Si Kuya at Lexi ang unang naglakad tapos si Junjun naman at si Jelai tapos yung partner ni Tonsy bukas pa dadating saka kami ni Borj ang panghuli
"So how's the feeling na ka partner mo si Borj?"tanong ni Jelai
"Okay lang"sagot ko
"Okay lang?naku Roni wag moko pinagloloko alam ko deep inside kinikilig kana"sabi pa niya
"Hala pano mo nalaman?"natatawang sagot ko
Dahil sa sagot ko ay tawa na siya ng tawa
Nang matapos na ang rehearsal ay nakita din namin ang daddy ni Jelai na naglalakad na patungo sa cottage namin
"Dad!"sabi ni Jelai saka pumunta papunta sa daddy niya
Niyakap niya ito saka hinalikan sa pisngi saka nagpatuloy na sa paglalakad
Pagkarating nila sa cottage ay hinila kami ni Jelai palabas
"Ano ba?!"tanong ni Lexi habang si Jelai ay nagtatatalon na
"Nandon na yung mga instruments"sabi niya habang tumatalon
"Talaga!"sigaw namin ni Lexi
"Shh wag kayong maingay"saad niya
Dahil sa lakas ng boses namin ay narinig kami nina Borj kaya umalis sila sa cottage at lumapit saamin
"Bakit?"tanong ni Junjun habang papalapit kasama si Tonsy
Pero walang kahit isa sa amin ang tumingin o kumausap sa kanya
"Ano yun girls?"sabi pa ni Kuya Yuan saamin
Kagaya kay Junjun ay wala ding pumansin sakanya
Nang makarating si Borj ay hinila kaagad namin siya
"Alam mo Borj,nandon na yung mga instruments nila tara tingnan natin"sabi ni Jelai saka hinila si Borj papalayo
Nakita ko na na confuse si Borj sa ginawa ni Jelai
Sumunod na lang din kami ni Lexi sakanila
"Saglit ano yung nangyari Jelai?"tanong ni Borj sakanya
"Wag ka nang tanong nang tanong kuya"sabat ni Lexi
"Uy,selos ka no?yiee"pang-aasar niya pa kay Jelai
"Ah talaga?"nakataas ang isang kilay na tanong ni Jelai
"Alam mo Roni swerte mo"sabi ni Lexi
"Saan?"clueless na tanong ko
"Eh Ikaw wala kang pagseselos-”hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang takpan ni Borj ang bibig niya
"Ano yun?"tanong ko sakanya
"Ah wala to Roni pasmado lang talaga ang bibig nitong si Lexi eh”sabi pa ni Borj na hindi pa rin inaalis ang kamay sa bibig ni Lexi at hinaploshaplos pa niya ang buhok nang kapatid
Kinalabit na ni Lexi si Jelai hudyat para tulogan siya kaya tumulong na si Jelai sa pag-alis ng kamay ni Borj
Sa wakas ay natanggal na din nila ang kamay ni Borj kaya nagpatuloy na din kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami kung saan nakalagay lahat nang mga gamit
YOU ARE READING
Sparkle
Short StoryThe movie "Gmik"gave me this ideal story to write hope you all like this.But I concluded the eSports farm here.Plagarism is a crime indeed.but this story is just for fans who's been hurt by the G-mik story line.This is just a work of fiction.Well we...