Tatlong beses silang naglaban-laban bago napagpasiyahang huminto na. Apat na ikot iyon sa isang malawak na race field kaya ilang oras din sila.
Humihinto lang kapag nasa finish line na at magpapahinga lang ng saglit. At hindi mawawala ang pagbabayad muna ng pustahan bago maglaro ulit.
And for those four games, they all won.
Unang nanalo ay si Theo, dalawang beses na magkasunod, pagkatapos si Delvian, at huli si Ash na ngayon-ngayon lang.
Malay ko ba sa mga ito, nagsalitan lang ng mga pusta.
Siyempre mukhang hindi sila natutuwa roon base sa mga mukha nilang pinaghalo-halo ng ekspresiyon.
"Ang pangit niyong kalaro." Nakasimangot na aning Delvian.
"E, di huwag ka ng makipaglaro sa amin. Wala nga lang kaming choice kaya pumapayag kami sa yaya mo."
"Lumabas na ang iyong true colors, masama talaga 'yang attitude mong German ka! I hate you."
"Ah, talaga ba? Nagreklamo ba ako sa hilaw mong tagalog? At diyan sa buhok mong natatamaan ang mukha ko dahil sa haba? Ganiyan ba kayong mga Russian? I hate you too!"
Nagsasalitan na lang kami ng tingin ni Ash sa kanilang dalawa dahil sa salitang bato nila ng salita.
"Madam, sure ka na bang magiging bayaw ko ang hindi purong pinoy na 'yan?"
"Tigil-tigilan mo nga ako, Ash. Hindi ko papatulan si Theo."
"Let's see." Naglakad siya palapit kina Theo para umawat. "Stoping, guys. That's rude."
"Isusuplong kita kay Kaiden."
"Magsumbong ka! As if I care? Tiyak naman akong pagagalitan ka lang no'n."
"Tsk!"
Nagmamartsang umalis si Delvian at pinaharurot na ang kotse.
"Umuwi na rin tayo, Ash. Hapon na."
"Naku, madam. Kailangan ko pang ipalinis ang kotseng gamit natin kanina kasi bilin 'yon ni Dad, pagkatapos no'n ay kukunin ko ang result ng check-up ko sa ospital, and then susunduin ko si Tita Normy sa airport dahil uwi niya ngayon. Ayos lang ba sa 'yo?"
"Ang dami mong dahilan! Sabihin mo na lang na ayaw mo akong ihatid pa-uwi."
"Ihahatid naman kita, hindi nga lang agad. Gusto mo ba ihatid kita hanggang sa sakayan?"
"May pagpipilian ba ako?"
"Ihahatid ko siya."
Sabay kaming lumingon ni Ash sa pinanggalingan ng boses. Si Theo iyon na nakatayo sa harap namin.
"Ayoko."
"Sige."
Salubong ang kilay na hinarap ko si Ash.
"Madam, nag-insist na siya kaya pumayag ka na lang."
"Hindi mo ba alam na may kung sinong demonyo ang nandiyan sa lalaking 'yan para magtiwala ka?"
"I hope you're aware that I can hear you, Louise."
"Ano naman? Mabuti nga, eh, para aware ka kasi parang hindi mo alam."
"Sige na sige na, Madam." Halos buhatin na ako ni Ash para lang mapasakay sa kotse ni Theo at nagtagumpay naman ang mokong.
Wala na tuloy akong nagawa ng mailagay niya na ang seat belt.
"Sorry, Madam." Hingi ng tawad ni Ash bago ako halikan sa noo at isinara ang pinto ng kotse.
Naiinis na humalukipkip na lang ako at hinintay ang pagpasok ni Theo.
YOU ARE READING
More than one Chances
RomanceIf you love someone, even if they make a mistake, you will forgive them once, but in Alea's perspective, she's willing to forgive him more than once. Theodore Barett that bastard playboy! (Light Series #2)