Aping api na talaga pero ayaw pumalag
Yung iwing kalagayan hampas na sinasalag
Nag-aantay ng tulong na hindi natitiyak
Kailan ka ba kikilos kapag bungo na'y na biyak?Totoong ang laban ay napaka hirap
Kung ang armas na sinauna pa ang kayang iharap
Ganun pa man kung kawal ka ng bayan
Tatayo kang tapat hanggang sa kahuli hulihanAno pa ang umiral kung binatik ng aglahi
Kahihiyan dadalhin nang sawing lahi
Mas matamis pa ang makitil ng taas ang noo
Kaysa mabuhay na aliping warat ang buong pagkataoDadakilain ng kasaysayan ang prinsipyong di nagpatinag
Sa higanteng kaalit tapang ay pinagliwanag
Kung natumba man ang mahalagay tumayo
Nakipaglaban ng magilas walang balak yumukoAng kabiguan ay nagiging isang malaking tagumpay
Ibabalik ng kalikasan ang galak sa mga nanga-lupaypay
Ang katotohanan ang tanging magpapalaya sa sangkatauhan
Kaya huwag mabagabag kung pinahihirapanMay Diyos na nakasubaybay sa bawat ganap
Patuloy niyang sinusubukan ang mga tapat sa mapagpanggap
Ang pagpapala'y hindi lamang nakapirmi sa saya
Bagkos ito'y nagniningning din sa mga dumaranas ng dusaAng nagsusubi sa sariling buhay ay nawawalan
Karuwagan ay huwag matanin sa puso kundi kabayanihan
Kung kamatayan ang sasapit sa mga di nagpalupig
Ito'y tagumpay ng handog sa bayang minumutya't pinaka iibig.XD/ 03.26.2024
12;06 pm
YOU ARE READING
Ang Bukayista ( simula ng huli )
PoetryIbat ibang pananaw , sari - saring panaginip , kuro - kuro sa buhay at kung ano-ano pa na isinusulat patula , layon ay makabigay ng kasiyahan sa mga magbabasa, makapagmulat ng kamalayan sa kaganapang ayaw pansinin , mahalin ang bayan at unawain ang...