XXXI - Confessions

10.3K 413 9
                                    

B O O E Y ' S  P O V

Habang kumakain kami ng hapunan, may biglang nag-doorbell mula sa labas. Nakaramdam ako ng kaba kahit na ang ineexpect ko lang naman ay si Julia.

Noong tatayo na si kuya Harley para buksan, "Ako na kuya." tsaka ako tumayo.

Bago ako umalis sa dining table binigyan muna ako ni Abnoy ng mapang-asar na tingin.

Sa sobrang kabog ng dibdib ko ni hindi ko siya magawang ismiran.

"Hi." isang napakatamis na ngiti ang pinakawalan ni Julia.

I was stunned. At that very moment, I was dumbfounded. Hindi ko alam anong una kong mararamdaman.

He looks so different. 'yong nunal nyang maliit na nasa bridge ng ilong niya na hindi ko napapansin noon, ngayon 'yon na ang nakakapagpapaganda sa ilong niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong admiration.. Kakaibang transformation.

"Tititigan mo lang ba ako, sisteret?" sa tono ni Julia, as in 'yong unang Julia na nakilala ko huh?

"P-pasok." nag-make way ako para makapasok siya.

Pagkasara ko ng pinto, "Tara sa dining room." I led the way without looking at him.

Pag titignan ko kasi siya, feeling ko hindi siya si Julia. I have this weird feelings toward him.. Those gaze.. Hindi ko alam.

Pagdating namin sa dining area, nakatingin silang lahat sa'min. Si Galaxy naka ngising aso. Si kuya nakangiti lang. Si ate Eyel parang may inaaalala.

"Hey, Gavinne-dude." tsaka niya ni-raise left hand niya para mag-hi.

"Gavinne?" nalilito kong tanong kay Julia.

Nginitian niya lang ako tsaka inabot kay ate 'yong bouquet na hawak niya, "For you, idol. Hehe."

"Have a seat." sabi ni kuya sa kanya.

Umupo naman si Julia sa tabi ng upuan ko. Umupo na rin ako na pinaprocess sa utak kung anong unang sasabihin.

Kumuha naman si ate ng plato at kutsara para kay Julia.

"Hindi ba ikaw 'yong friend ni pinsan na ano.." hindi masabi ni ate 'yong salitang bading. Kahit sino ba naman kasi mahihiyang sabihing bading 'tong Julia'ng kaharap namin.

"Hahahaha! Yes ate. Siya nga 'yon." Sagot ni Abnoy.

Mas naguluhan si ate. Mas naintriga tuloy siya. Maski ako, sumasakit na ulo ko. Ano ba naman kasi 'tong trip ni Julia? Nakakatakot.

"How come? Ano 'to? Narealize mo bang you know.. Or ganun ka parin kaso ganyan lang porma mo." tanong ni ate. Na-excite ako sa isasagot ni Julia kaso bago pa siya sumagot, umepal nanaman 'tong si Abnoy. Bolset! Kala mo siya kausap e!

"I have a story ate. Once upon a time. There was this Torpe prince named Gavinne Julius Panela BACKLAUGHE who fell inlove with someone who thought he was a gay. Because he was so torpe he played that role... Being a gay. Just to be--"

"Ehem." pagpuputol ni Julia sa kanya.

Ano daw 'yong kwento niya? Torpe? Role? What?

"Ahh.. That's funny." natatawang sabi ni ate.

Tinignan ko si ate.. Na-gets niya?

Tinignan ko ng masama si Julia pero sinuklian niya ako ng nakakapunyetang ngiti na nakakapagbigay sa'kin ng kaba.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon