Wonderful day became the cursed Day!

2 0 0
                                    

Natapos niya ang kanyang ginagawang pag eeksamin sa mga idedeliver. Kulang na lamang ay ang approval niya sa pag alis-ng truck. Nasa bungad na ng kaniyang flower garden ang truck at handa na siyang tumalikod papunta sa pinaka-opisina niya, nang may marinig siyang bungguan ng mga bakal na animo sa sasakyan nanggaling. Tama nga siya dali- dali siyang napalingon sa kinaroroonan ng truck na handa na sanang mag-deliver, gayundin ang mga taauhan niya na hindi maka-galaw sa shock, hayun isang monster truck na sasakyan ang bumangga roon. Nakataob ang truck at sabog-sabog ang mga bulaklak na nasira pa at hindi na maari pang gamitin. Nakuwala na kaming ipapalit sa mga bulaklak na iyan ,isip-isip niya. Mabuti na lamang at wala ang driver roon kundi injury ito sa lakas ng impact. Patakbo niyang pinuntahan ang naturang banggaan at dali-daling nag-init ang ulo niya nang hindi pa umiibis ng sasakyan ang may sala rito. Napagpasyahan na niyang sugurin at akyatin ang napakataas na pintuan nito at walang takot na binalagbag niya pabukas ang pintuan na swerteng hindi naka-lock. Nakakita siya ng dugo, marami iyon. Napadako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa driver's seat at hinaklit niya ang polo rin nitong duguan. Wala na siyang pakialam kung mamatay man ito dahil hindi niya ito ka-anoano. Sa gulat niya at hindi niya napaghandaan na pabagsak sila sa lupa.

Napapikit siya at naramdaman ng likod niya ang malambot na lupa ngunit parang mas nararamdaman niya ang tigas at bigat na nasa harapan niya na halos ikaipit na niya. She smell a strong man scent at doon nga ay napadilat ang mga mata niya bahagya niyang nakita ang mga abuhing mata, matangos na ilong at labing kay-pula she saw something in her mind like telenovela kissing scene.arrgh kainis nandito ako sa sitwasyong ganito at ito naman ang naiisip ko. Naiinis siya sa sarili. Bumalik ang inis niya nang bahagyang ngumiti ang labi nito. Abat naisip pa nang lalaking ito na ngumiti, panigurado hindi ito makakangiti sa mga susunod na araw ng buhay nito!. Handa na niyang bulyawan ito ngunit bumagsak ang ulo nito sa left side ng balikat niya at narinig niya ang mga sinabi nito.

"Sir, Pakidala naman ako sa Hospital". Napaka-ganda ng boses nito like a singer.But wait did he just call him Sir?!.

"WHAT the..." hindi niya maituloy hey, hindi siya tinuruang magmura ng mga magulang niya pero parang gusto niya isumpa sa libingan ng mga ito na patawarin siyat sasabihin niya ang mga narinig na niyang mura para sa lalaking ito. Hindi niya ito mapapalampas.napapikit na siya sa inis. Maya-maya amang ay hayun at napalibutan na siya ng mga trabahador niya at lintik wala sa mga ito ata ang may gustong tulungan siya. Naiisip na rin niyang awkward ng posisyon nila ng lalaking ito- Man above her or her over the man, yeah disgusting, maybe. What? Bakit may maybe, gusto mo?- alam niyang namumula na rin ang kanyang pisngi na matagal nang hindi nangyayari sa kaniya. Hayun at si Mang Jomar ang tumulong sa kanya. Iginulong nito ang lalaking nakadagan sa kanya at hinila siya nito patayo. Napayakap siya sa taga-alaga niya. Ilang segundo ay napagpasyahan niyang sabhihin kay Mang Jomar na dapat ay maidala na sa ospital ang lalking duguan.

"Okay ka lang ba iha?" halata ang concern sa mukha nito

"Amang, kailangan na natin siyang maidala sa ospital bago siya maubusan ng dugo" sinabi niya ito nang may pag- aalala na higit pa sa pagaalala ng matanda sa kaniya.

Ngumiti ang matanda nakita niya iyon. Hindi niya alam kung bakit nainis siya kung kayat idinugtong niya.

"Para na rin ho paggaling ay magisa na natin ang isang yan." Masungit na dugtong niya. Iyon ay ikinagulat ng matanda.

