglalakad ako paakyat sa third floor no'ng may makasalubong akong kalaban kaya binaril ko ito sa mukha. Naningkit pa ang mga mata ko no'ng nagkalat ang dugo niya sa buong katawan ko.

Hindi man lang siya nagsabing mag-iiwan siya ng bakas sa akin.

"Fifth, are you alright?" Tanong ni Rai kaya tumango-tango ako. "Okay, good. I'm already here inside of the control room."

"Bantayan mo ang location ko, Tenth." Dinig kong sabi ni Kaya na tumatawa. "Wait, hindi ko maipasok 'yong magazine."

"Anong nakakatawa ro'n? Nag-aagaw-buhay na nga tayo rito! Aw, sh*t!" Sigaw ni Crystal at napapikit ako sa lakas ng tunog ng baril niya. "Sandali, pwede ba?! May kausap ako rito tapos gugulatin mo ako?!"

"F*ck, my ears!" Sigaw ni Rai.

"Sorry na!" Natatawang sabi ni Crystal. "Isa lang naman, eh."

Pinatay ko ang device na nasa tainga ko dahil hindi lang isa ang pakakawalan ni Crystal na bala. Masakit sa tainga bumaril si Crystal na akala mo bazooka 'yong hawak niya. Tinignan ko ang likod ko no'ng makaakyat na ako at bumuntong-hininga ako dahil isang oras na kami rito pero hindi pa rin namin mahanap 'yong pinapahanap ni Kaya. Isa siyang matangkad na lalaking naka-suit at pinaghahanap siya ng mga pulis. May impormasyon daw na 'yong lalaki lang ang nakakaalam kaya heto kami, iniikot ang apat na palapag na bahay.

Nakita ko si Manchu sa hindi kalayuan. May hawak siyang kutsilyo at pinagtataga niya sa ulo ang lalaking wala nang buhay na nakahiga sa sahig. Napahinto ako no'ng makaramdam ako ng kirot sa ulo ko.

Sorry. Ituloy mo lang. Hindi ako mangingialam. Dinig kong sambit ni Shan. Hindi ko akalain na coconscious ako ngayon dahil alam niyang nangyayari 'to at nanunuod lang siya.

"Matatapos na rin ako kaya hangga't maaari ay lumayo ka sa akin." Sabi ko kay Shan.

Hindi ko kaya, Shana. Gusto kong pumatay katulad nang ginagawa ni Manchu. Nagtatampong sabi ni Shan.

Hindi ko na siya pinansin at nilabanan ko ang kagustuhang mahuli ang pinapahanap sa amin. Hindi naman ako ang naka-assign sa mga alagad no'ng lalaking hinahanap namin kaya ilan lang ang napatay ko ngayon.

 Nagulat ako no'ng tumingin sa akin si Manchu habang tumutulo ang mga luha niya sa mukha niya. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at pinigilan ang kamay niyang sasaksakin ulit 'yong lalaking patay na.

"Stop. What's your problem? May hinahanap tayo." Awat ko sa kanya dahil parang wala siya sa katinuan.

"F-Fifth, hindi ko na kaya." Bumuhos na ang luha ni Manchu kaya nataranta ako.

"Anong hindi mo na kaya?"

Umiling-iling siya kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya. Nilagay ko ang index finger ko sa device na nasa tainga ko.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon