CHAPTER SIX

853 6 0
                                    

THE NEXT MORNING, nagising akong katabi ang best friend kong si Tyler at nakayakap saakin ito ng mahigpit. Kahit alam ko naman kung anong naganap sa pagitan namin ay diko padin maisip kung paano at bakit ko nagawa ang kagagahang iyon.

Naalis naman ang mga iniisip ko ng gumalaw si Tyler sa tabi ko at agad itong tumingin saakin saka ngumiti. “Morning, Coleen.” bati nito at humikab pa bago ito humiga ng maayos saka pumikit-pikit pa na tila nasilaw ito sa liwanag.

“G―Good morning.” Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nabati ng ganon pero ngayon palang ata lumabas sa bibig ko ang salitang iyon na kinakabahan.

Dámn, I stammered!

Mabilis ko ngang hinila ang kumot at tinapis iyon sa katawan ko.“Uh.. I gotta go!” sabi ko saka sinubukan tumayo ng maramdaman ko ang pananakit ng gitnang parte ko, saka hinawakan din nito ang braso ko.

“Saan ka pupunta? Aabandonahin mo nalang ako pagkatapos mong makuha ang nais mo sakin?” sabi nito na kinalingon ko sakaniya.

“H―Huh? M―Maliligo lang naman ako eh.” nauutal kong sabi, naupo naman ito saka hinila ako palapit sakaniya at tumawa ito.

“Nagbibiro lang. Mind if I join you?” tanong nito.

“Absolutely not!” sigaw ko at mas lalo itong natawa.

“So you don’t mind?” sabi nito at napalunok ako at mabilis ko siyang nilayo saakin saka pumasok sa banyo ng hindi ito pinapansin.

Habang nasa gitna ako ng paliligo ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagisip sa mga naganap saamin ni Tyler kagabi. Ayokong mawala ito, pero hindi ko alam kung anong mangyayari saamin sa mga susunod pang araw.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Tyler na nakatingin lang sa phone niya.

“Nagmessage saakin si Mr. Smith tungkol sa business na pinaguusapan namin. So, kailangan kong umalis muna at baka ilang araw akong mawala.” sabi nito at tumango ako.

“Is that all?” kunwari walang pake na sabi ko at napatitig ito saakin. “Wag kang magalala ayos lang, mas maganda nga yon at kahit papano manahimik naman ang apartment ko habang wala ka.” sabi ko saka nginitian ito ng peke.

“Hey!” sabi nito at agad kong nasalo ang maliit na unan na binato niya saakin saka tumawa ng mahina. Good, nothing has changed between us. We‘re still friends.

.....

That’s what I said, pero nahanap ko nalang sa sarili ko na namimiss ko si Tyler sa loob ng isang linggo na wala ito. Sobrang tahimik ng apartment nong nawala ito.

Napalis naman ang iniisip ko ng tumawag saakin si Megan na kaibigan ko and future sister in law. “Wassup Meg!” mahina kong sabi habang nakasalampak sa may kama ko.

“Hey darling! Gusto mo bang sumama sa club ngayong gabi? Alam mo na nagaaya ang Kuya Caleb mo, and nakabalik nadin kasi si Tyler.” sabi nito at napaupo ako sa gulat.

“Huh? Kelan pa siya bumalik?” tanong ko. And bakit hindi ko alam? I‘m his Landlord and bestfriend, for Christ‘s sake!

Natawa naman si Megan. “At paano ko naman malalaman kung kailan ito bumalik ha? Sinabi lang saakin ng Kuya mo dahil nagkasalubong sila sa daan.” sabi nito. “So pupunta ka ba o hindi?” tanong pa niya.

“Héll yeah, I‘ll be there!” nakasimangot kong sabi saka tumayo na. Hindi ko talaga siya papansin the whole night to pay him back for that!

Nang makarating kami ni Megan sa nightclub, nakita agad namin sina Kuya Caleb at Tyler na nageenjoy na agad sa mga iniinom nilang alak. He‘s chatting and laughing with my brother as if nothing happened between us. “Kanina pa kami nagaantay dito ah.” sabi ni Kuya saka tumayo para halikan sa pisngi si Megan.

Napansin ko namang lumingon din si Tyler saakin habang hawak ang alak nito. “You‘re finally here. Come on, order a drink.” mahinang sabi nito pero diko siya pinansin at kay Kuya ako humarap.

