"Kanina ka pa?"
Tanong ko pagkalapit sa kotse ni Theo.
"Hindi naman."
Tulad ng mga nakaraang araw ay pinagbuksan niya ako ng pinto at siya ang nag seatbelt sa akin.
Humalik siya sa noo ko, "Be good." Aniya sabay gulo ng buhok ko bago lumipat sa kabila, pasakay ng driver seat.
Ugali niya na ba ang gumulo ng buhok ng may buhok? Nakakainis kasi.
"Hindi mo naman kailangang sundin ang sinabi ni Mommy."
"Ayos lang, wala naman akong ginagawa. Maybe you forgot that the reason why I'm here in the Philippines is for vacation."
"You're just tiring yourself." Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata.
"Isipin mo na lang na pasasalamat ko 'to para sa pagsama mo sa akin."
Right. Dahil lang talaga ito sa ginawa ko para sa kaniya.
Why did I even think that it was a sweet gesture of him?
"Whatever." Humalukipkip ako at itinagilid ang ulo papunta sa bintana.
"Louise." He said in a low husky voice.
"Hm?"
"Hindi ka pa nakakaisip ng ihihiling mo?"
"Ano?"
"'Yung sampung hiling mo sa 'kin."
Nagmulat ako ng mga mata at matamang tumingin sa kaniya.
Nabigla ako dahil nakatingin na siya sa akin pero hindi ko iyon pinahalata. Nakatigil na rin pala ang sasakyan sa tabi ng daan.
"Kung hihilingin ko na tantanan mo na ako gagawin mo ba 'yon para sa 'kin?"
Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita.
"Hindi." Ani niya na puno ng confidence.
"Bakit naman?"
"We still need each other."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Basta. Isipin mo na lang na hindi pa kita kayang bitawan."
Ngumiti siya at bumalik na sa pagmamaneho.
Hindi ko siya ma gets.
"Kapag naisip mo na kung anong gusto mong hilingin sa akin, tawagan mo lang ako and I'll make time for you."
"Yeah, yeah." Walang buhay na sagot ko.
Sa totoo lang ay hindi ko naman alam kung anong hihilingin sa kaniya. Maliban sa gusto kong tigilan niya na ako.
Mabilis lang naman kaming nakarating sa bahay dahil walang traffic.
"Hi, Mom." Bati ko kay Mommy pagkapasok ng bahay.
YOU ARE READING
More than one Chances
RomanceIf you love someone, even if they make a mistake, you will forgive them once, but in Alea's perspective, she's willing to forgive him more than once. Theodore Barett that bastard playboy! (Light Series #2)