XIX

14.2K 480 21
                                    

[Sa nag-request ng bed scene, ETO NA PO!]

"Umuwi ka na ngayon din!" Sabi ni mommy mula sa kabilang linya.

Sa way ng pananalita niya alam kong galit siya. Alam na kaya niyang nawawala si Nikoy? Pero, dapat nagpapanic siya di ba?

Nag-iwan ako ng number sa pamunuan ng amusement park para habang wala pa ako at nahanap nila si Nikoy, mako-contact nila ako agad. Babalik din ako agad, kailangan ko ng tulong nila mommy.

Pagdating ko kanila ate Eyel, nasa sala silang lahat... kasama si Abnoy na napahinto sa pakikipaglaro kay Piso.

...

...Anong meron?...

Nakatingin silang lahat sa'kin.. Si Abnoy may nakakalokong ngiti ang nakaguhit sa kanyang labi.

Hindi maganda 'to. Wag niya akong pag-ti-tripan ngayon.. Ngayong nawawala kapatid ko, bubugbugin ko talaga siya kahit sa harap pa nila mommy.

Lumapit si mommy sa'kin.

"Mo-mommy.. Si Nik--"

Naputol 'yong sasabihin ko ng biglang nagsalita si mommy, "Ano ka ba naman Angelique Venice! Bakit mo ba laging pinagbubuhatan ng kamay 'tong si Galaxy? At bakit mo naman siya kinawawa?"

ANO DAW!?!?!?!

"Hindi ba sabi ko naman sa'yo kung hindi mo kayang alagaan mag-isa kapatid mo, pwede naman akong sumama 'di ba?"

TEKA! PENGE SALBABIDA! NALULUNOD 'YONG UTAK KO SA SABAW!!

Pinagsasabi ni mommy?!

"Ginambala mo pa si Galaxy na kagagaling lang daw sa sakit para maging baby sitter ng kapatid mo. Hindi ka ba naawa sa tao? Nung nakatulog kapatid mo, ang sabi mo pa daw sa kanya e, 'umuwi ka na at iuwi mo kapatid ko kasi mag-ra-rides pa'ko'". namewang pa si mommy na parang may minimimic siya which is ako.. DAW!

Tumingin ako kay Abnoy, nakangiti lang siya. Simpleng ngiti pero alam kong nagdiriwang na siya sa loob-loob niya!

Medyo nawala inis ko ng ma-puzzle ko sa utak kong andito na si Nikoy at natutulog.

"Andito na si Nikoy mommy?" nag-aalala kong tanong kay mommy.

"Oo, di ba nga inutos mo kay Galaxy na iuwi siya? Andun sa kwarto ng ate mo, tulog na tulog. Oh, mag-sorry ka at mag-thank you man lang kay Galaxy! Ngayon na!" tsaka niya ako pinanlakihan ng mata.

"Mommy naman! Wala naman akong kasalanan eh! Imbento yang Ab--"

"ANGELIQUE!" natigil ako sa pagsasalita ko ng si daddy na nagsalita.

Bigla akong kinilabutan. Gusto kong umiyak.

Bakit ako magsosorry sa Abnormal na 'to? Wala naman akong ginawa sa kanya. At, bakit pa ako mag-te-thank you eh siniraan nya nga ako dito!

"Opo." halos pabulong kong sabi.

Lumapit ako kay Abnoy na nakangiti parin sa'kin.. Pagkalapit ko bigla siyang binatukan ni kuya Harley.

"Nang-aasar ka pa e." Suway ni kuya Harley.

Tinignan ko si kuya at nagpa-thank you na kahit papaano may bawi ako sa autistic na Alien na 'to.

"Ugggghhhhhh.. You." Pabulong kong sabi.

"Ano 'yon? Hindi ko narinig. Natatae ka ba?" Tsaka siya tumayo at nilapit sa'kin tenga nya.

Naririnig kong humahagikhik si ate Eyel.

"ssss.... Rry." I said breathlessly.

"And...?" He said no choice.

The BULLY meets the BULLIER (Completed ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon