Alexus 67: A Trip

1.1K 55 2
                                    

Azel's POV

"Bukod sa sarili mo, ano pang kulang sa mga gamit mo?" Nakasimangot na tanong sa akin ni Frances. "Make it faster naman, Azel! Hindi na nga sasama si Erin, ganyan ka pa. Ano bang nangyari?"

"H-ha?" Napatingin ako sa kanya. "W-wala, a-ah."

"Talaga ba?"

Hindi ko siya pinansin at patuloy ko pa ring chinecheck yong listahan na hawak ko sabay tingin sa bag na dadalhin ko. Nandoon na lahat ng kakailanganin ko at sa totoo lang, limang beses ko ng chineck pero pakiramdam ko may kulang pa rin.

"Baka naman naiwan mo yong puso mo kay Miss Shana? Omyg, Azel! Bisexual ka na ba?!"

Binato ko sa kanya yong hawak kong papel dahil nang-aasar na naman siya. "Tapos na ako. Tara na."

"Awww. Ang bad." Nakangusong sambit ni Frances.

Tumayo na ako at sinabit ang bag sa balikat ko. Bigla ko tuloy naalala yong nangyari kahapon at sa hindi inaasahan, pakiramdam ko nahihiya pa rin ako. Susme. Nag-iinit na naman yong mukha ko!

Nauna na akong lumabas sa dorm at ang daming estudyanteng papaalis na rin. May kanya-kanya silang gamit at mukhang mga nakapambahay pa. May neck pillow naman ang iba na nakasabit sa kamay nila.

"Azel, I smell something fishy." Ani Frances pero hindi ko siya pinansin. "Ano ba?! Pansinin mo naman ako!"

"Kulang pa ako sa tulog. Five o'clock pa lang, oh. Maawa ka naman sa eye bugs ko."

Hindi talaga ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari kahapon. Sa tuwing papasok ako ng CR, pakiramdam ko nandoon si Miss Shana na naghihintay sa akin at balak ulit akong halikan.

Ahhh!

"How can I talk to you later kung hindi naman tayo magkatabi?! Hello! Tinabi kaya kayo ni Miss Shana!" Napahinto ako at napatingin sa kanya.

"Totoo ba yan?"

Bigla naman siyang natawa at umiling. "Hindi ko alam, eh." Natawa na naman siya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Naglakad na naman ako hanggang sa makalabas kami ng dorm. Maraming estudyanteng nakakalat sa ilalim ng madilim na kalangitan. Dito pa lang, tanaw na tanaw ko na ang mga bus na sa tingin ko... sobrang ganda...

Kasing ganda ni Miss Shana---!

Ahhh! Azeeel!

"Ang cute ng mga bus! Omyg! Tara, Azel!" Nagulat ako nung hinila ako bigla ni Frances kaya napapasabay ako sa bawat hakbang niya. Maraming tumitingin sa amin pero yumuko lang ako para hindi mapansin.

Mga ilang minuto ang nakalipas, nakarating na rin kami sa naglalakihan na mga bus. Sobrang dami non pero nagsisi-alisan na yong ibang bus.

"Dito ba talaga tayo sasakay?" Nagningning ang mga mata ni Frances.

"Saan mo ba gusto? Sa gulong o sa manibela?" Tanong ko kaya pinalo niya ako.

"Azel naman, eh!" Tumingin na naman siya sa bus kaya napatingin din ako.

Dalawang palapag ang bus at binabalutan ito ng kulay itim. Tinted pero nakikita ko ang repleksyon ng ilaw kaya masasabi kong parang salamin ito. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob dahil mukhang malaki kasi ang haba nung bus.

"Now, I'm calling the business administration department. Please fall in line." Dinig namin kaya biglang nagsi-unahan ang mga estudyante dahilan para mapalayo kami ron.

"Super haba ng pila, Azel." Nag-aalalang sabi ni Frances habang nakatingin kami sa pila na sobrang haba. Ang bilis nila. "What should we do now?"

"Hindi ko alam. Siguro pumila rin katulad nila." Nginuso ko ang mga nakapila pero sinimangutan lang niya ako.

The Alexus: The Present (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon