“Jelai!!!!” sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at mahigpit na yumakap sa kanya
“ I miss you so much” bulong niya sa yakap namin. Simula kasi noong sumali ako bilang isang eSports player ay nag pursue din si Jelai ng matagal na niyang pangarap na pagiging chef at ngayon ay may sarili ng restaurant sa Italy at Germany.
“My bebe!!” sigaw ni Junjun na papalapit sa amin at niyakap din si Jelai ng mahigpit
Si Junjun ay isa ng professional doctor na nagtatrabaho sa states ngunit nabigyan ng 6 months vacation ngunit sumasahod parin ito.
“I miss my bebe so much” saad ni Junjun na mangiyak ngiyak
“What the hell is wrong with you? ang oa mo ha, nakainom ka ba ng dugo ng oa na tao doon sa states?” nagtatakang tanong ni Jelai kay Junjun
“I just miss you bebe” saad ni Junjun last year pa naging sila ni Jelai nong nagkita sila ulit sa Germany noong nagbakasyon si Junjun at nagkita sila sa restaurant ni Jelai.
Pumasok kami sa loob ng bahay at sa wakas ay nagkita na din ni Jelai si Lexi at si Borj na naka upo. Bakas sa mata ni Lexi ang tuwa at panghihinayang at parang gusto niyang lumapit sa amin ngunit may pumipigil lang sa kaniya.
Hindi na namin pinansin si Lexi at Borj, agad na kaming naglakad papuntang kusina at agad na nagkita sina mommy at Jelai at nagyakapan
“Gusto niyo ipagluto ko kayo tita?” tanong ni Jelai kay mommy
“talaga ba? Gusto ko yung specialty mo ha” pangdadaldal ni mommy sa kanya
Lumabas muna ako ng kusina para kumustahin ang mga teammates ko
“Gusto niyo ba sumali sa party namin? medyo okay sha ngayon kasi nandito na yung best friend ko na si Jelai” nilakasan ko pa ang boses ko para lang marinig ako nina Lexi dahilan para lumingon sila samin.
“Aya chatted me, her parents is inviting us to celebrate Christmas with them” saad ni Theo
“Sinong kasama mo?” tanong ni LV sa kanya
“sino pa ba? kapatid kita alangan namang si Aico na busy din siya dito kina Roni” pagmamaktol ni Theo
“ako? Ayoko don may psycho cousin kaya si Aya-san may gusto sakin yung psycho” nandidiring sabi niya
“sino?” inosenteng tanong ni Aico
“si Kizumi yung kumikindat kindat yung mata parang ganito” sabi niya at inakto pa kung paano ang galawan ng mata ng pinsan ni ate Aya
“sakit niya yon, gago” saad ni Theo at binatukan pa ang kapatid.
“sakit pala yun? weird sige na nga sasama na, pero dapat samahan ako ni Aico para hindi ako ma OP doon ang pangit si Kizumi palagi kaharap ko nahahawa ako sa sakit niya” natatawang sabi ni LV ngunit napawi rin ang ngiti niya ng ambahan siya ni Theo. Nalipat ngayon ang tigin kay Aico kung sasama ba siya o hindi pero alam naming sa ayaw at sa gusto niya ay wala pa rin siyang magagawa kundi ang sumama.
Ilang minuto pa sa pag kukwentuhan namin ay lumapit si kuya sa amin.
“Kumusta naman kayo rito?” bati ni kuya sa amin at ngumiti lang naman ang mga loko
“bakit ba?” walang modong sagot ko
“kausapin mo naman sina Lexi oh parang wala naman tayong pinagsamahan” pagmamakaawa ni kuya sakin
“kuya, pwede wag dito? wag nganong please, nandito mga kaibigan ko oh” striktang sabi ko
“Roni!” pangsasaway ni Theo sa akin
YOU ARE READING
Sparkle
Short StoryThe movie "Gmik"gave me this ideal story to write hope you all like this. But I included the eSports industry here. Plagarism is a crime indeed but this story is just for fans who's been hurt by the G-mik story line. This is just a work of fiction.W...
