Sonia Coleen’s POV
I’m scrolling through my feed when a magazine article headlines jumps out at me.
"The rising billionaire who will rule Silicon Valley: Tyler Hernandez. "napatingin naman ako sa gwapo nitong mukha habang may nakakatunaw na ngiti sa labi nito.
“Aha! Got it! Did you see that?” saka naman nawala ang pagpapantasya ko ng tingnan ko ito, tumingin ito saakin na parang batang paslit na naghihintay ng papuri.
I shake my head for disapprovingly at him saka binasa ng malakas ang nasa article.
“The future ruler of Silicon Valley, huh? That’s just depressing.” sabi ko saka ito tiningnan ng may ngisi sa labi ko.
“For Silicon Valley? Or me?” sabi nito na kinairap ko saka pinagcross ang hita ko at sumandal ng ayos sa sofa.
“As if naman magkakaroon ako ng sympathy sa’yo, you philandering jerk!” napahawak naman ito sa dibdib niya na parang may pumana dito.
“That hurts, Coleen.” saad nito kaya agad ko siyang binato ng maliit na unan na agad naman niyang nahawakan.
“Ha! Is that all? Parang babae ka namang bumato eh.” pangaasar nito at tinapunan ko siya ng masamang tingin na kinatawa nito ng mahina.
Philippines’s hottest playboy, the one making daily headlines for his hedonistic lifestyle, happens to be my best friend since middle school. Sa ngayon, ay isang linggo na itong dito nagi-stay sa apartment ko dahil sa renovation na pinapagawa sa mansyon niya, psh.
“Para sabihin ko sayo babae ako! At kung aasarin mo pa ako, sisiguraduhin kong pagbabayarin kita ng renta dito!” singhal ko dito at tatalikuran ko na sana siya ng hawakan nito ang kamay ko.
“How about...dinner with me, woman?” sabi nito saka ko ito tiningnan at may nakakaloko itong ngiti sa kaniyang labi. Uh-oh. I know that look. When he smiles at me like that alam kong may kalokohan nanaman na naglalaro sa utak nito.
“How about dinner at Beverly Hills this Saturday night? I promise to make it worth it.” sabi nito at hinarap ko siya ng nakataas ang isang kilay ko.
“Wag mokong paglolokohin, Mr. Hernandez. Ano nanaman bang kailangan mo ha?” inis kong sabi habang nakababa ang tingin ko dito dahil nakahiga ito sa mahabang sofa at hawak ang kamay ko at pinaglalaruan ’yon.
Huminga ito ng malalim saka ngumiti. “Fine, I needed a date for a business conference.” sabi nito at nginisihan ko naman siya.
“That’s none of my business.” sabi ko saka nagflying kiss dito at tinalikuran siya.
Napatayo naman ito at sinundan ako. “Hey! Come on!” sabi nito saka niya ako kinulong sa yakap niya.
“Kaya mo bang tanggihan ang best friend mo?” sabi nito na kinairap ko.
“Bitaw!”
“Coleen―”
“Sabing bitaw!” sabi ko at tiningnan naman niya ako ng may kasamang pagmamakaawang na kinapikit ko ng mariin.
“Wag mo kong tingnan ng ganiyan. I’m already doing you a favor by letting you stay here!” banas kong sabi.
Napayuko ito. “So hindi mo talaga ako tutulungan?” tila malungkot nitong sabi saka lumapit sa may sofa at tila lantang gulay na napahigang muli na kinasara ng kamay ko. Bibingo na talaga saakin ang kumag na ito.
Huminga ako ng malalim saka ito tiningnan. “Just go..by yourself!” inis kong sabi saka ito nilapitan at naupo sa tabi niya.
“I can’t.” sabi nito saka pinikit ang mata niya, “Turns out the conference’s sponsor, Hedrick Smith, is the real traditional type. Alam mo na, a stable nuclear family and all that. I want to impress him.” sabi nito na kinailing ko.

YOU ARE READING
BILLIONAIRE SERIES1: NO STRING ATTACHED
RomanceTYLER HERNANDEZ. Coleen's best friend for almost twenty years wants her to act as his girlfriend? Can she resist his charm before things get uncontrollably hot!