CHAPTER THREE

1K 15 0
                                    

Pinagmasdan naman niya ako, dahilan para mapayuko ako at mapansin ko ang suot nitong tie na ako mismo nagregalo sakaniya noong last birthday nito.

“Napakaganda talaga.” sabi nito at umirap ako pero tumingin din ako sakaniya.

“Sige na nga. Napagwapo mo din ho Mr. Tyler Hernandez, hindi ba ayan yung regalo ko sayo?” sabi ko sabay nguso sa tie na suot nito at tumango naman siya.

“Kanina ko pa inaantay na ma-notice mo pero alam kong hindi mo mapapansin kasi masyado kang distracted sa gwapo kong mukha.” sabi nito na kinaubo ko.

“Napakayabang mo naman ho pala, ano?” sabi ko pero ngumiti lang ito. Napansin ko naman na hindi masyadong maayos ang pagkakatali non kaya agad ko itong hinawakan, mas lumapit pa ako para iadjust ang pagkakatali non, at sa ganong pwesto ko ay amoy ko agad ang pabango nito na ako pa mismo ang pinapili niya.

Napansin naman niya ang pagsinghot ko dahil tumawa ito ng mahina, binalik kong muli ang tingin ko sakaniya at nakatingin lang siya saakin. “Coleen..” mahinang sabi nito habang nakahawak ito sa mga braso ko.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil masyado ng nagwawala ang puso ko ngayon, at saka ko nakita ang dalawang taong kinakainisan ko.. Sina Ray at Amanda!

Mukhang napansin naman iyon ni Tyler dahil wala itong pasabing hinigpitan ang yakap saakin, at nasa tainga ko na ang labi nito.

“Are you ready to crush them?” My heart starts to beat faster as I feel his hand tightening around my waist, but I keep my voice light.

“I‘m pretty sure. If you’re too chicken, this is your last chance to back out.” sabi ko at tumawa naman ito. Pasimple ko nga silang tiningnan at kita kong nakatingin na sila saakin.

“Coleen? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito at agad nanlaki ang mata nito ng makita niya ang kamay ni Tyler na nasa baywang ko.

“I‘m here because I was invited. Oh, and my boyfriend here happens to be a guest speaker, too.” nakangiti kong sabi.

“Your―boyfriend?” di makapaniwala nitong sabi.

“That‘s right. Ray, meet my boyfriend, Tyler Hernandez!” nakangiti kong sabi at mas lalo silang nagulat.

“Tyler? As in TYLER HERNANDEZ?! Do you mean the famous―” napatigil naman ito saka tumingin kay Tyler na seryosong nakatingin kay Ray pero nilahad padin nito ang kaniyang kamay dito.

“Yeah. That’s me. Coleen told me everything.” sabi nito at halata ang pagiba ng mukha nito dahil sa higpit ng hawak ni Tyler sa kamay nito kaya agad ko itong pinalo ng mahina sa likuran niya. Agad naman hinawakan ni Ray ang kamay niya at ngumiti naman agad ang siraulong katabi ko. “To be honest, I have to thank you.” sabi nito at binalik ang kamay nito sa baywan ko. “Kung hindi dahil sa kagagúhan mo, hindi ko sana makakasama ang pinakamagandang babaing nasa tabi ko ngayon.” halata ang sarkastimo sa boses ni Tyler habang kinakausap si Ray. Yung kanina naman na paghanga na makikita sa mata nito dahil nakita nito si Tyler ay napaltan ng inis.

“Talaga ba? How long have you been together, by the way? Dahil kung tama ang pagkakatanda ko, kakahiwalay palang natin.” sabi nito at ako naman ang tumawa.

“Pinagbibintangan mo ba akong nagcheat ako sayo? At saka.. akala ko ba ang sabi mo noon saamin ni Amanda noong nakaraan, matagal na tayong hiwalay?” sabi ko at napalingon naman siya kay Amanda. “Wag na wag mo akong aakusahan sa isang bagay na ikaw mismo ang may gawa.” saad ko at naramdaman ko ang pagpisil ni Tyler sa braso ko saka ito bumulong saakin.

“Chill, Coleen.”

Right. Huminga ako ng napakalalim at tumango dito. Ngumiti naman si Amanda kahit halata na naiinis na siya sa nangyayari.

BILLIONAIRE SERIES1: NO STRING ATTACHED Where stories live. Discover now