Chapter 2

9 3 0
                                    


"Tara na?"

Nilingon ko si Ash na nakasandal sa may tapat ng pinto at mukhang inip na inip na.

"Yes, magsusuklay lang ako."

"Sa kotse mo na gawin 'yan. Uwing-uwi na ako."

"Wag mo nga akong madaliin, baka mabwisit lang ako sa 'yo."

"Sorry naman, bakit ba kasi ang tagal mag-ayos at kumilos ninyong mga babae?"

"Ano ba ang pakialam mo doon? E, sa matagal kung sa matagal kaming kumilos, may magagawa ka?"

"Fine, wala na akong sinabi. Anyway, tumatawag na kasi si Dad at tinatanong kung nasaan na tayo."

"'Di sabihin mo na nandito pa, ka basic lang. Tara na nga!"

Inunahan ko na siyang lumabas ng pinto at naglakad papuntang elevator.

"Sorry na." Paghingi niya ng depensa pero bumubulong-bulong naman siya.

Pagkalabas namin ng hotel ay sa parking lot na kami dumiretso.

"Gagamitin ba ni Tito Dad ang sasakyan?" Tanong ko kay Ash pagkapasok ng kotse.

"Hindi naman since 'yung isa ang gagamitin nila pero kasi alam mo naman sila nag-aalala lang lalo pa at kasama kita." Sabagay. Knowing Ash's parents talagang anak na rin ang turing nila sa akin.

"Bilisan mo na lang siguro magmaneho para agad na tayong makauwi."

Habang umaandar ang sasakyan ay biglang nag ring ang phone ko. Nangunot pa nga ang noo ko dahil isa itong unknown number.

"Sino ito?" Nagtatakang tanong ko mula sa kabilang linya pagkasagot ng tawag.

Wala ng hello, hello direct to the point na.

"Hi, this is Theo." He said in a low husky voice.

Parang kakagising niya lamang.

"Theo? Bakit ka naman napatawag?"

"Nakabalik ka na ba ng Pampanga?"

"On the way na kami."

"What a shame. Iimbitahin lang sana kita for lunch pero sa Pampanga na lang, pwede ba?"

Napaisip muna ako kung wala ba akong gagawin mamaya pag-uwi.

"I'm okay with that, but what time?"

"Dinner would be good. Around 6?"

"Sige g."

"Okay, thanks! And have a safe drive."

"Teka, libre ba?" Dahil kung hindi ay 'wag na lang.

"Nothing to worry. It's on me, so just bring yourself."

"Nice! See you later."

Mabuti naman at libre dahil wala na akong pera at kasalanan ito ng katabi ko ngayon.

Pagkababa ng tawag ay agad na nagtanong si Ash.

"Where is that?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Anong where is that?"

"Hina mo naman, ang ibig kong sabihin ay sino 'yon?"

"Siraulo ka pala eh, who is that kasi! Si Theo iyon nag-aaya ng lunch ang kaso pabalik na tayo kaya dinner na lang daw mamaya. Pumayag ako kasi wala naman akong gagawin no'n."

"Nagpaalam ka na ba?" Masungit na an'ya.

"Hindi pa, kaya nga ipagpapaalam mo ako."

"Kapal naman ng mukha mo."

More than one ChancesWhere stories live. Discover now