Khian's pov
"Long time no see Khian" nakangiting sabi nya
"Ikaw pala Kenneth" asik ko, umupo sya sa harapan ko
"Ano kamuzta na may bahay asawa?" tanong nya sa akin, napahinto ako sa tanong nya di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi pero bahala na
"Ok lang naman masaya kahit papano" sagot ko sa kanya at pilit ngiti ako sa kanya
'Sorry Ken kaylangan kong mag sinungaling sayo para iwas gulo'
"Sabihin mo lang kung sinasaktan ka ng asawa mo di ako mag dadalawang isip na ilayo sa kanya" seryosong sabi nya, tumango nalang ako at ngumiti
Straight si Kenneth, tanggap nya ako kung ano ako. Nga pala full name nya pala ay Kenneth Axel Oxford 22 year old mas matanda sya ng isang taon sa akin
Sya lang ang nag iisang kaibigan ko, mabait, mapag mahal at maalaga syang tao. Gwapo rin sya kaya karamihan noon sa campus namin ay habulin sya ng babae dahil sa kanyang kagwapuhan at dahil rin sa matitipunong katawan
Ng usap-usap pa kami ni Kenneth ng di ko namalayan ang oras, pag tingin ko sa orasan sa cellphone ko pasado 12 nn na pala ng tanghali kaya mabilis akong napatayo at dinampot ang nga pinamili ko
"Uuwi ka na?" tanong nya
"Oo eh, dadalhan ko pa ng makakain si Devion sa company nya" sagot ko sa kanya
"Tulungan na kita alam kong mabigat yang mga pinamili mo" presenta nya, aangal pa sana ako kaso kinuha nya na ang mga supot kaya wala na akong nagawa
Pumunta kami sa parking lot at inilagay ang mga pinamili ko sa may likod ng sasakyan. Nag presenta sya na ihahatid ako kaya di na ako nakaangal pa
Fast forward
Ng makarating sa harap ng mansion ay mabilis rin akong bumaba pero nagulat ako na nandoon ang sasakyan ni Devion kaya medyo kinakabahan ako
Ng makuha ko na ang pinamili ko ay nag paalam na rin ako kay Kenneth
"Salamat Ken sa pag hatid" pasasalamat ko
"Walang anuman Khian, tawagan mo nalang ako kapag may problema ah" puna nya tumango nalang ako bago pumunta sa gate ng mansion
Ng makaharap ako sa may pinto napabuga muna ako ng hangin dahil siguro sa kaba ko na di ko malaman ang dahilan
Pag bukas at pag pasok ko isang mabigat na kamay ang dumampi sa muhka ko kaya lahat ng pinamili ko ay nabitawan ko
"YOUR LATE KHIAN!!" sigaw nya sa akin, napapikit ako dahil sa hapdi ng pisngi ko
"Kaya pala ang tagal mong umuwi dahil nakipag landian ka pa sa kaibigan mo" galit at malamig nyang sabi
"N-nag kw-kwentuhan lang kami n-ni Ken" mahinang sagot ko sa kanya
"Talaga lang ah as if na maniniwala ako sayong bakla ka!!" sigaw nya pa muli sa akin
"S-sorry di ko namalayan ang oras" pahinging paumanhin ko sa kanya
"Dahil sa kalandian mo at kakati sa sarili mo" napahawak ako sa kamay ng ng bigla nya nalang itong sabunutan at inangat ang ulo ko kaya medyo napangiwi ako sa sakit
"Ang gandang dahilan mo eh noh, aminin mo nalang kasi na nakikipag s*x ka lang sa kanya" cold na sabi nya
"HINDI AKO GANONG TAO BAKLA NGA AKO PERO DI KO SISIRAIN ANG DIGNIDAD KO PARA GAWIN YON!!!" sigaw ko sa pag mumuhka nya, di ko na mapigilan ang di sya sagutin at pag taasan ko ng boses dahil na rin siguro napuno na ako ng pasensya ko
"Ah ganon sinasagot-sagot mo na ako ngayon ah, halika dito" bigla nya nalang hinatak ang buhok ko kaya ako itong napaupo sa semento habang hila-hila nya ang buhok ko
"A-aray b-bitiwan mo ako D-devion m-masakit" pag mamakaawa ko sa kanya
Tinungo nya lang ang isang lumang silid at binuksan ito. Halatang tambakan ng mga gamit na di na ginagamit o sabihing isa itong bodega
"Yan dyan ka!!" bigla nya ako hinagis kaya napa subsob ang muhka ko sa semento
Halatang marumi na ito dahil sa dami ng alikabo sa silid na toh
"Hindi ka kakain ng isang linggo tandaan mo yan Khian!!" sigaw nya pa, pag lingon ko ay padabog nya itong sinarado kaya dali-dali akong pumunta sa may pinto pero nakalock ba ito
"DEVION PALABASIN MO AKO DITO!!! DEVION AYAW KO DITO PARANG AWA MO NA PALABASIN MO NA AKO DITO!!!" kalampag ko sa may pinto pero wala na akong narinig pa na yapag ng paa na alam kong umalis na sya
Napaupo nalang ako dahil sa panghihina at pagod ko na rin
Mula kagabi ay wala pa akong kain, unti lang ang kinain ko kanina kaya alam kong manghihina ang buong katawan ko
Niyakap ko nalang ang tuhod ko at doon ay humagulgol nalang ng iyak
Palagi syang ganto sa akin, kung di nya akong ikukulong sa bodega ay di nya ako papakainin o inom man lang ng tubig
Minsan ay sinasaktan o binubogbog nya nalang ako lalo na kapag lasing sya ganon ang ginagawa nya sa akin
Gusto ko nang sumuko pero di ko pa rin kinaya na iwan sya, gusto ko nang umalis sa impiyernong bahay na toh pero di ko pa rin ginawa
Sila mom and dad naman walang pake sa akin kung may mangyari man sa akin na masama puro business lang nila ang inaatubag nila
Alam nilang bakla ako pero kahit ganon wala pa rin akong naramdaman na pag mamahal galing sa kanila. Maliban nalang kay kuya
Si kuya Kelvin lang ang tanging nag paramdam ng pag mamahal sa akin. Pero umalis sya para sa kanyang career kaya sobrang nalungkot talaga ako nong nalaman kong aalis sya papuntang ibang bansa
Si kuya lang ang nag tatanggol sa akin noon, pero ngayon wala nang kuyang nag tatanggol sa akin ngayon dahil wala sya sa tabi ko
Nangako sya sa akin na babalikan nya ako kaya pinaghawakan ko ang pangako ni kuya. May tiwala ako sa kanya at alam kong di nya ako bibiguin
Sa kakaiyak at pagod ko, di ko namalayan na nakatulog na ako
Continue
YOU ARE READING
My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*
Non-FictionMula 3 years na pag sasama nila puro sakit na ang naramdaman ng binata sa kanyang asawa. Sinisisi sya ng asawa nya kung bat nag hiwalay sila ng kanyang nobya dahil sa Arriage Married na naganap sa kanilang dalawa Ang pamilya nya naman ay sinisisi sy...