8. POST

0 0 0
                                    

Wala dito malalaking suso't pinabakat na biyak
Maangas na yabang at komedyang nakakaiyak
Imbentong kuda ng Marites at mga puta
Mang uuto ng pakinabang sa ihahatag na pera

Sa presentasyong ganito kakaunti man ang gumugusto
Mapansin man o hindi tuloy lang po tayo
Sa mga pasabing katagang malapit sa katotohanan
Alay sa kapwa ko Pilipino upang  mapag-munian

Kapaligiran ngayon lubha nang mapanganib
Sa mga nagkalat na paglalarawang sa buti'y tigib
Gamit ang modernong armas nililigaw yaong kaisipan
Lumalayo na ang karamihan sa duyan ng katuwiran

Tunay kayang nililibang lang tayo't di dinidemonyo
Sa nagkalat na pino-post nilang mga bidyo
Ang promotor kaya layon ay guluhin
Mundo ay sa kadiliman balak nitong dalhin

Mag-ingat ang lahat maging mapanuri
Hindi lahat ng napagkikita'y katotohanan ang mithi
Maihahalintulad sa isang pag-ibig na lubhang pinaniwala
Sa pangakong masidhi subalit pagkadakay naglahong parang bula

Wala nga bang masama kung agad na tanggapin
Inaalok na kagandahang panlabas lang na pansin
Malimit nang makita ganitong uri ng panlilinlang
Subalit marami pa ring yumayakap at nagpapakahibang

Sa totoo lang uulitin ko nang may malinawan 
Sa post na ito nais kitang aralan at mapagsabihan
Tanggapin man o hinde hindi na yun mahalaga
Dahil ang tunay na katotohanan ay di nakikita ng mga may tabing ang mata*.

XD/
JAN 19 2024
11:48 PM

Ang Bukayista ( simula ng huli )Where stories live. Discover now