SAMANTALA sa Sta. Cruz Memorial Hospital. Dinala roon ang lalaking nawalan ng malay. Ginamot ito ng halos 12 oras sa emergency room at pagkatapos noon ay pansamantalang na confine ito sa private room ng hospital. Kinausap ng babaeng nasa late 20's na doctor si Mang Jomar upang ipaalam ang kalagayan ng lalaki.
" Ahm sir, kaano-ano niyo po ba ang lalaking ito"
"Ah anak ko ho iyan" pagsisinungaling ni Mang Jomar sa doktora. Binalaan kasi siya ng alaga niyang si Boss max na dapat ay bantayang mabuti ang lalaki at dapat na hindi makalayo. Patakaran pa naman sa ospital na iyon na kailangang ang mga kamag-anak lang ang may karapatang makausap sa kalagaya ng pasyente para narin sa security reasons.
"Napaka-gwapo naman ho niya manang-mana sa inyo, ah eto ho kasi ang mga naging problema sa kaniya. Nagkaroon po siya ng bali sa kanyang kanang braso at mga gasgas sa ulo othing serious naman po."
"Salamat sa diyos at ganoon lang ang nangyari medyo adventurous kasi itong anak ko eh."
"Pakitawag na lamang po ako kung sakaling magising siya" matamis na ngiti ang binigay sa kanya ng dalagang doktora. Halatang sinasabi sa kanyang ipakilala iyon sa anak niya.
"Sige ho doktora"
"Call me doc Belle nalang po" sinulyapan muli nito ang lalaking nakahiga sa hospital bed at lumabas na ng pinto.
Lumapit si Mang Jomar sa kama ng lalaki. Napabuntong hininga siya dahil nagka-anak tuloy siya ng wala sa oras dahil sa lalaking ito. Ano ba kasi ang naisipan nito at binunggo ang truck sa Garden at naisip naman ng alaga niyang huwag agad itong paalisin kung hindi lamang boyish ang alaga niya ay naiisip na na niyang baka naapektuhan din ang batang iyon sa kagwapuhan ng lalaking ito, katulad na lamang noog dalagang doktora.
BINABASA MO ANG
The Groom's "wicked" Plan
RomanceSabi nila lahat n nangyayari sa buhay ay dahil sa tadhana. Siguro nga totoo 'yon dahil may mga pagkakataon na talagang hindi inaasahan. It was really called tadhana. Some really hate this thing but most of the people really get through growing up LO...