Tumingin naman si Kuya saakin ng may pagaalala at hinila pa ako sa gitna nila Tyler. “Stay close to me or kay Tyler, Sonia. Maraming masasama sa lugar na ito.” sabi niya na kinasimangot ko.

“I‘m not a baby anymore, Caleb! I can handle myself.” sabi ko at pinitik nito ang noo ko.

“Caleb huh?” napatikhim naman ako.

“Sorry Kuya.” sabi ko saka humarap sa counter at umorder ng drinks ko ng dipa din iniimik si Tyler sa tabi ko.

Habang iniinom ko ang alak ko ay nilapit ni Tyler ang mukha niya sa may tainga ko. “What‘s wrong? Akala ko pa naman magiging masaya ka pag nakita mo ako?” tanong nito at huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

“Well, mali ka ng iniisip.” sabi ko saka tiningnan ko ito sa peripheral vision ko at kita kong nakakunot na ang noo nito.

“As my tenant, hindi ba maganda na iniinform moko kung nakabalik kana. Or are you avoiding me now after what happened.” seryosong sabi ko at ininom ang alak na nasa baso ko.

“Teka...  Are you mad at me? Kababalik ko lang kagabi. Alam kong tulog kana at ayoko namang istorbohin ka kaya nagstay na muna ako sa hotel.” explain nito na kinalunok ko at unti-unting humarap sakaniya.

“Really?” sabi ko ng di makatingin ng deretso sakaniya.

Natawa naman ito. “Of course really. Ano paba ang magiging dahilan ko?” sabi nito at ngumiwi ako at di nagsalita. Now I‘m embarrassed, hindi ko talaga siya papansinin the whole night. Tyler looks amused to me. “How about this..” sabi nito at humalik siya sa pisngi ko. Napalingon naman ako kina Kuya na naghaharutan pala sa tabi namin at hindi kami napapansin.

Hanggang sa nagsimula ng patugtugin ang paborito kong pop song kaya naman agad akong tumayo para sumayaw at iniwan sila doon pero napasimangot ako ng tumayo si Tyler at sinundan ako. “Ang sabi ni Caleb wag ko daw ilalayo ang tingin ko sayo.” sabi nito at pinamewangan ko siya.

“I don’t need a babysitter, Ty-ty!” sabi ko saka ito inirapan hanggang sa mas lalong dumami ang nagsasayawan at nagsimula ng magkatulakan pa, naramdaman ko nalang na nasa likuran ko ito. I can feel his warmth against my back, reminding me of the night we spent together. And at the same time, hinawakan kaagad nito ang magkabilang braso ko at hinarap ako sakaniya. Does he remember that night too? The way he‘s touching me is..pero agad nitong nilipat sa kamay ko ang hawak niya saka bumulong saakin. “Wanna dance?”

Agad akong umiling saka binitiwan ang kamay niya at tinalikuran ito. “Coleen!” tawag nito pero diko padin siya pinansin, halata sa mukha nitong naguguluhan siya sa ikinikilos ko.

This is the right choice. I don’t think I can handle dancing with him right now, kahit na sinasabi ng puso ko na gustong-gusto ko siyang makasayaw ngayon, siya lang, walang iba.

As the song changes, bigla nalang may babaing humarang dito ng lalapitan niya sanang muli ako. “Wanna dance, hottie?” sabi nito habang idinidikit na nito ang kaniyang dibdib kay Tyler at maiinis na sana ako pero nagulat ako ng hindi nito iyon pansinin saka ito naglakad para lapitan ako.

“That wasn‘t like you. Ayos kalang ba?” tanong ko saka tiningnan ang babae na halata ang inis sa mukha.

Napakamot naman ito sa noo niya na parang di rin niya alam kung bakit. “I‘m fine. I just ...” napapikit ito at parang naiinis sa sarili niya, pero tumingin ito saakin.

“Coleen, I think I might―”

“Sonia, Tyler!” sigaw ni Kuya dahilan para hindi nito matuloy ang sasabihin. “Let’s go home. Tingin ko madami na kaming nainom ni Megan, hindi kita pwedeng iwan dito lalo‘t alam kong manghihila lang ng ibang babae yan si Tyler para ikwarto, maiiwan kang magisa.” natatawang sabi ni Kuya at napailing nalang si Tyler pero tumawa din ito saka tumingin saakin. “Let’s go.” kaya naman yung balak sanang sasabihin ni Tyler ay hindi ko na nalaman pa. What is he want to say?

BILLIONAIRE SERIES1: NO STRING ATTACHED Where stories live. Discover now