Chapter 4

28 2 0
                                    

"Remember hija? Si Audric yung kambal ni Austin."

"A-ah opo Tita."

"Oh tara kain na tayo."

Umupo na ako at katapat ko si Audric sa lamesa. Oh shocks! Ang gwapo gwapo niya! I cannot. Ubod nang kagwapuhan yung nasa harap ko oh. Gahd his features spells perfection.

Landi alert! Landi alert!

Bigla namang may sumisipa sa right feet ko. Tumingin naman ako kay Austin nang nagtataka. Siya kase nasa right ko kaya malamang siya din sumisipa nito.

Nilakihan naman niya mata niya. Ha? Hindi ko gets yung gusto niyang iparating.

"Faith hija don't you like the food?" tanung ni Tita Marj. Ah okay, i get it. Kaya pala ako sinisipa at pinandidilatan nang mata ni Austin dahil hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

Eh pano, tinitignan ko palang yung nasa harap ko busog na ko. Ugh landi ko talaga. Erase erase erase.

"Ah no no Tita. I like it, it's just that may iniisip lang ako. Sorry." Iniisip ko kung gaano kasarap yung anak niyo. Ugh! Shet ka naman Em. Kelan ka pa naging ganyan ka-pervert! Ang alam ko malandi ka lang pero di ka pervert Em!

"Oh. Nga pala, bat napaaga uwi niyo ngayon?"

"Half day lang po kami ngayon. Busy po ata yung mga teachers." I explained.

Nag nod lang si Tita Marj.

"Oh by the way Tita, how long are you going to stay here? Biglaan po yata ang uwi niyo?"

"Ah yes hija, biglaan nga. Saglit lang ako, babalik din ako agad sa NY sa saturday. Hindi na nga nakasama ang tito mo sa pag uwi dito." She means yung papa nila Austin.

"Aww, kamusta po kayo ni Tito doon?"

"Were fine."

Tahimik lang yung kambal na kumakain.

After ilang minutes naubos ko na din pagkain ko. Nag kwentuhan lang kami ni Tita habang kumakain. Minsan sumasama si Austin pero si Audric di nag sasalita. Pipi na kaya siya? Kahit nung bata palang kami di niya na rin ako kinakausap. Bihira ko siya marinig magsalita noon. Di kami close kasi bihira lang din yan umuwi dito sa Pinas.

"Quit staring." Bigla niyang sabi.

Woah, pati boses niya ang gwapo.

Tumingin ako sa paligid ko. Wala na pala si Tita dito sa dining room, pati rin si Austin. Wala naman ding yaya dito. Kaming dalawa nalang ni Audric ang nandito. Bakit hindi ko man lang napansin?! Did i spaced out?

Wait, so he's reffering to me? Omg, nahuli niya akong nakatitig sakanya. At isa pa, omg di siya pipi.

"Kapal." Tumayo na ako at nag hugas nang kamay.

"Saying something?" I can sense na naka smile siya nung tinanong niya 'to or more like smirk.

"Sabi ko ang gwapo mo namang bingi." Sinabi ko nang mahina. Baka lumaki ang ulo neto. Fudge! First time niya akong kinausap! As in!

Pagkatapos ko mag hugas at nagulat ako dahil pag harap ko ay nasa harap ko na siya. Oh holy cow, we're so close, kaya naman nag bend nako sa lababo pero damn nilalapit niya yung mukha niya sakin.

"A-audric."

Naka smile lang siya.

Lumayo ka please, natutukso ako. Naaamoy ko na hininga niya sa sobrang lapit nang mukha niya sakin. Bat ganun ang bango? I mean, di siya amoy pagkain na kinain namin kanina. Yung totoo, kumain ba siya? Kasi ako panigurado ako amoy ulam na kinakain namin ang hininga ko.

"Alam kong gwapo ako, pero di ako bingi." And with that tumalikod na siya at lumabas nang dining room.

Bat ganun dalawa na fe-feel ko ngayon. Una naiinis, pangalawa kinikilig. Ang shunga lang? Landi mo kasi. Hala, anong landi doon? Urgh, okay kinakausap ko sarili ko.

After that scene dumiretso na ako sa kwarto ni Austin. Wala na kaseng ibang tao sa baba maliban sa mga yaya. Tyaka andito pa pala si Ate Tonya, yung nag iisang kilala ko lang na yaya nila Austin. Pwede na ulit sila mag ka tuluyan ng driver nila austin. Yehey!

"Bat ngayon ka lang pumunta dito? Ano pa ginawa mo sa baba?" Tanong agad sakin ni Austin nung pagkapasok ko nang kwarto niya. Busy ata

"May sinabi ka bang pumunta ako dito?"

Kumunot naman noo niya sa sinabi ko, "Oo. Okay ka lang?" Tinignan niya ako.

"No. Pero di ko sasabihin sayo kung bakit." Sa susunod nalang siguro. Di pa ako maka get over eh.

Kung titiganan mo sila Austin at Audric, di mo agad masasabing kambal sila kase di sila mag kamukha. As in. Their identical twins. Hawig lang sila.

Parehas din silang gwapo. Thank God for these twin brothers. Swerte nang mapapang asawa nila. Mas matangkad si Austin ng konti pero mas maputi si Audric. Eh syempre lumaki ba naman sa NY.

Si Tita Marj at Tito Ally, yung mommy at daddy ng kambal sa new york nag tratrabaho.

Nurse si tita marj. Si tito ally naman yung papa nang kambal, businessman doon.

Lola't lolo lang nila Austin ang nakakasama niya dito (pero nasa bakasyon sila ngayon), mas gusto niya daw kase dito sa pinas. Habang si Audric naman sa NY na siya tumira nung nag gr.1 siya kasama nang mama at papa nila. Pero nag babakasyon naman sila dito pag holidays o kaya sila Austin ang pumupunta doon.

"Nandyan na nga pala pasalubong mo galing kanila mama."

Pagkatingin ko sa tinuro niya ay may nakita akong chocolates. Cool!

"Eh nasaan na si Tita marj?"

"May pinuntahan."

Tumango lang ako kahit hindi siya nakatingin sakin. Nag lalaptop kasi siya.

Tumabi naman ako sakanya at tinignan agad ang ginagawa niya. "Facebook? Really Austin? Really?"

Nakita ko namang nakalagay sa timeline nang isang babae. Debilyn Torres. Bat familiar ang itsura niya?

Better Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon