A wonderful DAY

4 0 0
                                    

Isa nanamang bugbugang araw ang mararanasan ng mga trabahador na bumubuo ng Mae Sheila Flower Garden. Halos tatlong araw na rin na walang tigil ang trabaho doon dahil isa nanamang big event ang kanilang pagsisillbihan. Kilalang- kilala ang kanilang flower garden dahil nga sa magandang service nila at sadyang nabiyayaan ng magagandang ani ng bulaklak ang kanilang garden. Masayang-masaya ang may-ari na si Mae Shaen dahil sa tuloy tuloy na asenso ng kaniyang business. Marami ang nagsasabi na hindi bagay sa kanya ang naipamanang trabaho dahil nga sa hitsura pa lang niyang medyo boyish-pixie cut hair, no make-up, tall and wearing tshirt na maluwag at pants- totally she really looked tomboy- pero hindi alam ng lahat na ito lamang ang defense mechanism niya sa mga lalaking maaring manloko sa kaniya. Despite her looks kayang-kaya niyang mapatakbo ang kabuhayan na iniwan ng namayapang mga magulang niya namatay ito kasama ang kakambal niyang Mae Sheila sa isang car accident noong 16 years old pa lamang siya. Kahit may kakambal siya, lagi silang pinag-aaral sa magkaibang school upang maiwasan ang confusion sa kanilang dalawa . Graduation niya noon at papunta na ang kaniyang magulang at kapatid niya nang masangkot ang mga ito sa isang akidente. Nang maiwan siya ay sa kaniya nga naiwan lahat ng ari- arian ng mga ito at ang mabuting katiwala na si Mang Jomar ang nangalaga sa kaniya . 'Twins Flower Garden' ang dating pangalan ng garden pero iniba niya iyon ng panagalan ng kaniyang kakambal since ito ang tao na talagang close niya ngunit nawala ito kayat napagpasiyahan niyang ito ang ipangalan. nang matuto siya kung paano hawakan ang nasabing kabuhayan sa tulong ni Mang Jomar ay siya na nga ang talagang namuno doon. Boss Max ang itinawag sa kaniya since mas gusto niya iyon at mas bagay iyon sa looks niya.

"Pakilipat naman na ho yung mga blue roses roon sa basket baka makalimutan po ma-ilagay , malayu-layo pa naman yung pagdedeliveran natin niyan." ito ang utos ni Max sa mga trabahador na tinalaga niya sa pagbubuhat ng mga bulaklak papuntang truck. Nasa Manila ang venue ng kasal na pagdadalhan nila at kailangan pang madesignan ang venue at buakas na ang nasabing kasal malayu- layo ang biyahe dahil nasa isang bayan ng Sta. Cruz , Zambales ang kanilang flower garden. Ipinagdadasal ni Max na sana lang ay hindi papalpak ang trabaho roon ng mga flourist niya, kung hindi ay maaring masira ang pangalan ng kaniyang Flower Garden. Narinig niya sa wedding planner na suki nila na bigatin daw ang ikakasal, anak ng isang may-ari ng Telecom Companies ang groom at ang bride naman ay anak ng may-ari ng isang sikat na clothing line sa U.S. Wow medyo socialite ang pamilyang mabubuo dito. Love ng kaya ang dahilan ng kasalang ito?. Hay naku sa kanunuod ng teleserye niya yan pati buhay tuloy ng ibang tao pianapakialaman niya pa eh hindi naman mahalaga iyon sa kaniya.

CHINI-CHECK niya na ang mga bulaklak na upang walang maiwan nang dumating ang kanyang naging bestfriend na si Sandy.

"Hey Maxie! yan ka nanaman sa pag-kabusy mo." malanding pagkakasabi ni Sandy . Tinignan niya ito , magkaibang-magkaiba talaga sila nito. Si Sandy, maganda, sexy, maliit at feminine ang height, babaeng-babae talaga.

"Nandito ka nanaman? ano nanaman ang kailangan mo this time? Break na kayo ng boyfriend mo?" tuloy-tuloy na tanung niya. Tuwing pupunta kasi ito ay laging may problemang dala ito madalas ay ang pakikipagkalas sa kasintahan ang problema nito. Lagi niya itong tinutulungan at siya nga ang panggap na tomboy na boyfriend nito upang ma- turn-off ang real boyfriend nito at in seconds ay ito na ang magkukusang makipagkalas sa bestfriend niya. Nakakasawa na ngang gawin iyon dahil nai-issue sila sa bayan nila. Pero okay na iyon upang maitaboy niya na rin ang mga lalaking maaring makasakit sa kanya.

"Ano nanaman ba yang suot mo friend? So out of style!" hindi nito pinansin ang mga tanong niya.

"Eh bakit ba? Eh ito nga ang gusto ko. Bakit ba nga kasi nandito ka?" tanong ni Max na inis na inis na, pati ba naman pananamit niya papakialaman nito.

"Hanggang ngayon ba ay hindi ka parin nakakamove-on diyan sa past mo? aba girl mag iisa't kalahating dekada na. Hanggang ngayun eh yan pa rin ang personality mo?"

"Hanggang ngayun rin ba ay pag-tatalunan natin ito? Bahala ka pag naging babae ako hindi mo na ako matatakbuhan"

"Peace tayo diyan" bigla naman siyang niyakap nito.

"Kadiri ka, lumayo ka sa akin" natatawang biro niya rito. "bakit ka nandito?"

"Kasi. . ."

"kasi ano?"

"Pwede ka bang pumunta sa engagement party ko?" pahina nang pahina ang boses nito.

"Ano?! I-eengage ka na? abat parang isang linggo pa lamang kayo nagkakakilala. Maghunos dili ka naman." nagulat siya dahil alam niyang noong isang linggo lang nagkakilala ang bago nitong syota.

"Please last na ito." pagmamakaawa nito.

"Siguraduhin mo lang ha. Dahil hinding hindi na kita tutulungan." Paninigurado niya.

"I love you friend! Sa next next week pa naman ito at . . . ". Biglaan na tumunog ang cellphone nito. Sa liwanag palang ng mukha nito ay alam na niya kung sino ang tumatawag at iyon lang at nagmadali na itong umalis .

Hay nako hindi na siguro matiis ang boyfriend niya,hindi man lammang nagpaalam sa akin. Bestfriend pa bang matatawag iyon?

Hindi talaga siya makapaniwala na ganoon nga ang nagnyayari sa bestfriend niya , sana lamang ay last na itong ginagawa ng kaibigan niya.

Iyon lamang at nagpatuloy na siyang gawin ang ginagawa niya bago pa dumating ang bestfriend niya.

The Groom's "wicked" PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon