LUMIPAS ang ilang oras narating na ni Max ang ospital. Pinag-handaan niya ang sasabihin niya sa lalaking muntikang sumira ng pangalan niya. Lumapit siya sa nurse station at hinanap ang hospital room nito. Nahanap niya ang silid at pabalagbag niyang binuksan ang pintuan nito. Mabilis niyang nalapitan ang kama at hinawakan sa kwelyo ang natutulog na lalaki. Nagulat naman si Mang jomar at pinalayo siya sa lalaki. Gulat na gulat naman ang lalaki. Dahil naistorbo ag tulog nito o kaya nagulat sa kanyang ginawa at itsura niya. Ikaw ba naman masugod ng galit sa pagtulog mo tapos tomboy pa ang tingin sa iyo. As in siguro shock ito dahil dati siyang tinawag na "sir" nito pero ang totoo ay babae siyang bihis lalaki.
"teka lang Max !" ang sabi ni Mang Jomar.
"Sino kang hudas ka ha? Ipapakulong kita, alam mo bang hindi ko nadeliveran ng mga bulaklak na nasira mo ang kasal na ngayon ginaganap ha?"
"Pasensiya na hindi ko talaga maalala ang pangalan ko" napatingin at napatigil silang dalawa ni mang Jomar.
"Amang, totoo po ba ang sinasabi niya?"
"O-oo anak totoo iyon at wala rin siyang identity since wala siyang mga dala maliban sa sasakyan niya iyon lang" naniniwala siya roon dahil pinahalughog na rin niya ang sasakyan nito at wala talagang kalaman laman.
"Paano iyan Amang hindi maari na ganyan na lamang at hindi natin iyan pagbayarin."
"Eh di iuwi natin hanggang maalala niya kung sino siya, ayaw mo namang pakawalan yan agad hindi ba?" tama ang naisip nito at biglang may pumasok sa isip niya . Pagbabayaran nito ang mga ginawa nito.

BINABASA MO ANG
The Groom's "wicked" Plan
RomanceSabi nila lahat n nangyayari sa buhay ay dahil sa tadhana. Siguro nga totoo 'yon dahil may mga pagkakataon na talagang hindi inaasahan. It was really called tadhana. Some really hate this thing but most of the people really get through growing up LO...