Mabilis na pinagtulungang buhatin ng mga trabahador niya ang lalaki dahil sa tingin niya ay sa six feet at bigat nito na hindi niya napaghandaan kanina. Ipinunta ito sa isang sasakyan doon sa kanila at sumama doon si Mang Jomar upang maasikaso sinabihan siya nitong tumawag na nga roon sa Wedding planner na kumuha ng serbisyo nila. Nagsimula na siyang maglakad pero narinig din niyang nagtsitsismisan ang ilang hardinera niya.

"Abat naku sayang ang kagwapuhan noon 'no parang napuruhan"

"Naku sayang at natakpan ng dugo ang mukha. Teka mayaman din ata iyon tignan mo ang sasakyang dala, wala ata niyan sa Pilipinas eh"

"Eto talaga napakaswerte ni Boss Max at nakaface to face niya si pogi kanina parang malapait nang mag-kiss eh. Nakita niyo ba yon?" sabi ng isa na ikinalingon ni Max.

Nabahala ang mga ito sa tinging ipinukol niya. Kung kayat biglaang naghiwa-hiwalay ang mga ito at naghanap ng ibang pagkakaabalahan dahil nga tapos na ang mga trabaho nito since tapos na ngag na- harvest ang bulaklak na para sa kasal bukas.

Shocks! Yung mga bulaklak!. Nagmadali na siya at nakalimutan na pagsabihan ang mga hardinera niya at tinungo ang opisina upang tumawag sa pinaka-linya ng opisina ng Wedding planner na nag-hire sa kanila. Aabutin na niya ang pinto ng office niya nang tumunog ang personal cellphone niya. Si Xyriel iyon. . .ang WEDDING PLANNER. Alam nito ang personal cellphone number niya at mukhang seryoso ang magiging usapan nila dahil personal cp number pa niya talaga ang tinawagan. But wait, baka pinapamadali niya na ang orders. Omg! Anong gagawin ko?. Parang ayaw niyang sagutin ang tawag. Bandang huli ay sinagot na niya dahil nga face your fears daw.

"H-Hello?"

"H-hey Max" boses may problema nga ito.

"Ah eh kailangan niyo na ba yung orders? Ah ito papadala ko na, actually tatawag na sana ako kaso naunahan mo na ko." Tuloy-tuloy niyang salita at di na pinasingit ang kausap.

"Ah-eh Max kasii ..."

"Kasi ano..?" ano ba yan bat ang hilig mambitin ng salita itong mga kaibigan niya? Pinapawisan na siya oh.

"Kasi hindi pa daw matutuloy yung wedding tommorow. Pasensiya na talaga kasi alam kong nai-ready na iyong mga bulaklak na ailagan bukas .." nagsimula na itong umiyak habanag siya ay hindi mapigil ang ngiti. "hayun nakakaguilty talaga kasi medyo marami-rami ang nasayang" patuloy nito sa salita nito.

"Marami nga ang nasayang" mula sa kawalan niyang naisabi. Muli namang humagulgol ito.

"Okay lang sa akin iyon, buti nga hindi ko pa napa-deliver" pag-aalo niya.

"Ti-triplehin nalang daw yung bayad sa iyo nung dad ng groom para naman daw hindi lugi dahil alam niyang off season ngayon ng mga flowers mainit at laganap ang el nino"

Sa narinig niya ay parang may lumabas na peso sign sa mata niya at kumikinang iyon.

"Super okay lang talaga! Walang problema"

"Sure ha, so it's okay na sa problema natin? Thank you talaga Max, maasahan ka talaga babawi nalang ako sa iyo next time pag may event na susunod, sa iyo ulit ang kuha ko. Okay gotta hung up na, marami pa kasi akong ika-cancel, thanks ulit."

Siguro ang ngiti ni Max ang hanggang langit na kasi akala niya katapusan na niya ngayung araw na ito dahil sa nangyari. Tumingin siya sa itaas. " Mom, Dad and Shei thanks ha. I know tinulungan ninyo nanaman ako this time." Iyon ay natural na ginagawa niya kapag may mga problema siyang nalulutas. Nakarinig siya ng bumagsak na container at sumilip siya sa bintana at iyon nga inaayos na ng mga trabahador ang truck at monster truck ng lalaking nakabangga roon. May isa pa pala siyang problema- ang lalaking maaring makasira ng pangalan ng Flower Garden niya at tumawag sa kaniya ng SIR.

The Groom's "wicked" PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon