KINABUKASAN makakalabas na nga si Maxx sa ospital at nagpapanggap pa rin talaga siyang nagka-amnesiya siya na hindi naman talaga malayong mangyari dahil sa may bandage ang ulo niya at kapani-paniwala ang akto niya. Mabuti narin lamang ay sinakyan ni Mang jomar ang palabas niya at na-iintindihan siya nito. Mukha pa ngang tinutulungan siya nito, bakit? Hindi alam ni Maxx. Hindi pa rin niya nakakausap ng maayos si Boss Max na inakala niyang lalaki noong una. Babae pala ito na bihis lalaki. Tomboy nga ba? Ay hindi niya rin alam. Marahil galit ito sa kanya dahil sa mga ginawa niya pero ang pagtawag niya ng "sir" dito ay baka ikatuwa pa nito, tutal pinoportray naman nito iyon. Pinauna na siya sa sasakyan. Wala siyang balak tumakas dahil mukhang magandang taguan ang bahay nito dahil matutunton siya kung sa lola niya siya magtago.
PALABAS na ng hospital si Mang Jomar at Max nang tawagin ng isang doktora si Mang jomar. parang may hinahanap ito
"Mauna ka na anak." Sabi sa kanya ng matanda.
"Mang Jomar! Ipaalam niyo ako kay Maxx ha?"
"oh sige."
Napatigil si Max dahil hindi naman siya kilala ng doktora at hindi niya kilala ito bt naman ipapaalam pa sa kanya?
Binaliwala na lamang iyon ni Max at tumuloy na nga sa sasakyan. Sa passenger seat siya umupo at nasa likuran niya ang lalaking pinangalanan niyang "hudas" dahil wala daw itong pangalan. Ilang sandali pa ay naaroon narin si Mang jomar at umupo sa tabi ni "hudas". Ala din niyang kanina pa nakatingin si hudas sa kanya pero walang epekto sa kanya iyon dahil tinnatalo niyon ng inis niya dito.
Abat parang sasalubong ng mayor ang mga ito. sabi ng isip niya dahil bakit naman hindi, nagkukumpulan kasi ang mga ito sa entrance at parang wala pang balak ang mga itong padaain sila. Nauna kasing bumaba ang mga nasa likuran niya at nahuli na siya dahil kinausap niya pa ang driver niya. Pagbaba niya, narinig niyang parang kinukurot ang singit ng ilang mga hardinera nila at nakatingin ang mga ito kay "hudas" naku at magiging problema pa ata niya ang pagtira ng hudas dito at mukhang hindi magsisigawa ang mga hardinera niya kung laging nakikita ito. Tumikhim siya at nagsitinginan naman sa kanya ang mga hardinera niya.
"Puwede na kayong magtrabaho muli" sabi niya sa mga ito.
"Amang dalhin niyo po siya sa guest room para ho makapagpahinga na yan"
Dinala nga ni Mang Jomar ang lalaki sa guest room at siya naman ay pumunta sa office niya upang makapagisip-isip.
SA office niya.
"What could be my plan for now? Kelangan ko na ba siyang pagbayarin kaagad? Uhm medyo baka hindi niya kayanin. Baka bumalik sa hospital yun, ako nanaman ang gagastos. Since magpapakabait muna ako okay lets give him a king's day. Then do some little more evil."
Nabuo na ang plano niya bibigyan niya ng ginhawa ang hudas na iyon at mga ilang araw ay maniningil na siya sa dapat pagbayaran ng lalaki. Ang monster truck ng hudas ay pinatago niya kung sakaling umalis at tumakas ito ay ibebenta niya ang mga bakal ng sasakyan nito. Pera nanaman yun naisip niya. Inaamin niya mukha siyang pera, dahil naiisip niya sa future ay magmamahal na talaga ang bilihin at kung sakali lang na malugi ang kanyang business ay may naipundar siyang pera para sa kanya at sa mga trabahador na bumubuo ng Mae Shaen Flower Garden. Oo mabait siyang Boss pero pag business niya ang tinatalo ay roon nagiging masama siya. Katulad na lamang ng nangyayari ngayon. She will do a great revenge. Pero magbabait- baitan muna siya. For now.
