This is just fic po. I'm a fan vadeng peace! Trying wattpad this time. Sorry for the wrong grammars
********************
NARDA's POV
"Ate Narda! Teka yung baon mo!"
Agad ako tumigil nang marinig si Ding at mabilis naman nyang naiabot sakin yung baon ko na naka-supot pa sa plastic ng MC Mart.
"Ano ba yan Ate Narda pagagalitan ka na naman ni Lola eh! Nabenta mo nga ulam na paninda nya eh wala ka naman pananghalian!" Tawa ni Ding at bumuntong hininga lang ako ng tawa.
"Ito na nga po! Sorry naman ser kala mo mas matanda eh."
"Goodluck Ate Narda sa trabaho! Pakabait ka ate!" Yakap pa ni Ding sakin kaya mas hinigpitan ko yapos ko sakanya na halos mawalan na sya ng hininga kaya lalo akong tumawa.
Sinalubong kami ng bestfriend kong si Mara nang ganoon at nangibabaw naman boses nya sa kalye kaya lalong natawa mga marites hahaha
"Uy Bes! Group huuug?! Pasaliii!"
"Mga ateee di na ako makahinga!" Sigaw ni Ding
Pinakawalan na din namin sya pero piningot ko ilong nya. "Sige na baka ma-late ka pa sa school Ding! Aba dapat nasa Top 5 ka na ha!"
"Oo nga Ding nang maka-akyat ulit si Lola Rosi at Ate Narda mo sa stage ha!" Pahapyaw pa ni Mara at nag-abot ng isangdaan kay Ding. Kahit sawayin ko alam ko naman di pa yan papayag na hindi ibigay. Parang kapatid na din kasi turing nya kay Ding eh.
"Ayon! Thank you Ate Mara ganda mo lalo hahaha Ako pa Ate! Watch and learn iaakyat ko kayo ni Lola. Kayo lang."
Pinagpapalo ko na nga sa hita habang kumaripas na sya pabalik sa bahay at tumatawa. Labis na yung galak ko marinig lang tawa ni Ding, magandang baon na sakin yun pang-simula ng araw.
"Good morning Bes!"
"Good morning Bes!" Bati ko pabalik at matik na nya kinuha sakin yung isa pang supot ng mga order na pagkain sakin ng mga ka-trabaho namin.
"Mara sayo na dyan yung isa libre ko na. Lagi mo inaabutan si Ding nai-spoiled eh."
Sobra pa nga yung isang daan na abot nya lagi sa benebenta namin ni Lola na pagkain. Eh kare-kareng gulay with rice at bagoong nga pinakamahal namin 75 nga lang busog na. Naglakad na kami papunta sa sakayan ng tricycle palabas. Tinapik-tapik lang ni Mara balikat ko.
"Ikaw naman bes Narda, wala yun noh. Tsaka alam mo naman para ko na kapatid kayo ni Ding. Baka nakakalimutan mo dahil sainyo ni Lola natapos ko pag-aaral ko kaya!" Bulalas nya. "Lika na daliii baka pagalitan na naman tayo haha"
"Eto na, eto na! Ayaw ko din mabugahan na naman ng apoy hahaha" Tawa ko nalang nasabi at sumakay na kami.
Alam ko naman na malaki ang appreciation samin nina Mara dahil kahit gusto na nya noon tumigil mag-aral dahil nagkasakit si Tito ng malala, ipinilit namin na kumayod ng doble doble together para matapos na nya last sem nya at grumaduate. Kabutihang palad naitawid ng luha, pawis at dugo. Pero di padin ako komportable pag ganyan sya kasi para sakin masaya na akong nasa komportableng posisyon na sya kaysa sa trabaho namin nun lagi sa ukayan at pagbe-vendor.
YOU ARE READING
CLOSER 2U (REGINARDA/DARLENTINA FIC)
RomanceRegina Vanguardia split off from her grandfather's firm para patunayan sa pamilya Vanguardia na may ibubuga sya and that she is the best. Opportunity knocks when the patriach Chairman, and biggest client ng Vanguardia, nears his death. One sign, at...