Letche talaga budget nami 'y di na magkasya
Dahil sa taas ng bilihin katiting na suweldo'y di makaporma
Bayad sa kuryente at tubig nagsi-doble ang bayaran
Bakit nagkaganito sobra nang pahirap ang nararanasanPangako nila buhay daw na maalwa
Babaha ang trabaho bansa ay sasaya
Subalit kabaligtaran ang nangyari walang nagkatotoo
Matiwasay na kalagayan noon ng sila ang nalagay ay nagkagulo-guloHindi naman talaga kasi paglilingkod ang kanilang abat
Kundi pakinabang na pondong nais nilang makulimbat
Nagsipasok sila sa pulitika kahit wala namang karapatan
Kundi pangalan at kasikatang yabang nilang puhunanMarami kasing tanga at ayaw gumamit ng utak
Pinaghahalal mga taong ang kaya lang e pumutak
Kaya ang bayan nasadlak sa malalim na pagdurusa
Habang mga tulad nila ang nasa pwesto kaginhawahan ng bayan hinding hindi madaramaKaya sala-salabat ang kwento tungkol sa mura
Meron patama sa mga lider pero kataka takang di nila iniinda
Sadyang kumapal na ang mga mukha nitong mga nakaluklok at nangungubyerno
Wala silang pakialam sa paghihirap ng mga Pilipino, Mga ahente sila ng demonyo.XD/ 09.03.2023
11:19 am
YOU ARE READING
Ang Bukayista ( simula ng huli )
PoetryIbat ibang pananaw , sari - saring panaginip , kuro - kuro sa buhay at kung ano-ano pa na isinusulat patula , layon ay makabigay ng kasiyahan sa mga magbabasa, makapagmulat ng kamalayan sa kaganapang ayaw pansinin , mahalin ang bayan at unawain ang...