Chapter 3

20 2 0
                                    

Ugh! Di ako mapakali. Hangang ngayon naiisip ko pa rin yun. Ano ba naman kase si Kuya eh. Kainis! Nung isang araw pa yun pero hindi pa rin ako maka get over.

*Flashback*

Susubo na sana ako nang biglang nakita ko sila kuya at MGA kasama niya dumating.

What the- f

Kasama ni Kuya yung mga barkada niya, sila Tristan, Michael, at Derrick.

Waaahhhhh!!! Napapaligiran ako ngayon ng mga pogi. Sana nag pasabi man lang si Kuya para naka pag ayos ako. Charot.

Si Tristan, yung isa sa mga crush ko na tinataguan ko kanina. Remember? Classmate at barkada siya ni Kuya.

Sikat silang mag babarkada sa school dahil puro pogi sila. Puro campus crush din. Oo pati Kuya ko. Pati nga din si Ed sa elem eh. Maganda kasi genes ng Papa at Mama namin- Wooh hangin, ramdam niyo?

Di ko na kinukuya mga barkada ni Kuya Pat kahit hindi ko sila ka age at si Kuya ang ka age nila kase nakasanayan ko na din at ayaw nila. Pero yung kay Tristan, trip ko lang.

"Hi Em!" Bati ni Derrick saakin habang nakangiti.

Sa lahat ng barkada ni kuya, siya ang kaclose ko. Madalas kase siya ang kasama ni Kuya at madalas din siyang pumupunta dito sa bahay.

Nginitian ko naman siya. Umupo na din sila sa mga bakanteng upuan at nag simula nang kumain. Arrangement namin?

Kuya-Tristan-Ed

Michael-Derrick-Ako

Walang naka upo sa may magkabilang dulo nang lamesa. Ewan ko ba pero parang awkward para saakin itong dinner na to. O ako lang awkward? Kase nag kwekwentuhan naman silang mag babarkada at si Ed. Ako lang OP. Di naman kase ako maka relate sa topic nila.

Sabihin mo nang malapit ako sa mga lalaki pero kahit gaano ka pa kalapit or close sa lalaki, kung babae ka may part pa rin na hindi ka makakarelate sa topic nila. Boys..

Madali akong natapos kumain. Kase naman, andyan si Tristan. Di ako makakain nang maayos.

Nung umiinom na ako ng juice biglang nag salita si Derrick, "Si Em may pimple sa noo. Dude, inlove kapatid mo oh. Di na siya tomboy."

What the.

Bigla silang nag tawanan. Ewan ko nga lang kung lahat sila dahil yumuko na ako.

Gusto ko nalang magpalamon sa tiles sa bahay.

*End of flashback*

Ang saya diba? Note the sarcasm.

Nasayang lang effort ko mag tago kay Tristan nung kinaumagahan nun kase nakita at nalaman niya din naman na may pimple ako nung gabi. Napahiya pa ako sa harap ng ultimate crush ko.

At tyaka ano? Akala nila tomboy ako? Sa ganda kong to, napagkamalan pa nila akong tomboy?

Aba aba, ang ganda ganda kaya ni Emmanuel Faith Madrigal a.k.a ako.

Hay, enough with this thoughts na nga!

Half day lang kami ngayon. Ewan ko pero baka may meeting yung mga teachers or may gagawin or mas mabuting wag ko nang isipan kung bakit basta ang mahalaga maaga uwian namin.

Papunta ako ngayon sa bahay nila Austin. Absent kase siya ngayon at hindi man lang nagtext ang mokong saakin kung bakit siya wala. Dun na din ako gagawa nang journals ko buong hapon kase for sure may pupuntahan yung two handsome brothers ko.

Pumasok na ako nang bahay nila Austin. Walang tao sa may sala, nasan kaya sila?

Napadaan ako sa may garden nila nang may nakita akong lalaki na nakatalikod. Bisita siguro niya.

"Austin?" Tawag ko nung pagkabalik ko nang sala nila.

"Oh hija! Andyan ka pala." Sabi ni Tita Marj at hinalikan ko siya sa pisngi. Galing siya sa may kusina.

"Hi tita! Hinahanap ko po kase si Austin para masabi sakanya yung mga pinagawa saamin kanina sa school at matulungan siya. And nakabalik na po pala kayo galing NY?"

"That's so great of you. Kakauwi lang namin kagabi. Teka, nag lunch ka na ba?"

"Ah hindi pa po."

"Good thing di pa din kami kumakain. Sabay kana nalang samin. But before that puntahan mo nalang muna si Austin sa kwarto niya habang hindi pa luto yung ulam. Ipapatawag ko nalang kayo sa yaya pag kakain na." Tapos kinindatan niya ako nang dahilan nang pagtawa ko.

"Sige po."

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Austin. Kumatok muna ako tas nung binuksan niya yung pinto bigla ko siyang binatukan.

"Wow, nice way of greeting your bestfriend huh. Hello din." Sarcastic niyang sabi habang nakahawak pa din sa batok niya.

"Heh. Kainis ka! Di ka man lang nag pasabi na mag aabsent ka." Naupo naman ako sa higaan niya.

"Nag aalala ka sakin?"

"Asa ka, nainis lang ako kase dapat were in this together. Pag absent ka, aabsent din ako para fair- Aray!!!" Siya naman nambatok sakin.

"Sira."

"Dibale na sanay ka naman na. Hindi mo pa sinabi na umuwi pala sila tita kagabi."

"Nakalimutan ko at tyaka dami ko ding ginagawa."

"Like what?"

Bago pa masagot ni Austin yung tanong ko biglang may kumatok at nag salita. "Kakain na."

Bat boses lalaki? Lalaki na yaya nila Austin ngayon? At kelan pa? Aw, anong nanyare kay Ate Tonya? Paano na sila nang driver nila Austin? Rinig ko pa naman type nung driver nila yung yaya nila. Tsk tsk tsk. Sayang loveteam nila.

"Susunod na kami!" sigaw naman ni Austin.

Katulad nga ng sinabi ni Austin bumaba na kami at dumiretso sa dining room nila. Pero nung pag pasok namin dun may naka agaw ng paningin ko

Yung pagkain syempre, mukhang masarap eh. Pero meron pang isa. Mas mukhang mas masarap.

Hay shet pervert alert! Ano ba naman pinag iisip ko.

MAY UBOD NG GWAPO NA NILALANG SA HARAPAN KO.

Better Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon