Chapter 25

383 13 0
                                    

Third person's pov

'NO!!! NOT NOW PLSS'

Pero ganon nalang sya natuod sa kinatatayuan nya ng makita ang anak na nakatingin na sa kanya

"Dada" tawag ni Zander at tumakbo sya papalapit sa kanya at ngayon ay nakahawak na sa pantalon nya

"Khian...." tawag ng lalaki sa kanya

'Devion' nasambit nya nalang sa kanyang isipan

Di sya makagalaw sa kinatatayuan nya, parang ang bilis ng pag hinga nya at nanglalamig na rin ang kamay nya dahil sa kaba, gulat, takot at halo-halo pang emosyon ang nararamdaman nya

"Huh? Mag kakilala po kayo ni dada?" inosenteng tanong ni Zander kay Devion

"H-hmm anak...... K-kasi.... H-hmm kaibigan s-sya ni d-dada" uutal na sagot nya sa anak nya

Nilagay nya sa likod si Zander at tumingin kay Devion na ngayon ay nakatingin kay Zander bago nilipat ang tingin sa kanya

Halo-halo ang emosyon ang nakikita ni Khian sa kanya lungkot, sakit, pangungulila, at sabik

"B-bakit--- Ahh kaylangan na namin umalis ng anak ko... S-sige Devion alis na kami" di na nakapag salita pa si Devion ng umalis nalang sa harap nya sila Khian

Nagulat at natulala naman ang mga kaibigan nya dahil sa nasaksihan nilang eksena

"T*ng *na bro nag kita na sila" bulong ni Liam

"Anong gagawin natin nyan?" tanong naman ni Eric

"Kaylangan natin gumawa ng paraan paniguradong marami nang katanungan sa isip ni Devion ngayon" sagot naman ni Zenrick

Nakita nalang nila ang kaibigan na tulala at nakatingin lang kung saan umalis sila Khian

Habang si Devion naman ay parang di alam ang gagawin dahil sa daming katanungan sa isip nya

'A-anak nya yong batang yon?..... H-hwag nyang sabihin na.....'

Napaupo nalang ito sa semento kaya nataranta na ang mga kaibigan nya at pinuntahan sya sa pwesto nya

"Bro, ok ka lang?" tanong ni Zedrick sa kanya

Pero wala silang nakuhang sagot ikbi lang naririnig nila at alam nila na umiiyak na ito ngayon

"T-totoo kaya yon?" tanong nya, nag katinginan naman sila Mike

"Ang alin?" tanong ni Mike

"E-ewan di ko alam, ang hirap hanapin ang sagot" naguguluhang sagot ni Devion

"Dre, tumayo ka na dyan marami nang nakatingin sayo" utos ni Zenrick pero di sya nitp pinansin

Walang nagawa ang mga kaibigan nya kung di tulungan syang tumayo at nag lakad palabas ng Mall

Khian's pov

Paanong nangyari yon? Paano sila nag kita ng anak nya?

Di ako makapaniwalang nangyari na ang bagay na kinakatakutan ko na mag kita ang mag ama

Sa ngayon nandito ako sa condo namin dahil kakauwi lang namin at ang anak ko ngayo  ay tulog na

Kausap ko ngayon si kuya naka video call kami ngayon

"Nag kita na pala ang mag ama, anong plano mo?" tanong nya sa akin

"Hindi ko alam kuya, yon ang kinakatakutan ko ang mag kita sila" sagot ko sa kanya

"Hindi mo matatago ang katotohanan Khian, alam mo sa sarili mo na sya ang ama ni Zander at di mag babago yon" seryosong sabi nya sa akin

"Dada" napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang anak ko na kakalabas lang habang kinukusot ang mata nya

"Come here baby" tawag ko sa kanya

Lumapit naman sya sa akin at nang makalapit ay pinaupo ko ito sa hita ko

"Tito Kelvin" tawag nya kay kuya

"Hello my little Zander, kamuzta ka na?" tanong ni kuya sa kanya

"Always fine po tito mongkey" natawa ako sa sinagot ni Zander kaya nakasimangot na ngayon si kuya

"Ang bad naman ng pamangkin ko" nag tatampong sambit ni kuya na ikinatawa ko lalo

"Dada sowwy po umalis ako kanina" napatingin ako sa kanya

"Bakit ka ba umalis?" tanong ko sa kanya

"Nag titingin lang po ako non" sagot nya

"Ng alin?" tanong ko muli

"I saw a happy family po dada" napatutop naman ang bibig ko at di nakapag salita miski si kuya

"I miss daddy, di ko po alam kung kaylan ko sya makikita" mas lalo akong natahimik sa dinagdag nya

"Hmm nga pala anak, paano kayo nag kakilala ng stanger na yon?" tanong ko sa kanya

"He saw me na umiiyak po habang hinahanap po kayo" sagot nya

"Dada he looks like me po, bakit parang kamuhka ko sya?" para akong kakapusan ng hininga sa sinabi nya

Hindi kasi pag kakaila na mag kamuhka sila mag ama dahil mahahalata mo na talaga lalo na't Devion Version sya ng ama nya

"B-bakit mo natanong yan?" nauutal na tanong ko sa kanya

"Kasi po nakikita ko po ang sarili ko sa kanya" sagot nya sa akin

"Hmm i think Zander punta ka muna sa kwarto mag uusap kami ni dada mo" utos nya kay Zander

Pumunta naman si Zander sa kwarto nya kaya napahilamos nalang ako ng muhka

"Wala na tayong magagawa sya namismo nakahalata non Khian" pag sisimula nya

"Kuya di pa ako handa para dyan" sagot ko sa kanya

"Look your son Khian, nangungulila sya sa poder ng ama nya" sambit nya

"Alam ko kuya pero..... HAYSS DI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO" napasabunot nalang ako ng buhok

"Alam kong di ka tatantanan ni Devion kakatanong. Kaya kung ako sayo sabihin mo na ang katotohanan sa kanya" babala ni kuya sa akin

Hindi ko pa kaya, na sabihin sa kanya ang totoo natatakot ako na baka may pamilya na sya kahit wala na sila ni Nathalie

'Ano nang gagawin ko?'

Nathalie's pov

Nandito ako sa mansion kasama ang nga kaibigan ni Devion kanina pa daw ito umiinom

"Ano bang nangyari??" tanong ko sa kanya

"Nag kita na sila ni Khian" sagot ni Liam

"Edi mabuti kung---- Na may kasamang bata" napanganga ako sa dinagdag ni Liam

"Teka? Bata? Anak ba ni Khian yon?" tanong ko sa kanila

"Oo Nathalie, anak ni Khian yon" sagot ni Mike

"Paanong nangyari yon? Lalaki si Khian ah" naguguluhang tanong ko sa kanila

"Kahit kami nag tataka kung bakit nag karoon sya ng anak" sagot ni Zedrick

"Pero alam naming si Devion ang ama ng bata kaso di pa namin alam kung sya nga ba?" sabat ni Zendrick

"Anong plano nyo?" tanong ko sa kanila

"Kaylangan naming makakuha ng test ng DNA nilang dalawa" sagot ni Zendrick

"Khian..." mahinang tawag ni Devion

"Bro halika na, tama na yang kakainom" awat ni Liam sa kanya

"Ibalik nyo sa akin si Khian" mahinang sambit nya

"Gagawa kami ng paraan Devion, mag pahinga ka na" sagot ni Mike

"Khian..." tawag nya muli sa pangalan ni Khian

"Hayy nako, pag ibig nya naman" banat ni Eric natawa naman ako don

Napakaswete ni Khian dahil mas mahal sya ni Devion pero kung noon kaya na minahal ni Devion agad si Khian di kaya sya nito iiwan? Kung di lang  sana nya ako pinilit makipag balikan siguro di sya lalayo sa kanya

"Hwag nyo nang isipin yon ang mahalaga ay mabuo na ang pamilya nila" napatango nalang sila sinabi ko

Continue

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now