Chapter 16

8 1 0
                                    

Di ko alam kung anong trip ni Audric pero di ko nalang pinansin yung sinabi niya. Katulad ng dati, siguro sinasabi niya lang iyun para kiligin ako at pasayahin ako dahil nga diba isa siya sa mga crush ko? Well, yeah it did worked. Kinilig ako.

"I find that jersey short familiar. Especially the number."

Napatingin ako sa suot ko, buti nga at di ako baduy tignan dahil iisang team lang kami ni Austin. Meaning parehas lang kami ng jersey, yung number lang ang hindi at yung size.

"Yeah right, it's your twin brother's" Sabi ko kay Austin.

Nag lakad na kami papunta sa quadrangle kung saan kami mag lalaro. Hay, sana di ako mapahiya pag maglalaro ako mamaya.

"Hmm, do i sense something?"

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya, "No, you probably shouldn't. May girlfriend siya. Malandi lang siguro kapatid mo."

"Whooooops," Tinaas niya ang parehong kamay niya na para bang nag susurrender. "Yes, malandi kapatid ko, parang ako. But we don't flirt unless we like the girl."

"Oh c'mon, shut up Austin. I hate assuming."

Napatawa naman siya at naka poker face lang ako.

Usually pag ibang tao ang hindi pinapasok sa laro, badtrip na badtrip, pero ako? Halos gusto kong mag tumbling sa saya nung araw na yun. Kaso biglang napagpasyahan nila Ate Diane na lahat dapat ma try maglaro.

"Sige na Em. Punta na dun." Sabi ni ate Diane.

"Ayoko po talaga ate mag laro."

"Sige na, yung kuya mo nga din ang nagsabi sakin na isama kita dito sa volleyball tapos di ka mag lalaro?"

Biglang naliit yung mata ko sa sinabi ni ate Diane. Kontra bida talaga si kuya Pat pagdating sa gusto kong salihan na games tuwing intrams. Di ko ma-gets bakit ayaw niya ako ipag laro ng basketball samantalang siya ang hilig sa basketball. Hay.

Napilitan na akong mag laro nung sinabi nilang okay lang naman pag di maayos ang serving ko kase lamang pa naman kami sa kalaban at di ko naman kailangan tumira palagi. Kahit naka pose lang daw ako doon ayos lang basta ma-try ko lang daw pumasok dun sa laro.

Nag simula na ulit ang laro at halos pwede na akong maging estatwa doon sa sobrang wala akong ginawa dahil di naman napupunta saakin ang bola ng volleyball. Kulang nalang sigawan ko mga kasama ko ng 'keep the good work guys!' dahil matatalo lang kami pag hinayaan nilang mapunta sakin ang bola.

Nakalagay nga lang ang kanang kamay ko sa bewang at pinapanuod lang kung saan nagpupunta ang bola eh. Like a boss, eh?

"Ate Em, ikaw na mag se-serve." Sabi saakin ni Bea habang inabot ang bola.

"A-ako?"

Tumango ito at ngumiti. Tumingin naman ako kay ate Diane na tumango lang din sakin. Nako! Malakas ang tira ko tuwing sinusubukan ko mag serve. Mag a-outside lang to!

Napakagat ako sa labi ko at kinuha na ang bola at pumunta sa pag servan. Pinaglaruan ko pa yung bola na para bang expert ako dito sa volleyball. Lol! Tumingin ako sa mga nanunuod at nakita ko si Ed na nakangisi saakin, alam niya kasing di ko matitira to ng maayos. Psh, kainis talaga tong kapatid ko. Sana man lang sinuportahan niya nalang ako kahit alam na namin kung anong kinalabasan nitong pag serve ko.

Huminga na ako ng malamin at nag simula nang i-serve yung bola. Pagka serve na pagka serve ay pumikit ang mga mata ko. Pinag dadasal ko ng maayos ang pagka serve ko ng bigla may narinig ako,

"Ayos ka lang ba?"

"Dalhin niyo siya sa clinic."

Dadalhin sa clinic... Sino?

Minulat ko ang mata ko at nakita si Tristan na nakahawak sa ulo niya. Instant na nalaglag ang panga ko. Noon sa bubong lang naman napupunta mga sineserve kong bola ah, bat ngayon sa tao na? At malala, yung crush na crush ko pa talaga natamaan ko.

Tumakbo kaagad ako sakanya, "I'm sorry Tristan. A-ayos ka lang?"

Tumango ito habang nakapikit na para pang tinitiis yung sakit, "Ako nalang po maghahatid sakanya sa clinic." Pag volunteer ko, tutal ako din naman nakatama sakanya ng bola. Hays, wala talaga ako future sa volleyball. Tumango naman yung iba.

"No need." Aniya pero nag punta pa rin kami ng clinic dahil utos nung teacher na nakakita sa nangyare.

"Masakit ba?"

I asked and i mentally slapped myself. Of course yes, you dumb Em.

"Medyo." Sagot ni Tristan.

Nakaupo ako sa harap niya. Nakaupo na kasi siya ngayon dito sa higaan sa clinic. Hawak hawak ko naman yung ice na nilalagay sa ulo niya.

"Pasensya na." Sabi ko sakanya.

"It's okay. Medyo nahilo lang ako sa lakas ng pag tama sakin nung bola at medyo nasaktan."

Tumango tango ako, "Lagot ako kay kuya mamaya..." Bulong ko sa sarili ko.

"What?" He asked.

"Ah wala!"

"I heard you said something, spill it."

Napakagat ako sa labi ko, "Fine. Sabi ko lagot ako kay kuya Pat mamaya."

"I'll talk to him don't worry." He assured me.

Walang umimik saamin pagkatapos nun. And as if nawala kanina yung brain ko, ngayon ko lang narealize kung gaano kami ka komportable mag usap ni Tristan, na para bang di siya yung ultimate crush ko! Bigla akong namula sa kilig. Shocks! Nasa harap ko yung ultimate crush ko at nakakausap ko! Noon patago tago lang ako sa halaman pero heto ako ngayon kausap siya na parang wala lang. San ba nag punta utak mo Em!

"Why are you blushing?"

Nagulat ako sa sinabi niya at napayuko para di niya makita na nag bla-blush ako, "N-nothing."

"And why are you stuttering?"

"A-again, nothing."

He shrugged. "Alam mo Emma, ang cute mo. Kaso nga lang kapatid ka ng barkada ko."

Better Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon