Chapter 23

342 16 0
                                    

Khain's pov

Nakayakap pa rin sya sa akin ngayon at nakasiksik ang muhka sa leeg ko

"Bitiwan mo na ako Devion kaylangan ko nang pumunta sa company ko" seryosong sabi ko sa kanya pero mas lalo nya lang hinigpitan ang yakap nya sa akin kaya napapikit na ako ng mariin dahil sa inis

"Devion ano ba!!" sa inis ko ay nasigawan ko na sya kaya bigla nalang lumuwag ang yakap nya sa akin at umatras ng unti papalayo sa akin

"Sorry, you can leave now" malamig na sagot nya, di ko na sya tinapunan pa ng tingin dahil ayaw kong makita ang magiging reaction nya

Dali-dali na akong lumabas ng office nya, di ko na rin pinansin ang pag tawag sa akin ni Sarah ayaw kong humarap sa kanya dahil nag sisimula nang mag unahan na tumulo ang mga luha ko

Pag karating sa parking lot ay sumakay na ako sa driver seat at doon ay napahagulgol nalang ako ng iyak

Iyak lang ako ng iyak dito habang hinahampas ang manebela dahil sa di ko mapigilan ang galit at sakit na naramdaman ko ngayon

Di ko na rin namalayan na nakapasok na si Sarah sa passenger seat kaya pinahid ko nalang ang luha sa mata ko at nag kunwaring di umiyak ngayon

"Hwag ka nang mag kunwari dyan sir Khain ilabas mo nalang po yan kaysa pigilan mo, mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo dahil sa ginagawa mo eh" lintanya nya sa akin

Muli na naman nag landas ang mga luha ko sa mga mata at doon ay di ko na muli mapigilan ang di mapahagulgol ng iyak

"A-akala ko makakalimutan ko na, akala ko di ko na mararadaman ang sakit na ito. Yon pala hanggang akala ko lang pala yon dahil hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit sa puso ko" pag sisimula ko

"Ok lang sir Khian na sabihin mo sa akin ang problema mo di naman ako madaldal at chismosang tao para ipag kalat ang sekretong iniingatan mo" ngiting sambit nya sa akin kaya di ko napigilang di sya yakapin at sa balikat nya ako muling umiyak

"Ganyan nga sir Khian iiyak mo lang po yan, ganyan din naman ang nadanas ko eh. Nasaktan na rin ako noon kaya ramdam ko ang sakit na namumuo sa puso mo" dagdag nya pa habang hinahagod ang likod ko para patahanin

Ng mag sawa na ang mata ko kakaiyak ay kumalas na ako at binigyan nya naman ako ng tisue kaya tinanggap ko yon

"Pasensya na ah, basa na tuloy ang damit mo" pag hihingi ko ng sorry sa kanya

"Wala po yon basta kapag may problema nandito lang ako para makausap at masandalan sa mga problemang pinag dadaanan mo" nakangiting sagot nya sa akin

"Hahahaha hwag ka na maging pormal na makipag usap sa akin, diba sinabi ko na sayo yon" natatawang sabi ko

"Ahh sorry hehehe" kamot ulong sagot nya sa akin

"Hali ka na pupuntahan pa natin si Zander" aya ko sa kanya at pinaandar ang sasakyan

Habang nag mamaneho ako ay may napansin akong sasakyan na sumusunod sa akin kaya nakaisip ako at napangisi nalang

"Bakit?" tanong ni Sarah

"Humawak ka ng mabuti ah, papatakbuhin ko ito ng mabilis" sagot ko sa kanya

"Huh? Bakit naman? May sumusunod ba?" tanong nya sa akin

"Hindi ko alam kung sino ang sumusunod. Pero hwag lang sana ang kaibigan ni Devion" sagot ko

"Eto na ah, kumain ka Sarah!!" pinatakbo ko na ng matulin ang sasakyan namin

"WAHHHH KHIAN PAPATAYIN MO NAMAN AKO EH!!!" sigaw nya na nangiyak-ngiyak na ngayon kaya natawa nalang ako

Mike's pov

Napanganga kami dahil ang bilis ng sasakyan ng sinusundan namin

"G*go ka Liam bilisan mo!!!" alog ni Eric sa kanya

"F*ck you b*stard!!!" singhal nya kay Eric

"Ano ba hwag na kayo mag away!!! Baka gusto nyong mapatay tayo ni Devion!!!" sigaw ni Zedrick sa kanila

"Ang mahalaga kaylangan nating masundan si Khian, kaso ano na? Di ko na nakita ang sasakyan na sinusundan natin sa sobrang bilis ng pag papatakbo tapos nag aaway pa kayo" sabat ko

"May nilagay ba kayong tracted sa sasakyan nya?" tanong ni Zendrick sa amin

"Malamang wala" napailing nalang kami dahil don

"Bumalik na tayo sa company ni Devion" utos ni Zedrick

Bumalik kami sa company at pag bukas ng pinto ay nagulat nalang kami na nakakalat na ang mga gamit nya dito

"Vincent anong nangyari dito sa loob ng office ni Devion?" tanong ko sa kanya

"Bigla nalang sya nag wala kanina, di ko alam kung bakit" sagot nya sa amin

"AHHHH!!!" napatingin kami sa kwarto kung saan may kwarto ang office ni Devion naririnig din namin ang mga basag ng mga gamit nya sa loob

"Zenrick awatin mo si Devion" utos ni Liam

"Oo nga ikaw lang ang papakinggan non" sabat ni Eric

"Linisin nyo nalang yong kalat nya" tumango nalang kami pero yong dalawa nakasimangot

"Hwag na kayo mag reklamo" sabi ko sa kanila

Wala na rin sila nagawa kaya nilinis na namin ang loob ng office ni Devion kasama si Vincent

Devion's pov

Pag alis ni Khian ay doon ko na nailabas ang galit ko kaya lahat ng gamit ko dito sa office ay pinag babato ko kahit mga papers na nasa may desk ko

"AHHH!!!" pag wawala ko sa office at napasabunot sa buhok

Halo-halo ang emosyon ko ngayon sakit, galit, pag sisisi

Ng mag sawa na ako mag wala rito sa office ay walang kabuhay-buhay ang katawan ko na ibagsak sa kama at di ko namalayan na umiiyak na pala ako dito

Di ko na rin namalayan na papahagulgol na ako dito. Galit ako sa sarili ko, nasaktan ako sa inasta nya at nag sisisi ako sa ginawa ko sa kanya noon kung pinagalagahan ko lang sya edi di ito mangyayari. Nilamon ako ng pag mamahal kay Nathalie at galit sa kanya kaya nasasaktan ko na sya noon pa

"AHHHH!!!" di ko napigilan ang di sumigaw at mag wala dito sa office ko dahil sa sakit na namuo sa puso ko at galit

Lahat ng gamit ko sa kwarto ay basag na at magulo na rin

Di ko namalayan na may pumasok sa kwarto ko kaya di ko nalang pinansin yon mas namumuo ang galit ko sa sarili ko ngayon

"Devion tama na yan, sira na mga gamit mo" awat ni Zendrick sa akin

"Galit ako ngayon Zen, sobrang galit ako ngayon" sagot ko sa kanya

"Dahil na naman ba ito kay Khian? Galit ka dahil sa ginawa mo sa kanya?" tanong nya na seryoso ang tono ng pananalita ko

"T*nga kasi ako eh, kung di ko ginawa yon edi sana di sya mawawala sa akin/sa tabi ko" natatawang sambit ko at hinahampas ang dibdib ko habang lumuluha

"Tama na Devion, kapag nalaman nya yang ginagawa mo sa sarili mo" awat nya sa akin

"Hahaha imposible na iyon Zen. Imposibleng mag karoon sya ng pake sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya" sagot ko sa kanya

Pumasok na rin ang mga kaibigan namin kasama si Vincent

"Pare tama na yan. May sasabihin nga pala kami" napatingin ako kay Mike dahil sa sinabi nya

"Nawala sa paningin namin yong sasakyan ni Khian nag tatalo kasi itong dalawang ugok eh" sinamaan nya ng tingin sila Liam

"Sorry na tol" pag hihingi ng sorry nito

"Tss keep on eyes him, kapag may nangyari sa asawa ko yari kayo sa akin" banta ko sa kanila at masamang tinignan kaya napalunok naman ang dalawa

"Oo na mag iingat na kami" sukong sabi ni Eric

"Mag iba kayo ng kotse dapat di nya kayo ulit mahalata" utos ko sa kanila

Continue

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now