KABANATA 1

109 8 0
                                    

"Classmate na naman kita? Ano ba 'yan!"

"Mabuti na lang matalino ka, Rose."

"Siyempre kasing taba niya rin ang utak niya!"

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa room nang makasalubong ko ang mga dating classmates ko last year na nakatambay sa harap ng pintuan.

"Of course. Unlike you all whose brains are too tiny and small." Mataray na sumbat ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

I sighed and calmed myself. I fisted my palms tightly to suppress it from shaking.

Those rats really never fails to ruin my mood first thing in the morning. Hindi na nga maganda ang umaga ko at walang maayos na breakfast kanina, dadagdag pa sila. Mommy and daddy were fighting earlier about their business trip and such while we were having our breakfast. Kaya wala akong matinong kain kanina at nauna akong nagpaalam umalis. I only ate 3 pancakes, 2 burgers, and a large coke float in my car and I had it through drive-thru. Pero nagugutom pa rin at gusto kong kumain ng rice.

"Marcus Elij Ferreira. Ferreira?" ulit na anunsyo ng professor namin sa pangalang iyon habang nag-aattendance.

"OMG, classmate natin siya ngayong 3rd year?"

"Irregular student siya, right?"

"Balita ko, regular na ngayon eh!"

"Oh my! Ka-block na natin siya!"

"Ma'am, wala kaming classmate na Marcus Ferreira." Someone answered.

"This is the official list from the registrar. How come?"

"Ay baka late lang po, ma'am?"

"Hintayin na lang po natin, ma'am!"

"No. He's absent now-"

"Present, ma'am!"

May biglang sumigaw at halos mabingi kami sa lakas ng pagkakasabi niya. Baka nga umabot pa sa ibang room. Lahat ay napatingin sa kanya sa pintuan. I glanced too because I don't have a choice.

Medyo papansin siya sa lagay niya. He was exaggeratedly catching his breath and looking like a mess. He looks familiar though. Magulo ang suot na school uniform niya at hindi pa nakabutones ng maayos. His wavy brown hair was disheveled. Kusot pa ang slacks at nakasuot siya ng puting rubber shoes. And he's sweating. Wala man lang panyo pamunas.

"You're late, Mr. Ferreira."

"Yes, I am." Mayabang na sagot niya kaya natawa ang iba pero mas nainis lang ang matandang professor namin.

"Get in!"

He grinned cheekily and walked inside the room. Girls were giggling and papansin to him. Dahil nasa may pinakaharap at pinakagitna ako nakaupo ay malaki ang posibilidad na dadaan siya sa gilid ko. Kusang umangat ang kilay ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nawala ang mayabang na ngisi niya at napalitan ng gulat ang mukha. Saktong sa may gilid ko pa talaga siya napahinto.

I was confused with his sudden reaction. Mas tinaasan ko siya ng kilay at umirap dahil sa panandaliang paninitig niya. Hindi ko siya kilala but he looks familiar to me. Parang naging classmate ko na siya noon pero irregular o hindi ako sigurado kung saan ko siya nakita.

"Just sit on a vacant seat at the last row, Mr. Ferreira."

Natauhan siguro kaya naputol ang paninitig sa akin. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad at dumaan sa gilid ko. Pero dahil sa pagdaan niya at pagsabay ng hangin ng aircon ay lumapit sa akin ang amoy niya.

He reeks of alcohol! Parang kagigising niya lang dahil naglasing kagabi. Ang baho niya. Hindi ba siya naligo? Oh my god!

Napabahing tuloy ako ng mahina ng wala sa oras dahilan kung bakit nagsitinginan sa akin lahat ng mga classmates ko at may ilang natawa. Inayosnko ang salamin ko sa mata. I crinkled my nose and waved my hand infront to shoo the smell away from me. Dali kong kinapa ang panyo ko sa loob ng bag ko.

ROSE QUARTZWhere stories live. Discover now