PINATAWAG niya ang kasambahay niyang nagluluto para sa kaniya at nagpaluto siya ng pagkain na para sa may sakit at ipinagutos niya sa isang trabahador niyang ipagbili rin ito ng mga prutas. Nang kompleto na nga mga dadalhin roon ay ipinadala na niya iyon.
"bakit naman nagkunwari kang walang maalala?"bulong lang ang usapan nila upang walang makarinig
"bakit naman ho nagsinungaling kayong anak ninyo ako? Eh, hindi naman tayu magkamukha."
"iho ganito kasi iyan, mahirap nang magsabi na hindi kita anak dahil walang gagamot sa iyo dito kung wala kang kamag-anak at isa pa walang tutulong sa iyo dito dahil nanditorin ang sasakyan mo wala kang malalapitan dahil malalayo ang kapitbahay rito. Kelanagan talaga ng sasakyan" totoo iyon dahil halos wala ngang kapitbahay ang lola niya
"By the way Manong nasaan po yung sasakyan ko? Kamusta ho?"
"Ang sabi sa akin ay ipinatago raw iyon ni Boss.hindi ko naitanong kung nasaan"
"Mabuti na ho iyon na naitago iyon upang hindi ako matagpuan kaagad"
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa akin kung bakit nagtatago ka."
"promise ko ho manong na hindi naman ako kriminal para magtago. Ay tinataguan lang talaga ako."
"ayhhh
Hay sana nga ay hindi ka nagsisinungaling sa akin, sa oras na magsinungaling ka sa akin ay ako ang magpapaalis sa iyo rito at maglakad kang magisa pabalik sa kung saan ka galing"
Parang ang hirap nun ah, sorry manong nagsisinungaling na ako,kaunti lang naman ito manong unting tiis pa sa white lies ko.
"Sa tingin niyo manong eh okay lang ang boss niyo? Parang kakainin na niya ako kanina ."
"Naku huwag kang mag-alala roon isa na ata sa pinakamabait na boss iyang si Boss Max eh."
Biglang bumukas ang pinto at may dalang pagkain aang kasambahay na nadaan nila kanina.
"Sir Pogi, narito na ho ang pinadalang pagkain ni Boss Max. Kainin niyo raw po upang gumaling kayo." Sabi ng kasambahay.
"Sinong Sir Pogi?" ang tanong ni Mang Jomar
Tinatanong pa ba iyan? Ang sasabihin sana niya. Natural na siya, hamak na mas pogi siya sa may dala ng prutas no.
"siya po Mang Jomar" sabay tingin sa kaniya. Napangiti siya at lalo pang kinilig ang kasambahay.
" Sige ipasok niyo na yan at Gemma ikaw na ang magpakain sa kaniya at hindi pa iyan makagalaw. Pupunta muna ako sa Boss at kakausapin ko."
"sige po!" kilig na kilig pa ito sa isiping ito ang magpapakain sa kanya.
Umalis na si Mang Jomar.
"Amang! Nandito ho pala kayo." Nakasilip siya sa balkonahe ng opisina niya upang makita ang ilang kaganapan sa loob ng pamamahay niya kung nasaan yung kanyang bisita na si hudas.
"hija, anong nakain mo? Noong isang araw lang eh parang gusto mo na siyang i-salvage, ngayon napakabait mo na." nakangiti ito.
"Hay nako Amang hindi po tama iyang iniisip niyo. Bato na po itong puso ko at sa po ay maintindihan ninyo. Bawal na ho bang i-entertain ang bisita natin?" I think hudas is enjoying himself. Hhintayin lang nito at 2 araw na lamang ang buhay-mayaman nito.
"Hija ayuko iyang ngiti mo iba yan ha? Wag ka sanang magsisi sa mga gagawin mo"
"hindi po ako magsisisi Amang!" ngiting ngiti siya.
BINABASA MO ANG
The Groom's "wicked" Plan
Roman d'amourSabi nila lahat n nangyayari sa buhay ay dahil sa tadhana. Siguro nga totoo 'yon dahil may mga pagkakataon na talagang hindi inaasahan. It was really called tadhana. Some really hate this thing but most of the people really get through growing up LO...