Ang Bukayista kasi meron itong gustong isabi
Pero sa pakiramdam nito simula yun ng mga huli,Ano ba yun, tanong nang marami?
Isusulat na lang niya hanggang sa dumami.May ipapaalam na maaring nakita na
May ibubulong na matagal nang narinig ng tenga,Pasensya hindi ito patungkol sa mga mulat ang mata
Kundi doon sa maraming Pilipinong nagpapaka- tanga.Walang ritong pagmamataas o paghahambog
Katiwasayan at pagkapantay pantay ang nais ihandog,Kung makakayang gisingin ng pluma ang mga manhid at tulog
Di sabay sabay nating gawing malakas na himig yaong isinulat at maging kulog.Hangad ay maging maayos ang ating kinalalagyan
Nakakasawa na rin ang makitang nagdurusa ang kapaligiran,Lumagay lang tayo sa magandang asal at itanim sa puso ang kabutihan,
Ito ang simula ng huli; pag balik sa pananalig sa Maykapal, pag alam sa tunay na kahulugan ng buhay at pagkakaisa't pagmamahalan.Xedo Dekano
September 4 2023
12:05 am
cal.ct. Ph.
YOU ARE READING
Ang Bukayista ( simula ng huli )
PoetryIbat ibang pananaw , sari - saring panaginip , kuro - kuro sa buhay at kung ano-ano pa na isinusulat patula , layon ay makabigay ng kasiyahan sa mga magbabasa, makapagmulat ng kamalayan sa kaganapang ayaw pansinin , mahalin ang bayan at unawain ang...