Chapter 13

9 1 0
                                    

Napag pasyahan ko mag mall ngayong sunday. Gusto ko naman kasi makakita nang new faces. Nag sasawa na ako sa mga pagmumukha nila Ed, kuya Pat at mga tao sa school, joke. Syempre mag bo-boy hunting ako, nakakamiss lang. At tyaka para bawas stress sa mga practice namin sa cheerdance at sa nalalapit na exam namin. Bwahahahaha. Oo na alam ko naman malandi ako.

Sa food court ako nag istambay. Ganito lang naman din kasi minsan ginagawa ko sa mall. Hindi ako nag sha-shopping o kung ano ano. Nag babasa lang ako ng libro usually at bibili ng pagkain, ganun. Boy hunting lang din talaga pinupunta ko eh. Haha!

Yayayain ko sana si Austin ngayon dito sa mall kaso may practice kasi sila ngayon sa cheerdance, hindi pa kasi nila nabubuo cheerdance nila.

Nagbabasa lang ako ng libro hangang maboring ako. Wala naman kasing pogi. Mehehe.

"Ano ginagawa mo dito?"

Pagkatingin ko, si Audric pala. Nag handshake kami bago ako sumagot.

"Nagbabasa ng libro at boy hunting."

Umupo siya sa harap ko, "What? Boy hunting?"

"Yep." Sinarado ko na yung libro ko, "Eh ikaw?"

Nagkibit balikat siya, "Trip ko. Oh bakit ka nakasimangot?"

Ngumuso ako, "Wala kasing pogi" Sagot ko.

"Pogi naman tong nasa harap mo." Bigla akong napatawa, kambal nga sila ni Austin. Ganyan din sinasabi sakin minsan eh. "Wag ka nga, diba crush moko?

Napatingin agad ako sakanya,

"Hindi no!" Sigaw ko. Napatingin tuloy yung ibang tao pero nawala din naman agad ang tingin nila.

"Ows?" Asar niya.

"Hindi nga!"

"Sus. Alam kong kinikilig ka tuwing kasama moko. Don't even deny it." He smirked.

Nanlaki mata ko but then i gave up,

"Oo na! Crush kita. Masaya kana?"

His smirk grow bigger, "See? I knew it."

"Whatever!"

Oo, crush ko siya. Masisisi ko ba sarili ko? Gwapo nga kasi siya! Tapos isama niyo pang minsan nilalandi niya ako, charot. Syempre kikiligin ako! Hay, ang landi ko talaga. Kainis!

"Pero hindi ako masaya." His face became blank. My forehead creased in confusion.

"Bakit? Dapat maging masya ka na nagka crush sayo ang isang katulad ko na ubod ng kagandahan." Bigla siyang umubo, kainis to! "Swerte mo nga na naging isa ka sa mga crush ko. Meaning ang gwapo mo dahil 100% gwapo talaga lahat ng nagiging crush ko."

Proud pa ako sa lagay na yan! At narealize ko na pinapalaki ko lang yung ulo niya sa mga sinabi ko pero nung tinignan ko naman siya, mukha namang hindi lumaki ulo niya. Good. Nakatingin lang siya sa lamesa at para malungkot,

"Yun na nga eh, isa lang ako sa mga crush mo. Dapat pag crush moko, ako lang."

Feeling ko nalaglag hangang floor yung panga ko sa sinabi niya. Bago pa ako maka pag react sa sinabi niya ay may lumapit saaming babae. Nakikipag kilala kay Audric. Siya na gwapo!

Naguluhan ako doon sa sinabi ni Audric nun, mukha kasi talaga siyang malungkot at para bang meant niya talaga yung sinabi niya but then naisip ko baka nilalandi lang ako nun o kaya pinapasaya dahil alam niyang kikiligin ako dun sa sinabi niya. At isa pa, may girlfriend siya. Andyan si Lyanne so bakit naman siya malulungkot na ang dami kong crush? Diba? Wala namang gusto saakin yun. Kalokohan talaga yung lalaking yun.

Buong week wala namang nag bago sa samahan namin. Mukhang wala lang naman sakanya na may crush ako sakanya at ako naman wala lang din naman saakin eh. Di lang din naman kasi siya ang crush ko at si Tristan ang ultimate crush ko.

Last practice na namin ngayon para sa cheerdance para makapag review daw kami ng maayos para sa exam next week tutal natapos na din naman namin yung cheerdance namin. Mag pra-practice nalang daw ulit pagkatapos ng exam and then tadah!!! Intrams na namin nun.

Medyo hindi ako naka concentrate sa practice namin ngayon. Parang lumilipad utak ko. Pero wala naman akong iniisip.

"Penny from your thoughts?"

Napatingin ako sa baba, kay Audric. Kausapin ba naman ako habang nag pra-practice kami at nasa ere ako. Iba ring klase tong lalaking to.

"Wala, iniisip ko lang yung gwapong nakita ko sa daan kaninang umaga." Sagot ko lang kahit hindi totoo. Wala naman kasi nga akong iniisip diba? Lumilipad lang talaga ang utak ko.

At dahil nasabi ko yun ay naalala ko nga yung nakita kong gwapo sa daan kaninang umaga. Kaso gf niya yata yung kasama niya. Pero okay lang. Ang cute nga nun eh, sabay sila ng gf niya pumasok ng school.

Bigla siyang sumimangot. "Puro lalaki iniisip mo.. Hoy focus ka nga sa pag pra-practice"

Adik ba to? "Ikaw kaya! Kinakausap moko eh, sinagot ko lang tanong mo." Tinaasan ko siya ng kilay.

Bigla naman siyang ngumisi. Pff.

Habang nag prapractice kami biglang pumasok sila Tristan kasama ang ibang barkada niya dito sa gym. Omg. May practice din pala sila ngayong saturday. Malamang malapit na intrams eh. Nakasando lang siya at pawis na pawis. Grabe ang pogi niya kahit pawis pawis!

"Hoy Em."

Naririnig kong tawag saakin ni Audric na nagbubuhat sa kanang paa ko. Hindi ko siya pinansin, nakay Tristan lang tingin ko tutal wala pa din naman sinasabi si Ate Diane na next move.

"Hoy Em"

Hindi ko pa rin pinansin hangga't maya maya bigla akong nahulog,

"Aaaaahhhh!!!—" Lumunok ako.

Pagkatingin ko sa nakasalo saakin, si Audric.

"Sabi ko focus." Aniya habang nakatingin ako sakanya at magka eye to eye kami. Halos gustong pumutok ng mga ugat sa ulo ko.

Better Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon