Shana's POV
"Ang boriiiiinggggg!" Binagsak ni Jin ang ulo niya sa windshield kaya naningkit ang mga mata ko nung napalakas yun. "Aw."
"Ano ba kasing ginagawa niyo rito? Sa dami ng bahay niyo, sa van ko pa kayo natulog." Umirap ako dahil naalala ko nanaman.
Van ko lang ang naka-park sa condominium kanina. Nasa company yung mga kotse ko. Uutusan ko sana si Shaw kaso busy yun. Naaawa na nga ako sa kanya kasi wala na siyang tulog.
So ayun nga, pagkabukas na pagkabukas ko, limang tao kaagad ang nakita ko sa van ko. Limang lalaki na nagsisiksikan sa van ko at tulog na tulog. Nahampas ko pa si Luis kanina at tinanong kung bakit sila nasa van ko at ang sagot ng mokong, "Binabantayan ka lang namin, Boss."
Kung hindi ko pa i-bablackmail hindi pa aamin, eh. At yung totoong rason, "Natripan lang po namin. Hehehe." At ayun, hinampas ko sila maliban kay Yohan dahil ewan ko dyan. Nag-sleepwalking nanaman.
"Wala kasing thrill, Bossing. Ang tagal na simula nung nagkasama-sama kami sa iisang bubong kaya nandito kami." Nakangiting saad ni Luis kaya binatukan ko.
"Pwede naman sa bahay ko sa kabilang village, bakit hindi don?!"
"Wala kasi silang trip, Boss." Inaantok na sagot ni Steve. "Hinila lang ako ni Luis sa kama ko."
"Tignan niyo, may naistorbo pa!" Sermon ko sa kanila kaya nag-bow sila kahit antok na antok pa.
"Sorry, Boss." Chorus nilang sabi.
Naalimpungatan ata si Zeus at tumingin sa paligid. "Nasaan tayo, Boss?" Siya lang pala yung tulog na tulog kahit hinampas ko na kanina.
"Mall. Nakipagplastikan sa isang fan. Inistorbo yong tulog ko, eh." Irap ko kaya napatango siya.
"Bad yun, Boss. Hindi ka namin tinuruan ng ganyan." Sermon sa'kin ni Jin kaya nabato ko sa kanya yung magazine ko na si Yuki ang cover. "Ang ganda talaga ni Master Yuki. Hay."
"Saan tayo ngayon, Boss? May dala kang paper bag. Pagkain ba yan?" Chismoso talaga tong si Luis.
"Wala ka na bang pera at pinapakialaman mo ako, ha?"
"Pero pagkain nga, Boss?" Tanong niya.
"Oo. Papakain ko sayo tong damit na galing sa boutique ko. Gusto mo?" Tanong ko sa kanya kaya mabilis siyang umiling. "Good."
"Para kanino yan, Boss?" Tanong naman ni Steve na umupo na ng maayos. Nasa tapat kasi nila akong tatlo kaya kitang-kita ko sila.
Napatingin ako sa paper bag na nasa tabi ko at napaisip. Maski ako hindi ko alam kung bakit ako kumuha ng extra small na mga designs ko eh. "Pakiramdam ko kasi may pagbibigyan ako nito, eh."
"Kay Miss Azel, Boss? Ayieeeee!" Asar nina Jin at Luis kaya napasimangot ako.
"Kahit payat si Gab, hindi magkakasya sa kanya to." Umirap ulit ako. Ang aga-aga binabadtrip ako.
"Hindi naman siya payat, Boss. Malaki kasi yung hinaharap tapos may shape pa siya kaya nasasabing payat siya." Komento ni Zeus kaya namangha kami sa sinabi niya.
I never knew na papansinin niya pa yong katawan ni Gab.
"Anong nakain mo Zeus at ang dami mong napapansin kay Miss Azel?" Tanong ni Jin.
"Zeus, ikaw ba yan?" Tanong ni Steve na nagising na ang diwa dahil sa sinabi ni Zeus.
"Saka napansin mo pa yung dibdib niya, ah. Ang laki rin nun." Nagningning ang mga mata ni Luis kaya hinampas ko siya ng magazine na abs ni Yohan ang nandun. "Sexy ni Yohan. Shettt~ can't reach!"
BINABASA MO ANG
The Alexus: The Present (GxG)
Romance(GXG - Second Half) Dumako na sa bagong yugto ng buhay ang mga Alexus ngunit wala pa ring nakakaalam kung anong dahilan nang pagkabuo nito. Patuloy pa rin sila sa pagtulong sa mga tao at paggawa ng mga bagay sa work room. At dahil sa ngalan ng pag-i...