Chapter 9

13 2 0
                                    

"Ang bigat mo!"

Yan ang unang sinabi ni Audric nung unang beses nila akong binuhat. Siya ang nagbubuhat sa kanang paa ko. Di naman ako mataba a! At isa pa, di naman siya masyado mukhang nahihirapan. Siguro sa 100%, mga 35% lang yung hirap niya sa pag buhat sakin.

"Buti pa si Bea magaan." Reklamo niya ulit. Buti pa tong nagbubuhat sa kaliwa ko at nagaalalay sa likod ko walang reklamo. O di lang sila nag sasalita dahil di ko naman sila ka close?

Di ko napigilan hindi sumagot, "Grade 9 yun at mas bata yun sakin kaya malamang mas magaan siya." Like duh!

Tumawa naman siya sa sinabi ko na ikinagulat ko.

"Ibaba niyo na sila" Sabi ni Ate Diane, tinutukoy kaming mga flyers na buhat buhat ngayon ng kanya kanya naming lifters.

Pagkatapos nang unang practice namin sobra akong stressed. Madalas inaasar lang ako ni Audric. Hay. Di ko alam kung friendly pa ba siya katulad ng sinasabi ng mga tao sa paligid ko o sinasabi lang nila yun dahil gwapo siya kaya imbes na FC, e friendly ang nasasabi nila. Sus. Pero pag di gwapo o maganda sasabihin fc? Style nila bulok! Naasar ako kay Audric kahit gwapo siya :-----(

Nagtataka nalang nga din ako bakit nakakausap niya ako ng normal simula nung nakauwi sila galing NY eh diba nga nabanggit ko naman sainyo na di naman kami nag uusap neto kahit nung bata palang kami. I mean kung asarin ako neto ngayon or kausapin parang wala man lang awkwardness samantalang mygahd! Ang tagal na naming magkakilala at family friends pa kami, and take note bestfriend ko kambal niya pero ngayon lang kami nakakapag usap. Weird.

Sa mga sumunod na araw tuloy tuloy na ang practice namin tuwing uwian. Kaya lagi ko ding nakakasama si Audric pag tuwing hapon. Pff.

"Rest for 15 minutes." Sabi ni Ate Diane.

Napaupo naman ako sa sahig ng gym. Wala na akong pake kung madumihan leggings ko, pagod ako. Tinatamad din akong pumunta pa ng bleachers, gusto ko nalang makapag pahinga. Di lang pala kasi kami flyer, dancer rin kami. Yung ibang part na walang stunts sasayaw din kaming flyers.

Biglang humiga sa tabi ko si Audric. Oo humiga sa sahig ng gym tapos pumikit siya. Parang nakaramdam din ako ng inggit kaya humiga din ako. Wala na akong pake kung madumihan yung buong likod ko.

"Sinong may sabing tumabi ka sakin?"

Napadilat ako bigla at napaupo.

"M-mapiling ka. Ikaw yung tumabi e. Humiga lang naman ako." Defend ko. Totoo naman e.

Tumawa naman siya, "Joke lang. Sige higa ka na rin."

Umiling ako, "Hindi na, sige solohin mo na yang sahig." Niyakap ko ang tuhod ko at pinatong doon ang ulo ko. Nakakatamad naman kasing pumunta ng bleachers, feeling ko bibigay na paa ko. Matindi na kasi agad ang practice namin dahil may exam pala kami bago mag intrams. Dapat matapos agad namin ng mabilis para makapagreview kami ng maayos pag malapit na ang exam. Wala din kaming practice bukas.

"Higa ka na kung ayaw mong akong mag hihiga sayo." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya lalo na nung nakita kong naka ngisi siya at ginalaw galaw ang kilay niya. Oh my freaking gulay, si Audric ba to?

Pinalo ko naman siya, "Landi mo pala e, 'no?"

Napangisi siya. Okay binabawi ko na sinabi ko noon na normal lang siya at snob siya dahil sa totoo lang napansin ko ding nitong nakaraang araw na pinapansin niya lahat ng tao at ngayon naman natuklasan kong malandi pala siya. Kaya siguro maraming nag kakagusto sakanya dahil hindi talaga pakikipag kaibigan ang tawag sa ginagawa niya kundi paglalandi? Oh boy.

Nung ilang minutes nalang ang natitira sa pahinga namin pumunta na din ako ng bleacher kung nasaan ang bag ko at uminom ng tubig.

Pumalakpak si Ate Diane para makuha ang atensyon namin, "Practice na ulit."

Ilang practice lang namin natapos na din agad kami. Gabi na din kasi. Sila Austin nga maaga natapos sa practice, kainggit. Napansin ko nalang din na nung natapos na practice namin naghihintay na si kuya Patrick dun sa bleacher sakin kasama mga barkada niya at nandoon si Tristan. Omg. Kanina pa sila nanunuod ibig sabihin napanuod nila ako sumayaw. Noooo! Di pwede! Di naman sa di ako marunong sumayaw, marunong ako pero nahihiya ako kay Tristan.

"Uy galing daw ni Em." Sabi ni Derrick nung nakalapit ako sakanila nila kuya. Di ko alam kung nang aasar ba siya o compliment yun. Ngumiwi nalang ako sakanya.

"May biglaan kaming photoshoot ngayong gabi, ikaw nalang mag sabi kanila mama pagkauwi mo." Sabi ni kuya Pat saakin.

"O sige."

Freelance model kasi si kuya. Pangarap niyang maging model. Well, ako naman pangarap ko maging singer at dancer. Si Ed, di ko alam. Baka artista? Hehehe joke.

Kinabukasan wala kaming practice sa cheerdance. Halos tumalon talon ako sa saya nung naalala ko yun.

Nagklaklase kami ngayon ng marinig kong gumalaw yung katabi kong upuan sa kaliwa ko. Hindi ko pinansin dahil busy ako sa pakikinig sa teacher sa harapan. Baka magpa suprise quiz e.

"Psssst."

Feeling ko ako yung tinatawag nang katabi ko sa kaliwa pero di ko nilingon. Nako! May pangalan ako no at hindi 'pssst' yun. Tyaka di ko kaya ka close tong katabi ko sa kaliwa na classmate namin. Hangang maya maya may nangangalabit na sa braso ko sa kaliwa kaya di ko na maipigilan di mapatingin.. Audric?

"Bakit?"

Mahina lang ang boses ko dahil lagot ako sa teacher namin sa harap pag nahuli kaming nag uusap dito habang nag di-discuss siya. Si Austin naman na nasa kanan ko ay mukhang hindi napansin na nandito na sa upuan sa kaliwa ko nakaupo ang kambal niya. Nakipag palitan sa classmate namin.

Ngumiti siya sakin at umiling.

Ang weird ni Audric. Noon naman nung di pa siya yung isa sa lifters ko di pa kami masyado nag uusap ngayon naman para na kaming close. Well, okay na din atleast may magiging kaibigan ako.

Better Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon