Chapter Fifty

10.6K 402 45
                                    

G A L A X Y ' S P O V

Andito ako sa kitchen habang niluluto 'yong soup na kakainin ni Sapatos na nasa kwarto ko at tinutulungan bihisan ng dalawa kong kasambahay.

Pagkakuha ko ng dalawang itlog sa may fridge biglang nagring 'yong phone ko.

Si kuya Harley.

Kaya ini-slide ko agad.

[Hello.] Sabi ng boses ng babae na malamang si ate Eyel.

"Hello ate." Nilapag ko 'yong dalawang itlog sa table at sinet sa low 'yong electric stove.

[Anong nangyari kay Angelique? Nasa ospital ba siya?] Nag-aalalang tanong ni ate

"Mataas lang po lagnat ate. Bumagsak po kanina sa field." Pagsisinungaling ko. Ayoko naman sabihin kay ate na binangga siya at dahil mataas lagnat niya nawalan siya ng malay.

[Ahh ganun ba? Nasan siya ngayon? Kamusta siya?] Sunod-sunod niyang tanong.

Nasa Hongkong kasi sila ngayon three days na silang nandun at nagbabakasyon.

"Nandito po sa bahay ate. Ako na po bahala sa kanya."

[Sigurado ka ba? Baka mag-away nanaman kayo.]

"Opo ate. Tsaka immune na ako sa kanya." natatawa kong sagot.

[O'sige. Behave ah?]

Namula ako sa sinabi ni ate kahit alam kong nagjojoke siya. "Ate naman!" Parang bata kong sabi.

Narinig kong tumawa si ate Eyel. [I trust you.] makahulugang sabi ni ate

"Thank you, ate. Don't worry, you can trust me po." I assured her.

"[I know. Sige, I have to go. Umiiyak nanaman si Philzoe.]

"Sige ate. Enjoy your vacation and ingat dyan."

Call ended.

I respect Booey as much as I respect myself. Hahaha! Alam niyo naman gaano kataas tingin ko sa sarili ko at kung gaano ko pinahahalagahan virginity ko. Hindi naman babae lang ang kailangan mag-ingat sa pagkababae nila. Sino bang may sabing babae lang ang kailangan mag-ingat sa virginity nila? Hindi naman nasusukat ang pagkalalake sa dami ng naikama niya. Okay, ang dami ko nanamang pinaglalaban! Si ate kasi e!


Pagkaluto ko ng soup, umakyat na ako bitbit ang tray ng pagkain at gamot ni Sapatos.

Nakasalubong ko naman 'yong dalawang maid namin na pababa ng hagdan.

"Kamusta siya?" tanong ko sa dalawa.

"Nakatulog po ulit sir. Tinuyo narin po namin 'yong buhok niya." Sagot nung isa.

Umakyat na ako pagkarinig ko nun.

Pagkapasok ko sa kwarto, nilapag ko na 'yong tray sa side table.

Tulog na tulog siya pero kailangan ko siyang gisingin para kumain at nakainom ng gamot.

"Sap---"

"Boo--"

"Sap---"

Tss! Paano ko ba 'to ibabangon?! Mamaya bigla akong sapakin. Bahala na nga.

"Angelique, kain ka muna ng soup oh." Malumanay kong sabi tsaka ko siya tinapik ng mahina hanggang sa magising.

Sinubukan niyang tumayo para maupo kaya inalalayan ko siya. Nakaupo na siya at nakasandal sa headboard ng kama pero nakapikit parin.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon