Khian's pov
Nasa office ako ngayon di ako makapag focus dahil di pa rin ako makapaniwala na nag kita na ang mag ama
Nabalik lang ako sa relidad ng may kumatok at pag tingin ko sa may pinto ay si Sarah lang pala
"Sir Khian may nag hihintay po sa inyo sa labas ng company" sabi nya
"Sino naman?" tanong ko sa kanya
"Henzo daw po pangalan nya kasama nya rin si baby Zander" sagot nya
Napa 'Ahh' nalang ako, iniwan ko kasi si Zander kay Henzo dahil nga gusto mag bonding ng dalawa
Lumabas ako ng office at sumakay ng elevator. Ng makababa na ay lumabas ako ng company at nakita ang dalawa sa di kalayuan
Kumaway pa si Henzo ganon din ang anak ko kaya napangiti ako. Pero may di ako inaasahang makita ngayon
Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito sa company ko
"Anong ginagawa mo dito Devion?" tanong ko sa kanya. Yeah it's Devion na bigla nalang sumulpot
"Sabi ng secretary mo na lumabas ka daw ng office mo" sagot nya
Mag sasalita sana ako ng may tumawag sa akin kaya napalingon sya at ganon din ako
"Dada" patakbong tawag sa akin ni Zander kaya sinalubong ko agad sya ng buhat
"Hey bebs" salubong din ni Henzo at hinalikan ako sa pisngi
Nakita ko naman ang reaction ni Devion, nakatiim bagang ito na nakakuyom din ang kamay nya na parang galit o nag titimpi
"Hey, it's you again mister" salita ni Zander, ngumiti ng pilit si Devion kay Zander dahil nakangiti ito sa kanya
"Y-yeah" sagot nya na nauutal pa
"What are you doing here mr. Arilla?" tanong ni Henzo na nakaakbay ngayon sa akin
"I talk to him pero nandito na kayo kaya sa susunod nalang siguro. Btw i have to go may pupuntahan pa kasi ako" umalis nalang sya ng di pa ako nag sasalita
Nakikita ko pa rin ang pag kuyom nya ng kamay habang papalayo sya sa amin
"Hinatid ko lang si Zander, may aasikaauhin pa kasi ako eh mag hahanap pa ng model para sa mga bagong ilalabas na mga damit" tumango nalang ako sa kanya pero bago yon siniko ko sya
"Ano ba yan bebs problema mo?" inis na tanong nya, inirapan ko nalang sya bago pumasok sa company
Bebs ang tawagan namin ng ungas na toh. Ano kaya nangyari sa taong yon? Napailing nalang ako at tuluyan nang pumasok sa office ko
Devion's pov
F*ck!!! Napahampas nalang ako ng manibela dahil sa nakita kong eksena kanina
Why he kiss him in cheek? At bakit kasama nya ang anak ko?
Yeah, it's right alam kong anak ko ang batang buhat ni Khian dahil alam kong, ako lang din ang nakalagaw sa kanya
Di ako papayag na mapunta sya sa lalaking yon. Khian is mine, mine alone!!!
Nag maneho ako papuntang office ko. At ng makarating ay tinawagan ko sila Zendrick
"Wt!! Tol, alam mo naman na busy kami eh" nag mamaktol na sabi ni Eric, di ko naman sya pinansin
"Alam kong nakita nyo kami kahapon, kaya hwag na kayong mag maang-maangan pa. Sabihin nyo nga, nong nakita nyo si Khian na nandito na sa pilipinas. Saan nyo sya nakita?" tanong ko sa kanila
Nag katinginan pa silang lima na parang nag uusap-usap kung sino ang mag sasalita. Napapikit nalang ako dahil sa inis, pero bago ko bulyawan ang mga ungas nag salita na rin si Mike

YOU ARE READING
My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*
Non-FictionMula 3 years na pag sasama nila puro sakit na ang naramdaman ng binata sa kanyang asawa. Sinisisi sya ng asawa nya kung bat nag hiwalay sila ng kanyang nobya dahil sa Arriage Married na naganap sa kanilang dalawa Ang pamilya nya naman ay sinisisi sy...