May larawang nakasabit sa dingding
Isang imahe ng ikaw at ako
Mahal natin ang isa't isa noon, tayo'y nakangiti .
Pero tignan mo ang buhay natin ngayon
Lagi na lang may gulo sa lahat ng sandali
Isip natin at damdamin wasak na't nagkahati hati.Sabi mo mapangarapin ako, at ang uri nati'y kakaiba
Pareho tayong naghahanap ng perpektong mundo na alam nating malabong mahanap,
Kaya siguro kailangan ko ng umalis
Oo, at pumunta sa malayo
Masakit din iwanan ka pero kailangang bumagtas ng ibang pangarap.Mahihirapan akong kalimutan ka o baka hindi yun mangyari
Tunay ang inalay kong pagmamahal sayo ya'y di ko maitatanggi,
Pero kung mananatili ako sa iyong mundo lolokohin ko lang ang sarili ko
Dahil hindi na ikaw yan at malaon nang nawala yung dati.Tinatanong mo kung mahal kita
Bakit pa para ano?
Alam mo ang ginagawa ko ngunit ika'y naglaro't di naging totoo,
Kung mapapagaan nang mga salita ang situwasyon ito
Aaminin kong narito ka lang sa puso ko
Subalit buo na ang desisyon kong takasan na ang magulo mong mundo.Sa paglabas ko sa pintuan huwag mo ng asahan ang aking paglingon
Ayaw ko ng nakita lungkot sa iyong mga mata,
Tanggalin mo na rin yung larawan nating nakasabit sa dingding
Hindi na masaya wala ng halaga, paalam na maraming salamat sa bigay mong alaala.XD/ 09.02.2023
11:33 pm
YOU ARE READING
Ang Bukayista ( simula ng huli )
PoezjaIbat ibang pananaw , sari - saring panaginip , kuro - kuro sa buhay at kung ano-ano pa na isinusulat patula , layon ay makabigay ng kasiyahan sa mga magbabasa, makapagmulat ng kamalayan sa kaganapang ayaw pansinin , mahalin ang bayan at unawain ang...