Alea's POV:
"Kumusta ang race?" Nakasandal ako sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mga mata nang maramdaman ko ang presensya ni Ash.
Kilala ko siya kahit hindi ko nakikita.
"Talo." Nagmulat ako ng mga mata at nakitang naka-upo na siya sa lamesa.
"Sinong tumalo sa 'yo, si Theo ba?" Nakangising tanong ko.
Speaking of which, apat na araw na ang lumipas nang huli ko siyang makita.
"Hindi." Bakas ang inis sa boses niya na parang proud?
"'Yung Belvedere?" 'Di ko siya kilala pero nabanggit siya ni Theo noon.
"Si Madam, Aryka." Namamangha na nakatingin ako sa kaniya.
"Seryoso pala na sumali siya?"
"Oo. Halimaw sa car racing, wala pang sinasanto."
Wow, sana sumama pala ako kahit ayaw kong makita si Theo para naman napanood ko si Aryka.
Girl crush ko kaya ang anghel na 'yon. Sino ba ang hindi?
"Hey, guys." Speaking of the angel.
"Congrats, girl. Nanalo ka pala sa race niyo." Agad kong bati sa kaniya.
Nagtaas siya ng kilay pero ngumiti naman pagkuwan.
"Basic." Nakapamulsa siyang na-upo sa pwesto niya.
"Pinagbigyan ka lang namin kasi babae ka." Nagyayabang na boses ni Ash. Ulol nito.
"Oh, really, Ash? If I still remember it correctly, you are in the last place in our car racing." She said sarcastically.
"Tsk! Liaring ka!" Angal naman ng napipikon na si Ash.
Habang nagtatalo sila ay tumayo ako sa kinauupuan ko nang mag-ring ang selpon na nasa bulsa ng aking palda.
Nakakunot ang noo na lumabas ako para sagutin ang unknown number.
"Hello? Laxamana, Alea speaking."
"Louise."
Nandilim ang paningin ko nang mahimigan ang boses nito. Malinaw pa sa bright kung kaninong boses ito. At malinaw pa siya sa pandinig ko mula ng araw na 'yon.
"What the fuck do you need, Theo?"
"Busy ka ba?" Malamlam ang boses niya.
"Pagdating sa 'yo, oo." Iritadong sagot ko.
"Hindi ka pwedeng maging busy. Can we meet?"
Decision yarn?
"Wala akong sasakyan. Wala na akong pera para sa pamasahe. Wala akong pera kung aayain mo akong kumain sa labas kaya uuwi na ako niyan dahil gutom na ako. Galit din ako sa 'yo."
"Woah! Calm down, Miss. Susunduin kita paglabas niyo, what time? 6 pm sharp. Libre ko na ang mga pagkain na gusto mo, makipagkita ka lang sa 'kin. And, makikipagkita ako sa 'yo para mawala na ang galit mo."
"Ang dami mong sinabi." Tyaka sigurado ba siya na kapag nakipagkita siya ay mawawala na ang galit na nararamdaman ko?
"Ikaw din naman. Alright, fix na ang usapan. Expect my car in your school at exactly 6 pm at the school gate."
Hindi pa ako nakakasagot pero napatay na niya ang tawag.
Tinignan ko ang relong pambisig at ayon dito ay 5:30 pm na. Ilang tick na lang ng clock at alas sais na.
YOU ARE READING
More than one Chances
RomanceIf you love someone, even if they make a mistake, you will forgive them once, but in Alea's perspective, she's willing to forgive him more than once. Theodore Barett that bastard playboy! (Light Series #2)