Chapter 38

240 10 0
                                    

Third person's pov

Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nong mag kaayos sila Khian at sa isang buwan na iyon ay naging mapayapa naman ang naging pamumuhay nila. Wala namang nangyaring masama at gulong nangyari.

Nailipat na rin kay Khian ang position ng pamumuno nang kanilang lolo. Pero kahit ganon ay di pa rin nakampante sila Devion, lalo nilang hinigpitan ang bantay sa mansion nila.

Sila Bianca ay ilang linggo na rin nakatira sa mansion nila Devion. Ngunit habang nasa mansion sila Bianca ay palaging masungit si Devion kapag mag kausap sila Lee Wo at Khian na may kasamang tawa.

Katulad ngayon na nandoon lahat ng kaibigan at kapamilya nila Devion maliban sa magulang ni Khian.

Tumatawa silang lahat habang pinag mamasdan si Devion na salubong na ang kilay at parang gusto nang mangain ng tao. Paanong hindi sasalubong ang kilay dahil nakikita nya si Khian na masayang nakikipag kwentuhan kay Lee Won. Wala namang kaso kay Bianca kung mag kalapit sila ng asawa nya at ng brother-in-law nya dahil alam naman nyang mahal ni Khian ang kuya nya at mahal sya ng asawa nya.

Natutuwa pa nga sya dahil nakikita nya kung paano mabwisit ang kuya nya habang pinapanood sila Khian.

'Well selos ka na naman kuya HAHAHA' napahagikhik nalang si Bianca na katabi si Devion kaya masamang tinignan nito si Bianca pero nginisihan lang sya nito

"HAHAHAHAHA" napabalik ang tingin nya kay Khian at Lee Won nang marinig ang tawa nito na mas lalong ikinasama ng tingin nya

"Tignan mo asawa mo, ang sama na ng tingin" bulong ni Lee Won na rinig din nya naman dahil medyo malapit sila Khian sa kanila

"Hayaan mo sya. Bahala sya mag selos dyan" parinig ni Khian sa asawa

"Para na kasing mangangatay ng tao" bulong ulit ni Lee Won sa kanya

"Katayin nya yong aso ng kapit bahay" parang batang paslit na sabi ni Khian na ikinatawa nila

"Bianca ilayo mo na yang asawa mo kay Khian kung ayaw mong mabasag ko bungo nyan" may pag babantang sabi nito

"Sige kuya para di ka rin pansinin ulit ni kuya Khian ng isang linggo" ngising sagot naman ng kapatid na ikinasimangot naman ni Devion

"Pwede ba hwag mo nang ipaalala yon sa akin" inis na saway ni Devion pero tinawanan lang sya nito

Ito ang nangyari kung bakit di pinansin ni Khian si Devion nang isang linggo

Flashback

Habang nasa mall silang dalawa dahil nag aya ng date si Devion kay Khian. Nag paalam saglit si Devion na may kakausapin lang sya na agad namang tinanguan ni Khian, nasa loob sila ng Resturant nang mall na pag mamay ari ni Devion.

Habang nag hihintay ay may lumapit kay Khian na isang lalaki na todo ngiti sa kanya

"Heyy can i seat?" tanong nang lalaki, nginitian rin ito ni Khian

"Hmm sure" sagot naman ni Khian sa kanya

"Someone's waiting?" tanong nya, tumango naman sya. Akmang mag sasalita na may mag salita sa likod nya

"Yeah and it's me" malamig na boses ang narinig nya mula sa likod kaya nilingon nilang dalawa ito

Nakita nyang nakakunot ang noo nito at malamig na tingin nito sa lalaking kausap nya

"Ohh sorry" sabi nang lalaki

"You can leave now and don't talk to my wife again" madiin na sabi nito sa lalaki na agad naman sinunod nitong lalaki

"Nice meeting you Khian, i hope na mag kita ulit tayong dalawa" sigaw ng lalaki sa kanya

"Subukan mo lang syang kausapin" may pag babantang sabi nito sa kanya na ikinanguso naman ni Khian

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now