Kamusta ka na bai,
Naiba na ba ang iyong lagay?
Yung kalungkutan mong tinataglay
Di mo ba maputol at sa puso'y mariing nakasampay.Huwag umastang parang patay,
Madilim na mundo lagyan nang kulay.
Di ka naman nagiisa sa suliraning taglay,
Maraming nagmamasid sayo't naka-antabay.Tumayo ka na at sumabay,
Kumapit ng mahigpit sa nag-papalang kamay .
Muling magtiwala sa karanasang sisilay,
Kabutihan ng loob lumaging patnubay.Pasasaan ba bai, pag-asa ay kakaway,
Kalungkutan ay mapapalitan ng ligayang walang humpay.
Magtiwala sa sarili at sa Diyos na laging nakatunghay,
Tanging patnubay niya ang daan sa inaasam na tagumpay.Mga sinambit harinawa'y pumantay,
Pumareho nang tugma at isasaysay.
Ang bukas ay batiin nang walang panlulupaypay,
Tandaan ikaw ang maglililok nang imahe sa ninanais mong buhay.XD/ 03.30.2024
3:18 pm
YOU ARE READING
Ang Bukayista ( simula ng huli )
कविताIbat ibang pananaw , sari - saring panaginip , kuro - kuro sa buhay at kung ano-ano pa na isinusulat patula , layon ay makabigay ng kasiyahan sa mga magbabasa, makapagmulat ng kamalayan sa kaganapang ayaw pansinin , mahalin ang bayan at unawain ang...